Lae
Maybe I looked desparate for getting Christian’s attention, but hell no, if he’s going to ignore me, hindi ko na ipipilit ang sarili ko.
Curious lang ako dahil sa mga titig niya sa akin!
Kaya nang mga sumunod na araw, pinilit ko ng kalimutan ang huling interaksyon namin. Tutal, he already got Carlyn’s number. Sigurado akong magka-text na sila palagi!
Pero at the back of my mind, alam ko, there’s a part of me na hindi okay iyon. I don’t know why I feel this way, though. Pakiramdam ko, para akong naaagawan ng atensyon.
I don’t want to acknowledge this feelings that’s starting to grow. At kung pwede lang, ibaon ko na agad ito sa limot!
So I did what I have to do. Nag-focus ako sa pag-aaral. I aced every quizzes and recitations in all of our subjects at lalo kong pinaghandaan ang inter-school competition.
We brought home the bacon. I was able to answer the winning question. Kaya nagdiwang ang school after the flag ceremony at in-announce ang mga winning participants.
I was proud for my achievements but never did I brag about it. Ginawa ko pa ‘yong tool para matulungan ko pa sa pagre-review ang mga kaibigan ko.
We were grouped in our Filipino subject para sa reporting. Ang teacher ang mamimili kaya nawalan ako ng pag-asang makakasama ko ang mga kaibigan ko.
“Binibining Asuncion, makakasama mo sila Ginoong Vergara at Binibining Roma.” Saad ng guro namin dahil kaunti na lamang ang hindi pa nabibigyan ng grupo.
“Al—right!” Paul Luis muttered in excitement.
“Makakasama niyo rin si Ginoong Ponferrada at Ginoong Quirod.” Dagdag ni Ginang Rosario.
Natigilan ako sa narinig. Bakit namin siya makakasama? Dapat ay nasa kabilang grupo siya! Paano ako ngayon makakaconcentrate sa activity kung ganitong kasama namin siya?
“Isasagawa niyo ito sa Lunes.” Dagdag niya.
Kanya-kanya ang bawat grupo sa pagbilog na form ng mga upuan para mapagusapan ang gagawing activity. Hindi na ako umalis sa upuan ko dahil tinawag ko na silang dito na lang kami pumuwesto.
Unti-unti silang lumapit sa gawi ko. Pinaggitnaan ako ni Paul Luis at Joshua, Si Monica ay katabi ni Joshua. Bakante pa ang isang upuan na nakareserba na sana para sa ibang kasama.
Nangunot ang noo ko? Oh, asan na ‘yon?
“Si Christian, kinakausap si Ma’am Rosario. Gustong lumipat kila Gil.” Sabi ni Josh.
I ignored what he said and continued writing about the activities. Mas maganda nga ‘yon kung lilipat siya para hindi ako naiilang.
“Pigilan mo, Monica.” Sabi ni Paul Luis.
My brows met when I heard that. Pipigilan? Huwag na! Hayaan na nilang lumipat siya sa kabilang grupo. Kaya naman naming itawid ito kahit wala siya. Saka isa pa...bakit si Monica?
Nilingon ko si Monica na nakatingin kay Christian. Tila naghihintay na mapansin siya.
“Bakit Mon? Ano’ng meron?” Usisa ko.
Nilingon niya ako. She blushed profusedly. The boys just chuckled habang ako... naghihintay lang sa isasagot niya.
“Ah...” alangan na ngiti niya at saka hinawi ang mahabang buhok niya.
“Nahiya ka pa eh!” Siniko siya ni Josh. “Kinuha kasi ni Christian ang number niya noong isang araw.” At saka muling binuska si Monica.
She just chuckled. Bakas sa mukha niya ang matinding kilig.
Masaya silang naghahagikhikan at nagtutuksuhan dahil doon. Kung sa ibang pagkakataon siguro, baka sumali na ako sa kulitan nila. Pero ngayon, kahit ang makinig sa topic nila ay ‘di ko magawa.
I thought Christian’s attracted to that sophomore girl? Bakit ngayon, ‘yong kaibigan ko naman?
What’s that? Collect and select?
Nagtagis ang mga bagang ko. Maybe I should be getting myself more closer to him so I can grasp more information. Hindi pwede iyong ginagawa niya. Para siyang namamangka sa dalawang ilog.
“Tama na ‘yan! Pag-usapan na natin ‘yong gagawin!” I cut them just so they stopped talking about it.
Monica smiled at Christian when he sat down beside her. Kilig na kilig na akala mo’y sila lang ang magkasama habang magkausap silang dalawa. Christian glanced at me again but unlike my previous reactions na ako ang unang umiiwas ng tingin, ngayon, tinitigan ko siya ng mariin.
Hindi niya binawi ang mga titig niya. Lalo kong ipinaramdam ang pagsusungit ko para ipaalam sa kanyang alam ko ang ginagawa niya.
Kung alam mo lang, Monica. You’re not the only one he likes.
Nag-discuss kami sa gagawing activity. Kila Paul Luis ang usapang magiging venue ng paggawa ng report bukas, araw ng Sabado, alas otso ng umaga.
“Sunduin kita bukas?” Tanong ni Paul sa akin.
Umiling ako habang inaayos ang notes ko. “Umuwi si Papa. Sa kanya na lang ako magpapahatid. Baka asarin lang ako no’n kapag may nakita siyang may sumusundo sa akin.” Malamig na sabi ko.
“Oh? Eh di maganda! Magma-mano ako sa kanya.” He said and played with his brows up and down.
Hindi ko na siya sinagot. I just rolled my eyes and continued what I’m doing.
Vacant period namin pagkatapos ng subject namin sa Filipino kaya naisipan na rin namin mag-research sa library. Ako na rin ang itinalagang leader sa grupo namin kaya inatasan ko silang magresearch tungkol sa topic.
Nasa pinakadulo ako ng shelf ng library. Hinahanap ko ang librong minsan kong nabasa kung saan may impormasyon roon tungkol sa topic namin sa reporting.
Kaso nangunot ang noo ko dahil naisilid ang libro mataas na parte ng shelf.
Sinubukan kong abutin iyon pero hindi ko talaga makuha. I can only touch some of its parts. Sinubukan ko na ring tumalon pero hindi ko pa rin maabot.
I gave up and was about to call Paul Luis so he can reach it but I saw someone’s arm and pulled out the book.
“Hindi masamang humingi ng tulong.” Tipid na ngiting sabi sa akin ni Christian.
Hindi ko magawang suklian ang ngiti niyang iyon. Kahit ngayon ko lang siya nakausap ng kami lang at ngumiti pa siya sa’kin na napakadalang mangyari, hindi ko siya nginitian pabalik.
“Salamat.” Tanging nasabi ko, ni hindi ko siya tinapunan ng tingin.
Naupo ako sa sahig sa gilid ng shelf. Naroon pa rin siya’t nakatunghay sa akin. I didn’t mind him, though. I continued reading and jotting down notes.
Narinig ko ang mga yabag niya palapit sa akin. I saw in my peripheral vision that he stopped beside. Napalunok ako sa matinding antisipasyon. And my breathing hitched when I saw him sitting next to me.
Nagtama ang balat ng mga braso namin. I almost felt an electric shock that tugged my system. Ramdam ko ulit ang kabang pinipilit kong iwaksi kapag nagtatama ang mga mata namin.
“Ito na ‘yong part ko. Pacheck na lang kung okay na.” Sabi niya at saka inabot sa akin ang papel.
Kinuha ko ‘yon sa kanya mabilis iyong pinasadahan ng tingin.
“Sige, oks na ‘to.” Ani ko nang hindi ko siya tinitingnan.
I suddenly became vigilant with my surroundings. Baka may makakita sa amin. This is a public place. Baka sabihing nagde-date kami rito!
I reprimanded myself immediately. Okay ka lang, Lae?! Ano’ng pinagsasabi mo?!
“Uh...” narinig kong sabi niya.
Nilingon ko siya habang nakataas ang isang kilay ko.
“Ano?” Supladang tanong ko.
“Magpapatulong sana ako...sa’yo.” Marahang sabi niya.
Nangunot ang noo ko.
“Tungkol sa?”
He gulped. He looked at me straight in the eyes. Kahit nakaupo ako, ramdam ko ang pangangatog ng mga tuhod ko. It sent me feelings that I can’t totally explain.
“Magpapatulong sana ako kung paano...makipaglapit sa liligawan ko.” He trailed off.
My lips parted when I heard him said that. Bakit ako? Bakit sa akin? Siya ang lalaki ah!
At saka, sino sa dalawang babae ang liligawan niya? Si Carlyn o si Monica?
Hindi ko alam ang mararamdaman! I was in total shock! Nilapitan niya ako para tanungin ng ganito?
I scoffed sarcastically while laughing. Nangunot ang noo niya sa reaksyon ko.
“Sino ba?” Tanong ko.
Ngumuso siya. I don’t usually say this but...he’s handsome.
Heck, I should collect all my thoughts and get rid my thing for him.
“Pwede bang akin na lang ‘yon?” Balik tanong niya.
Nagtagis ang nga bagang ko. This guy is really something. Masyadong pa-mysterious. Akala niya naman lahat ng tao interesado sa kanya.
Sabagay, it will be an opportunity for me to get us closer. Isa pa, I can fish some information and warn Monica if ever ngang pinagsasabay niya silang dalawa ni Carlyn.
Ngumiti ako ng pagkatatamis-tamis sa kanya. I made sure it would really looked genuine.
Nakita ko ang pagparte ng mapupula niyang mga labi nang ngumiti ako sa kanya.
“Fine.” I answered.
Kung ano’ng tamis ng ngiti ko sa kanya ay tinugunan niya rin ako ng maluwang na ngiti.
I felt like melting. This...is my...first time...seeing him smiling like this. So sweet and...lovely.
Kinuha niya mula sa kanyang bulsa ang cellphone niya at inilahad iyon sa akin.
“I’m gonna need your number, then.” Masigla niyang sinabi sa akin.
Mula sa pagkakatingin ko sa kanya ay lumipat ang tingin ko sa cellphone niya. Hindi naman talaga namin kailangan ang magka-text. Pwede naman niya akong lapitan sa room kung sakaling may tanong siya.
Pero siguro, ganoon nga talaga.
Ibig sabihin, ite-text niya ako!
Marahan kong kinuha sa kanya ang phone niya at kahit sandali ko lang iyon hinawakan, nanginig at namawis ang mga daliri ko habang tina-type ang number ko sa screen.
Alanganin akong nangiti sa kanya matapos kong ibalik iyon.
“S-Sorry...pasmado k-kasi ako.” I stuttered.
He bit his lower lip while saving my number. Ilang sandali pa ay nilingon niya ako.
“It’s alright.” Tumayo na siya at inilahad ang isang kamay niya sa’kin.
Tiningala ko lang siya habang nakalahad ang isang kamay niya.
“Tara na. Puntahan na natin sila.” Yaya niya sa akin.
Muli kong tiningnan ang kamay niya. Nakalahad pa rin ‘yon sa akin. Mukhang wala siyang balak bawiin iyon unless tanggapin ko.
I was going to receive his hand pero nabagalan yata siya sa kilos ko. Siya na ang kumuha non sa akin kaya agad akong napatayo. Siya na rin ang kumuha ng iilang librong hawak ko kanina.
Hindi ako nakapalag…o mas tamang sabihing wala akong balak pumalag na bawiin ang kamay kong hawak niya.
“Tara na.” Ulit niya at saka nilisan namin ang lugar na iyon.