Lae Patricia was very happy as we travel together with her father. Kumakanta siya ng mga children's song, nakikipagkulitan sa aming dalawa ni Chris, hanggang sa mapagod siya't dalawin ng antok. "Nangangalay ka na?" Chris asked when he saw me stretching my right arm. Nakatulog na sa mga bisig ko si Patty. Lampas na rin kami sa siyudad. Pulos bukid na ang nadadaanan namin. Idagdag pang hindi kami nag-iimikan. Puro buntong-hininga at nakaw na sulyap lang ang nagagawa namin. "Medyo. But I can manage." Sagot ko sabay hikab. "Ilipat natin siya sa car seat." Aniya. Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Nag-menor siya hanggang sa maitabi ng maayos ang sasakyan sa shoulder ng kalsada. Bumaba siya at umikot sa gawi ko. As I open the passenger’s door, he carefully took Patricia in my arms.

