CHAPTER 17

1423 Words
Lae     Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. I felt guilty. Dahil siguro sa pagsabi ko sa kanyang siya ang nabunot. Siya naman talaga eh. Pero habang iniisip kong siya rin ang nakabunot sa pangalan ko, sobrang natuwa ako.   Ano ‘yon? Destiny?   Natawa pa ako sa naisip. Kinilig at the same time. Namamangha na sa mga ganitong pangyayari, posible palang mapasaya ako ng mga ganitong senaryo.   Kinuha ko ang paper bag na inabot niya sa akin. Excited akong buksan ‘yon. I can see from my peripheral vision that he’s looking at me while unboxing his gift.   Kaso…   Nang makita ko ang laman no’n, hindi ko alam kung bubunghalit ako sa tawa o madi-disappoint.   Nilabas ko ang laman no’n. Isang plush octopus!   Pareho kami ng regalo sa isa’t-isa!   Ang pinagkaiba lang, kulay yellow ang iniregalo niya sa akin. At sa isa sa mga pabilog na tentacles niya, nakaburda ang pangalan ko.   ‘Lae’.   I chuckled in amusement. Ganito pala talaga kumilos ang tadhana. Nakakatuwa kung iisipin. Ang mga pangyayari sa amin, in sync! At…aaminin kong…nagustuhan ko ang nangyayari. Parang sinasadya nga kung tutuusin, eh. Pero hindi. It was destiny who worked for it!   “Hindi mo ba nagustuhan?” nag-aalalang tanong niya sa akin.   Nilingon ko siya habang hawak ang plush octopus.   “Nagustuhan, siyempre. Salamat ah?” nakangiting sabi ko sa kanya.   Ibinalik ko ang tingin ko sa hawak ko at sandaling hinawak-hawakan ang pangalan kong nakaburda sa pabilog na tentacles nito.   “Iingatan ko ‘to.” Wala sa loob kong sinabi sa kanya.   Totoo naman. Iingatan ko ito. Ang galing din kasi. Paborito kong kulay ang kinuha niya. Yellow.   “Pero…ba’t ka natawa?” tanong niya ulit.   Muli akong nag-angat ng tingin sa kanya. Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang paper bag na regalo sa kanya. He moved closer to me para mas lalo niya iyong makita.   Inabot ko sa kanya ang regalo ko at saka ngumisi.   “Ako rin naman ang nakabunot sa’yo eh.” Nang hindi pa niya kinukuha ang inaabot ko ay kinuha ko ang kanyang isang kamay para sapilitan ko nang tanggapin iyon.   Sandali niya akong pinagmasdan bago bumaba ang tingin sa paper bag. Nakita kong nangunot ang kanyang noo. He opened it slowly. When he saw what’s inside, bahagya rin siyang natawa sa nakita.   I scoffed, too.   “See? Kaya ako natawa dahil pareho rin tayo ng regalo sa isa’t-isa.” Ani ko at saka humalakhak ng bahagya.   Inilabas niya iyon sa loob ng paper bag. Color blue naman na plush octopus ang iniregalo ko. I saw him bit his lip and looked at me again.   “Salamat!” tipid na ngiting tugon niya sa akin.   I nodded. “Meron pa ‘yan. Maliit na plush pillow naman. Partner do’n sa customized keychain mo.”   Ako na ang kumuha no’n sa loob ng paper bag. Nang makapa ko sa kamay ko iyon ay agad kong inilabas para ipakita sa kanya.   He smirked. Nahihiya pang tanggapin ang inaabot ko sa kanya.   “Ang dami nito. Baka naubos ang pera mo?”   I chuckled. Hindi ko naisip iyon. Ang unang pumasok lang sa isip ko ay ang mabigyan siya ng regalo. Of course, I want to please him with my gifts, too. Gusto ko ring malaman na nagustuhan niya ‘yon.   And based on his reactions, mukhang nagustuhan nga niya.   “Iingatan ko rin ‘to.” Aniya.   Ngumisi ako at saka tumango. “Dalawa na ang ganito ko.” at saka inangat ng kaunti ang regalo niya sa akin.   “Huh?”   “Favorite ko kasi ang color yellow. Dalawa ang binili ko. Isa sa akin at isa sa iyo.”   Natigilan siya sa sinabi ko. Pagkaraan ay ngumuso.   “Dapat pala, pangalan ko ang ipinaburda ko riyan sa regalo ko?”   Ako naman ang natigilan. Inisip ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Hindi ko gets? O na-slow lang ako?   Bahagya siyang humalakhak sa naging reaksyon ko. Kapagkuwa’y umiling din.   “Bakit mo ipapaburda ang pangalan mo, eh sa akin mo ireregalo ito?”   “Para partners. ‘yong binili mo, ikaw na ‘yon eh. ‘Yung binigay ko, ako ang sinisimbolo no’n.”   Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Napaawang ang mga labi ko sa natanto.   “Ang korni mo!” saka ko siya hinampas sa kanyang braso.   Humalakhak kaming pareho. Saka ko lang naisip, ngayon lang naisip na ngayon ko lang siya nakausap ng ganito. Madalas kasi ay isang tanong, isang sagot lang ang nagiging usapan namin. He will always kill the conversation.   Pero ngayon, iba ang awra niya. Iba rin ang akin. Pakiramdam ko, the bond that we shared previously reborn.   After that conversation, naging maayos ulit ang communication namin. We’re constant text mates! Kapag may mga assignments kami at may hindi naiintindihan na topic, nagtatanungan kaming dalawa. Sabay naming pinag-aaralan. Kung hindi siya ang tatawag, ako ang magda-dial ng numero niya. Naka stand by lang ang tawag sa cellphone namin habang gumagawa kami ng assignment.   Sa school naman, madalas na kaming magkasama kapag recess o kaya lunchbreak. Sumasama na rin sa amin sila Edmund at Gil. Maayos din pala silang kasama kahit minsan, nawi-wirduhan kami. Kung may trip naman sila Paul, niyayaya rin nila ang mga iyon.   Kaya habang tumatagal, we became closer.   “Lae, may bago ka bang ibabalita sa akin?” ani Monica habang nasa library kami at nagsusulat sa notes namin.   Natigilan ako sa ginagawa. She’s in front of me. Nag-angat ako ng tingin sa kanya pero nadatnan ko lang din siyang nagpatuloy sa pagsusulat. Sandaling nabaling ang tingin ko sa ibang kaibigan, sa grupo namin nila Paul Luis at Christian, na naghahanap naman ng ibang libro sa kabilang shelf.   Natigagal ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Saka ko lang napagtantong…hindi ko na pala ulit inuungkat ang tungkol sa kanya kapag nag-uusap kami ni Christian. I was busy enjoying his attention to me. Maging siya, hindi na rin nagtatanong tungkol kay Monica.   We were busy knowing each other for the past days that we’re okay.   Nakaramdam ako ng guilt sa ginawa ko. Bakit ko ba kasi ‘to nakalimutan? Masyado na ba akong natuwa sa mga nangyayari kaya hindi ko na naisip kung ano ba talaga ang pakay ko kung ba’t ko kinakausap si Christian?   Lumunok ako at pinilit ang sariling umakto ng normal.   “Wala eh…” sagot ko.   Hindi naalis ang tingin ko sa kanya. Hindi rin siya umimik. Ipinagpatuloy niya lang ang pagsusulat habang ako, nakatanga lang at naghihintay sa sagot niya.   Nag-angat siya ng tingin sa akin. She stared at me with for a couple of seconds. I felt something with her cold eyes. Lalo akong kinain ng guilt. At…hindi ko alam kung ano pa itong namumuong nararamdaman ko.   I felt worried, na hindi ko naman alam kung para saan.   All of a sudden, she smiled at me genuinely. Hindi ko mabasa sa kanyang mukha kung ano’ng reaksyon niya sa isinagot ko kanina.   Lalo tuloy akong nag-isip ng malalim.   “Akala ko, marami na eh.” She chuckled. “Madalas kasi kayong magkasama.”   I felt my body tensed. Guilt crept all over my system. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Natauhan ako. Knowing that at the very beginning of our deal, I sought the attention of Christian because Monica likes him.   And…Monica is thinking that Christian liked me, too. Nadatnan niya iyong kumprontasyong naganap noon sa classroom.   Ito ang dahilan ng pangamba ko.   Baka iniisip niyang…sinasamantala ko ang pagkakataong ‘yon para lalo akong mapalapit sa kanya. “A-Ano…magsabi ka kung ano’ng gusto mong gawin ko. Nauubusan na k-kasi ako ng ideas, eh.” Ani ko.   Lalong lumapad ang ngiti niya. Tila may nalalarong ideya sa isip niya na hindi ko agad mabasa. Alam kong may isa-suggest siya sa akin na pakiramdam ko, hindi ko yata makakaya.   “Yayain mo siya sa birthday ni Paul Luis!” she said excitedly.   Napanganga ako. Birthday ni Paul Luis? That’s on Christmas break!   “Sigurado ka ba, Mon?” alangang tanong ko sa kanya.   Tumangu-tango siya habang maluwang na nakangiti.   “Alright, then…” tanging sagot ko.   Kailangan kong mapapayag dito si Christian. Nakwento niya sa akin minsan na hindi siya palalabas na tao. Lalabas lang siya kung kailangan at kung inutusan.   Tumayo si Monica at tumayo para tumabi sa akin. Sinundan ko siya ng tingin. Nang makaupo sa tabi ko, niyakap niya ako ng patagilid.   “Thank you, Lae! I owe you, big time!”   Hinawakan ko ang kamay niya bago tumango nang nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD