Lae Mataman ang tingin niya sa akin habang papalapit sa kinatatayuan namin. He matured a lot. Kung gwapo na siya noon, mas nadepina ito ngayon. Nawala na ang pagiging baby face niya. He looked ruthless and more manly now. At ang katawan, lalong lumaki. Tumangkad din yata siya. "Hi, love!" Bati sa kanya ni Lexie. Fuck. Para akong sinaksak ng ilang beses sa dibdib nang marinig ko ang tawag ng babae sa kanya. Gusto kong maiyak. Para akong inagawan ng isang bagay na importante sa akin, pero alam kong hindi naman na akin. Para akong na-traydor. Love. Endearment ko sa kanya 'yon, eh. Ramdam ko ang abnormal na pagtibok ng puso ko. Bumilis din ang ritmo ng paghinga ko. Suddenly, this place became umcomfortable for me. Parang sumikip bigla ang mundo para sa aming tatlo. Hindi ko kayan

