Lae
Unknown number:
This is Christian. Save my number.
My lips rose and I scoffed in amusement when I read his text. Tss. Bukod sa suplado, demanding din pala ito.
Ibinaba ko sandali ang librong hawak ko para makapagtipa ng reply sa kanya. After that, I saved his number and get back to reading.
Kaninang hapon pa niya kinuha ang cellphone number ko pero ngayong alas diyes lang ng gabi siya nag-text. Well, it’s not like I’m expecting that he’ll contact me right away pero at this hour? If I’m not just engrossed to read this novel right now, baka tulog na ako.
Kakalipat ko sa susunod na pahina ng libro nang muling tumunog ang cellphone ko. When I put down my book on my lap to check it, he replied.
Christian:
What are you doing?
Tumaas ang kilay ko. I am not fond of too much texting. I prefer calls. Pero dahil inisip kong baka may kailangan siya, nireply-an ko na.
Ako:
I’m reading.
There. Two to three words ng reply lang para hindi halatang interesado sa ka-text.
Muli siyang nagreply.
Christian:
Sorry. Naistorbo ba kita?
Ako:
May sasabihin ka ba?
Tuluyan ko nang ibinaba ang librong hawak ko para hintayin ang reply niya. Hindi lumalayo sa pagitan ng isang minuto ang pagreply niya sa akin. Ibig sabihin...ito lang ang ginagawa niya.
Bukod sa isipang ‘yon, knowing that he’s texting me at this hour made me feel something I can’t totally explain.
Pero hindi, I should dismiss my thoughts of him having something towards me. Wala naman siyang inaamin. Hindi dapat ako nag-aassume ng ganito.
Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin siyang reply sa akin. Kanina lang, ang bilis magreply pero ngayon, nganga na?
I lazily dialled his number. Siguro nakatulog na siya.
“Hello.” Sagot niya sa kabilang linya.
Umahon ako mula sa pagkakaupo ko sa single couch bag bean sa tabi ng bintana. All of a sudden, biglang hindi ko na alam kung ano ang sasabihin. Parang nablangko ang utak ko.
I gulped. Ibaba ko na lang kaya ‘to?
“Lae?” He spoke again.
Tumayo ang mga balahibo ko sa paraan ng pagbanggit niya sa pangalan ko. It was raspy like a bedroom voice.
“U-Uh... sorry! N-Napindot ko l-lang. S-Sige, bye!”
“Sandali—-“
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. I immediately cancelled the call and threw myself on my bed.
Inilubog ko ang mukha ko sa unan habang inuuntog ang sarili ko ro’n. Nakakahiya ka, Lae! Ikaw pa talaga ang unang tumawag!
I shrieked out because of self-humiliation. Bakit ba kasi ako nagkakaganito? Bakit gustung-gusto ko ang atensyon niya?
Hindi pwede. Hindi ko dapat ipinapakita na interesado ako sa atensyon niya. Na curious ako sa mga titig niya. Dapat...
Ano ba dapat?
Should I confront him?
I heaved out a sigh. No. He likes someone else. That’s enough reason for me not put any malice on his stares.
Malay ko, baka inis lang siya kaya madalas niya akong tingnan.
Tama. I should bear that always on my mind.
Maaga akong nagising kinabukasan kahit na napuyat ako sa mga naiisip. At saka, umuwi si Papa mula sa ilang buwang duty niya.
“Good morning, ‘nak!” Nakangiting bati niya sa akin.
Nadatnan ko nang naghahain siya ng pagkain sa mesa. I pouted at him. He chuckled. Nilapitan niya ako at saka hinalikan sa ulo.
“Kain na tayo! Pinag-day off ko muna si Lusing ng dalawang araw para makapagpahinga rin siya. Kaya ako na ang nagluto ng almusal.” Sabi niya at ipinagpatuloy ang paghahain.
Umupo na ako sa dining chair na iminuwestra niya para sa akin. I smiled and uttered thanks to him.
Masaya naming pinagsaluhan ang almusal. Ang tagal niyang hindi nakauwi dahil sunud-sunod ang operasyon nila. Kaya nang makatanggap ako ng text mula sa kanya na uuwi siya ngayong sabado, para akong nabuhayan ng loob.
Sundalo kasi si Papa. Si Mama, well, sumama sa iba. Hindi naman din kasi sila kasal ni Papa. Kaya ang madalas kong kasama rito sa bahay ay si Manang Lusing.
“May lakad ka ba ngayon, ‘nak?” Tanong niya sa akin sa gitna ng pagkain namin.
Tumango ako. “Opo, ‘Pa. May gagawin kaming group activity.”
“Saan? Gusto mo ihatid kita?”
Umiling ako. “Hindi na po. May susundo naman sa’kin.”
Mataman niya akong tiningnan. “Sino? ‘Yong anak ni Pareng Isko? ‘Yong matangkad na maputing lalaki?”
Tumango ako sabay lunok ng nginunguyang pagkain.
“Boypren mo na ba ‘yon?”
Halos mabilaukan ako sa tanong ni Papa sa akin. Natatawa siyang nag-abot ng tubig sa akin habang inuubo ako.
Nang mahimasmasan ay sinimangutan ko siya. Natatawa pa rin siya habang hinahagod ang likod ko.
“Papa naman!” I said.
“Aba’y bakit? Eh ang sabi ni Lusing sa akin ay madalas mo raw makasama ‘yon. Mamaya nga’y kakausapin ko ng lalaki sa lalaki habang nililinis ko ang armalite sa harap niya.”
“Hindi ko boyfriend si Paul!” Tanggi ko.
What makes him think about that? Oo at madalas kong kasama si Paul pero yun ay dahil classmate ko siya’t kasama siya sa mga circle of friends ko.
Kasalukuyan akong nagbibihis pagkatapos kong maligo. Nag-aayos na ako dahil anytime, darating na si Paul.
Narinig kong may kumatok sa kwarto ko.
“‘Nak?” Dinig kong boses ni Papa.
“Sandali po!” Sagot ko. Inayos ko ang damit ko’t kinuha ang suklay bago ko siya pagbuksan.
Pagbukas ko ay nadatnan ko siyang nakahalukipkip at nakatingin sa akin na parang nanunuri. Lumabi ako.
“Bakit na naman po?” Tumaas ang isang kilay ko.
“Nandyan na ang sundo mo.” At saka marahan akong kinurot sa tagiliran. Imbes na masaktan ay natawa ako dahil nakakakiliti ‘yon.
“Loko ka ah? Hindi ‘yon ang anak ni Isko, ah? Moreno ‘yong nandun sa sala. Pero matangkad din at...may itsura!” At tumaas-baba ang kanyang kilay.
“Po?”
Who would that be? Si Paul lang naman ang alam kong susundo sa akin dahil sinabi niya. Hindi kaya si Josh ‘yon?
Kinuha ko na ang libro at ibang gamit na gagamitin namin para sa activity. Isinilid ko iyon sa isang bagpack ko. Pagbaba ko galing sa kwarto, napanganga ako nang madatnan ko kung sino ang naghihintay sa akin sa sala.
Tumayo siya nang makita niya akong nakatayo sa huling baitang ng hagdanan. Kasunod ko lang si Papa sa pagbaba.
Tipid siyang ngumiti sa akin at saka tumango.
Kagabi lang ay katext ko siya. Ni hindi ko maalis sa isip ko yung nangyari kagabi tapos ngayon...ngayon nandito siya sa amin?!
I heaved a sigh. Nilapitan ko siya nang hindi ngumingiti.
“G-good morning.” Bati niya sa akin.
Tumango ako. Unti-unting bumibilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Parang may nagwawala sa tiyan ko.
“Susunduin ako ni Paul.” Mahinang sabi ko sa kanya.
His lips protuded. “Nagsabi siyang...hindi ka masusundo dahil sira raw ang motor niya.”
My lips parted at marahang tumangu-tango.
“You didn’t check our group chat?” Dagdag niya.
Nangunot ang noo ko. “May GC tayo?”
Tumango siya. “I added you there.”
Chineck ko ang cellphone ko. Oo nga pala. Nakasali ako. Pero hindi ko agad nakita dahil nasa Message Request iyon.
Narinig ko ang pagtikhim ni Papa. Nasa likod ko lang pala siya at nakikinig sa usapan namin.
“Alis na po kami, ‘Pa.” paalam ko sa kanya.
Nakita kong dinukot ni Papa ang wallet niya sa likod ng pantalon niya.
“Kunin mo ito anak. Pamasahe niyong dalawa.” Aniya.
Sasabihin ko sanang hindi na kailangan dahil may allowance pa ako. At saka mura lang naman ang pamasahe sa tricycle. Sigurado namang may allowance din si Christian, ‘di ba?
Pero naunahan ako ng kasama kong magsalita.
“Hindi na po, Sir. May sasakyan naman po kami.” Magalang na tanggi ni Christian.
Nabitin ang pagdukot ni Papa ng pera sa wallet niya. Tiningnan niya si Christian at saka bumaling sa akin.
“Oh...sige. Pang-meryenda?” Alok ulit ni Papa.
“May allowance pa po ako.” Mabilis na sagot ko sa kanya.
Tumango siya at ibinalik na ang wallet sa bulsa.
“Alis na po kami, Sir. Ihahatid ko po agad si Lae pagkatapos ng gagawin namin.” Magalang na paalam niya.
My father’s jaw dropped in amusement. Kahit ako, namamangha sa asta ni Christian. This is his first time in our house. Hindi ko alam kung mayabang ba siya o masyadong magalang?
Nang makalabas na kami sa bahay ay wala akong nakitang sasakyan niya. Pero... may bike. Kanya ba ito?
Kulay itim iyon na may basket sa harapan. Nandoon din ang backpack niya. May kaunti pang espasyo kung sakaling maglalagay pa ng ibang gamit. Sa harap ng upuan niya ay may pasadyang upuan na yari sa kahoy. Mukhang matibay ang pagkakakabit nito sa bakal ng bike niya.
Nangunot ang noo ko. Oh, no...
“Akin na ang bag mo.” Aniya sabay lahad ng kamay niya sa akin.
Nalilito man ay hinubad ko iyon mula sa pagkakasukbit nito sa likod ko at saka inabot sa kanya.
Maayos niya iyong inilagay sa basket ng bike niya. Nang makaupo na siya roon ay sinulyapan niya ako.
“Halika na.” Aya niya sabay tapik sa upuang kahoy.
Lumunok ako. Dumapo ang mga mata ko sa upuan bago ko ibalik ang tingin sa kanya.
“Safe ‘to. Halika na.”
Umiling ako. Hindi dahil sa namimili ako at nagiinarte. Natatakot akong baka malaglag ako kapag sumakay ako sa bike niya.
Bumuntong hininga siya. Umalis siya sa pagkakaupo sa bike niya at nilapitan ako.
“Pasensya ka na. Bike lang ang sasakyan ko. Wala akong motor o kotse na tulad ng mga classmate natin.”
I felt guilty. Siya pa ang humingi ng pasensya well in fact, siya na nga itong sumundo sa akin.
Nag-effort pang pumunta rito kahit na pwede naman siyang dumiretso na kila Paul Luis.
“Halika na. Ipagpapara kita ng tricycle.” Sabi niya. Tinalikuran niya na ako’t aambang paparahin ang tricycle na paparating nang awatin ko siya.
“Christian, sandali!” Tawag ko sa kanya.
Lumapit ako sa bike niyang nakatayo. Sinulyapan ko ‘yon bago ko siya tingnan.
“Paano ba sumakay?” Ani ko.
Ngumiti siya at saka muling naupo sa bike niya. Inayos niya iyon at saka inilahad ang kamay niya sa akin.
He guided me how to sit. Nang makita niyang hindi maayos ang pagkakaupo ko ay hinapit niya ako sa tiyan gamit ang kaliwang kamay niya at inatras ako ng kaunti.
I was holding my breath the whole time his hand wrapped around my stomach. Para akong nakipagkarera dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. The feeling is totally breath-taking! Pati ang laylayan ng bestida ko ay inayos niya rin.
“Careful...” I whispered. Ang lapit lapit namin sa isa’t-isa.
Narinig ko ang malalim na paghinga niya. Hindi ko alam kung puso ko ba yung naririnig kong kumakabog sa lakas o...pati siya’y kinakabahan din.
“I will.” He said.