Lae Tahimik kaming dalawa habang binabaybay namin ang daan pauwi sa amin. Ipinaalala ko sa kanya na sa amin na siya mag-dinner na pinaluguran naman niya. "Okay ka na?" He asked nang mapansin niyang hindi ako masyadong umiimik. Sinulyapan ko siya at saka ngumisi. Tumango ako. I have to look okay. Sigurado akong mapapansin nila sa bahay ang itsura ko. Sinulyapan ko ang sarili sa salamin. Medyo namamaga na ang mga mata ko dahil sa matinding pag-iyak kanina. Pwede kong lagyan ng concealer pero gabi na. Hindi bale, iiwasan ko na lang kung sakaling magtanong sila sa akin. Pumasok kami ni Paul sa loob ng bahay. Nadatnan pa namin si Patricia na nagdo-drawing gamit ang mga art materials na inuwi ko para sa kanya. Ang doll house naman at ang mga manika niya'y maayos na nakatabi sa lalagyan ng

