Lae "Lae, nasaan ka?" Iyon ang bungad sa akin ni Christian nang sagutin ko ang tawag niya sa akin. Ramdam ko ang lamig ng boses niya. Wala akong maramdamang excitement o kahit ano'ng emosyon doon kahit na ilang araw na kaming hindi nagkikita at nag-uusap. Nagsimula na ako bilang intern sa pampublikong ospital. Siya naman ay busy na rin sa thesis nila. Sa susunod na taon ay magbununo na sila ng oras para sa OJT at ako naman, graduating na ngayong taon. Sinulyapan ko ang katabi kong si Joshua na kasalukuyang kumakain. I gulped. Should I tell Chris that I'm with him? Alam kong ayaw na niyang sinasamahan ko ang kaibigan ko but I really can't help it. "Sino 'yan?" Joshua mouthed. I warned him to shut up dahil baka marinig siya ni Christian. Joshua is improving in academics. Determinad

