Lae
Dalawang araw na lang bago ang Christmas Party pero hindi ko pa rin nagagawa ang gustong mangyari ni Monica. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa nagagawang sabihin iyon sa kanya kahit ang mismong si Paul Luis na ang nagyaya sa amin nang araw na nag-usap kami sa library.
Ang isiping baka pumunta nga siya sa birthday celebration na iyon ay parang mabigat na sa dibdib ko. Siguro dahil…alam kong hindi rin ako sigurado kung makakapunta ako kila Paul. Naka-Christmas break si Tatay mula sa trabaho ng ilang araw lang. Ang gusto namin ay nasusulit namin ang baksyon niya dahil buwan ulit ang bibilangin bago siya makauwi ulit, depende kung may misyon siya o dili kaya’y hindi pinayagan ng kanyang commander.
Everyone in the room is busy chatting and planning for the upcoming party. Ibinigay na sa amin ng adviser namin ang oras na ito para makapagplano kung ano ang mga dadalhin na pagkain, kung magkano ang ceiling ng amount para sa exchange gifts, mga games na gagawin, at kung anu-ano pa.
Samantalang ako, nakaupo lang sa isang sulok habang walang buhay na nag-iscroll ng kung anu-ano sa social media account ko.
Hindi naman ako ganito dati. Kapag may mga activities kami, lagi akong aktibo. Lagi akong may ambag sa mga gagawin. Kung hindi lang siguro ako kinakain ng mga naiisip ko ngayon, malamang ay nasa grupo na ako nila Paul Luis at Joshua, nagbe-brainstor ng mga pwedeng gawin sa Christmas Party ngayong taon.
Ganito ba ako ka-preoccupied? Sobrang seryoso ko na ba para isipin ang mga bagay-bagay na ‘to?
In the middle of making myself busy on my phone, nag-text si Christian sa akin.
Christian:
Okay ka lang ba?
I pouted. Sandali ko siyang sinulyapan mula sa likod. He’s two arm chairs away from me. Nagtama ang mga mata namin. Napansin niyang tahimik ako? Ano ‘yon? Kanina pa ba niya ako pinagmamasdan.
I gave him a small wary smile before I looked away and settled on my seat again. Tamad akong nagtipa ng reply sa kanya.
Ako:
Oo. Ba’t ka nagtext?
Christian:
Kanina ka pa tahimik.
I smiled. Kanina pa nga niya ako napapansin.
Ako:
Okay lang ako.
I sighed after I sent the message. Okay lang ba talaga ako?
Christian:
Magkita tayo after lunch sa botanical garden.
Awtomatiko akong nagtipa ng reply na ‘bakit’ pero hindi ko rin naman agad iyon nai-send sa kanya. Bakit niya ako yayayain do’n? May sasabihin ba siya? Bakit hindi na lang niya sabihin sa akin ngayon? O kaya sa text kung ayaw niyang may ibang makaalam.
Sa huli, binura ko ang unang tinipa ko na mensahe at muling nagtype ng ire-reply sa kanya.
Ako:
Okay.
Naramdaman ko ang pagyanig ng katawan ko nang may humawak sa magkabilang balikat ko mula sa aking likod at makailang ulit iyong niyugyog.
“Hoy! Ba’t nagmumukmok ka rito?” si Paul Luis.
Para akong kiti-kiting biglang napakilos dahil sa kiliting idinulot ng mariin niyang paghawak sa balikat ko. napalakas pa ang halakhak ko dahil hindi ko iyon inasahan. Nagtayuan ang mga balahibo ko’t agad na umiwas sa kanya.
“Paul Luis!” awat ko sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan.
Lalong lumakas ang tawa niya. Hindi niya ako binitawan. Lalo niya lang idiniin ang mga kamay niya sa balikat ko. Parang mapupugto ang hininga ko dahil hindi ko na kinakaya ang pangingilit niya sa akin. I just giggled and wriggled my body so I’ll lose from his hold.
“Tigilan mo nga---Paul!” saway ko.
Binitiwan niya rin ako sa wakas pero dinig ko pa rin ang mga halakhak niya. Hindi rin naman kami masyadong napapansin ng mga classmate namin dahil maging sila, nagkukulitan din.
“Bakit hindi ka sumasali sa plano ng barkada?” aniya at naupo rin sa tabi ko.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa aking bulsa pero binalewala ko muna ‘yon. Medyo hindi pa ako makahuma sa ginawa ni Paul sa akin. Sandali kong pinunasan ang namuong pawis sa gilid ng ulo at leeg ko gamit ang aking panyo bago ko siya sinagot.
“Mukhang tapos naman na kayo, eh.” Sagot ko.
“Pumunta ka sa birthday ko ah?”
I shifted on my seat and faced him. Umiling ako.
“Susubukan ko. Uuwi si Papa. Baka magyaya siyang mamasyal.”
Prente siyang umupo at maluwang na ibinuka ang mga hita. Ang kanyang kanang kamay ay namahinga sa likod ng arm chair ko.
“Pupunta ako sa inyo. Iimbitahan ko rin siya.”
Umayos ulit ako ng upo. Naramdaman ko ang paghawak niya sa buhok ko. Mukhang may binabalak na naman siyang pang-aasar sa akin.
“Bahala ka.” Ani ko at saka siya pinandilatan. “Bitiwan mo nga ‘yang buhok ko, Paul!”
Ngumiti siya at saka niya sinunod ang sinabi ko. But his arm remained on the back rest of my chair. Kung iisipin, mukha siyang nakaakbay sa akin. Hindi ko naman iyon binigyan pa ng pansin. Ganyan naman siya lagi. Kahit kila Aby at Monica, ganoon din ang ginagawa niya minsan. Kaya hindi ko binibigyan ng malisya ang mga ganitong bagay sa kanya.
“Lae…” tawag niya sa akin.
“Hmm?” sagot ko kahit hindi ako nakatingin sa kanya.
“Narinig ko, crush ka raw no’ng senior na volleyball player.” Aniya.
I scoffed. Narinig ko na ‘yan. Naalala ko nang minsang mapadaan ako sa room nila, may isang senior na tumawag sa akin at ibinuyo ako sa lalaking ‘yon
“Wala akong interes.” Sagot ko.
“Weh? ‘di ba sabi mo crush mo ‘yon? Si Trun?”
Lumabi ako at saka siya tiningnan. “Noon ‘yon.” Kako lang.
Totoo naman. I do crushes before. Hindi ko naman ikakaila ‘yon kay Paul dahil sa kanila ko lang naman iyon naiku-kwento noon. Isa pa, kung iisipin ko ngayon, wala na ‘yong paghangang nararamdaman ko sa kanya. It faded in time.
“Eh ‘di sino na ngayon---”
“Tsk! Ang kulit mo naman Theodoro Paul Luis!” I snapped out.
Tinawag ko na siya sa unang pangalan niya. He hates it every time I call him by his complete first name. Nababaduyan daw siya. Kaya sa tuwing naiinis na ako, ito ang bala ko sa kanya para tigilan niya ako.
“’Wag mo nga akong tawaging gano’n! Saka ‘Theodore’ ‘yon! Hindi ‘Chodoro’!” pagtatama niya sa akin na may halong inis.
Ako naman ngayon ang ginanahan sa pang-aasar. Halatang-halata na kasi sa kilos at tono niya ang iritasyon. Ayaw na ayaw niya talagang natatawag ng ganoon. Mabuti nga’t hindi na naman ako nakatikim ng pamimisil sa aking pisngi.
“Kung ayaw mong naaasar, huwag kang nang-aasar!” I fired back.
“Oo na, sige na, Margarita.” At saka ngumisi.
Pinandilatan ko siya at saka hinuli ang kanyang kanang tainga. Ang lalaking ito! Alam na alam talaga kung paano ako asarin.
Ayoko kasing natatawag sa ganoong pangalan. Kung pwede nga lang, hindi ko na iyon gamitin sa tuwing hinihingi nila ang buong pangalan ko. I don’t know. I just don’t like it.
Or maybe because it’s my mother’s name, na kahit minsan, simula nang iwan niya kami, ay hindi ko pa nakita ni ang anino niya.
I heard him winced and screamed from pain. Sumigaw siya at tinampal ang mga kamay ko. Hindi ko agad iyon binitawan! Nang maramdaman ko sa kanyang mga boses na talagang nasasaktan na siya, ‘don ko lang inalis ang mga kamay ko sa pagkakahawak sa tainga niya at saka inis siyang binalingan!
“Ang sadista mo talaga, Lae!” bulalas niya.
Humalakhak ako at saka naiiling na pinagmasdan siya habang papalayo sa akin. Bumalik na rin siya sa grupo nila Joshua. Pinagtatawanan siya habang papalapit siya sa mga ito. Natawa rin ako pero hindi na iyon masyadong malakas. Kina-kantiyawan pa siya at may sinasabi sa kanya na hindi ko maintindihan. Nang muli siyang bumaling sa akin, he winked at me and laughed again.
Nawala ang ngiti sa mga labi ko’t sinimangutan na lamang siya.
Naramdaman ko ang muling pag-vibrate ng cellphone ko sa aking bulsa pero hindi ko na ulit iyon pinansin pa. I got pre-occupied with my thoughts that are lingering on my mind lately. Minsan nga, naiinis na ako dahil puro ganito na lang madalas ang naglalaro sa utak. Puro na lang Christian. Monica. Christian. Monica.
Kailan ba ‘yong Christian saka Lae?
Natigilan ako sa naisip. That’s a sudden idea! Ba’t ba biglan na lang ‘tong lumandas sa isip ko?
Hindi pwede ito. Ayokong traydurin ang kaibigan ko. Liking Christian will mean betraying her. Isa pa, nangako ako kay Tatay. Hindi ko muna pagsasabayin ang pag-ibig at pag-aaral.
Pag-aaral muna bago ang lahat.
I sighed. Umayaw na lang kaya ako sa usapan namin ni Monica para matahimik na ang isip ko? Ang hirap na kasi nito. Pakiramdam ko, I’m jailing myself from a promise that’s so hard to fulfill.
After lunch, I went to the botanical garden. Iniwan ko na sa room ang bag ko. Tanging ang cellphone ko lang ang dinala ko, in case Christian will text me. Umupo ako sa kaparehong bench kung saan kami madalas pumwesto.
Wala pa siya roon. Siguro ay hindi pa tapos sa kanyang break. Napatingin ako sa cellphone ko para i-check kung ano’ng oras na. Tama ako, medyo napaaga ako ng dating. Mabilis lang din kasi akong natapos sa pagkain dahil nagmamadali rin akong makapunta rito.
See how this thing affects me? It became my priority. Hindi ko naman napapabayaan ang pag-aaral ko. I actually excelled and claimed my rank on the 2nd term. Ako ulit ang rank one, na sinundan ni Christian sa kanyang pagiging rank two.
Tumayo ako nang matanw ko siyang papalapit sa akin. Dito kami madalas tumambay na dalawa. O kaya kung gusto naming magkita na kaming dalawa lang.
Ayoko mang aminin sa sarili ko, alam ko, may namumuong pagtingin ako sa lalaking ito. I may be young and naïve but I know, deep inside me, I like him. I cared for him.
I am liking him from afar.
Sinalubong ko siya ng ngiti nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Gulat man ang rumehistro sa mukha niya, ngumiti rin siya pabalik sa akin.
“Hi…” bati ko.
It’s like I’m talking to him the first time. Bumundol ang kaba sa dibdib ko. Bumilis ang t***k nito. I’m nervous but why does it feel so good to me?
Balewala ang lahat nang nasa paligid ko kapag siya ang kasama ko.
“Hi…” aniya at saka siya napalunok.
I anticipated his words. Please, let’s just be you and I. Don’t think of someone else. Just us.
My emotions got overwhelmed. It already crept out all over my system. Sa ilang araw kong pinag-isipan kung paano ko sasabihing pumunta siya sa birthday party ni Paul para magkasama sila ni Monica, nagngingitngit ang loob ko.
So, before I’ll totally give the way and let the bridge burn for them so they’ll start whatever’s the thing between them, walang alinlangan akong lumapit sa kanya.
I stopped in front of him, just a few inches. Hindi siya natinag sa biglang paglapit ko. He towered me. Matangkad siya sa akin ng ilang pulgada. Tingin ko nga’y hanggang balikat niya lang ako.
“Lae…” anas niya.
Bahala na.
I hugged him. His hands stopped in mid-air. Hindi ko alintana ang nasa paligid namin. Kung may makakita man, wala na akong pakialam. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya.
Tinawag niya ulit ang pangalan ko pero binalewala ko iyon. Humigpit ang yakap ko sa kanya. It’s comforting me, though.
This is my first…and probably my last attempt.
Hindi ko alam kung ilusyon ko lang ito o ano, pero naramdaman ko ang mga kamay niyang unti-unting bumaba sa gilid ko.
Then I felt his arms wrapped around me, too.
I closed my eyes. I cherished the moment. I…felt sorry for myself.