Lae Hindi pa kami nagsisimulang mag-usap ay umagos na ulit ang panibagong luha mula sa kanyang mga mata. Her face was already drenched with her own tears. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan pero ramdam ko ang sakit na pinaghuhugutan niya. "Christian broke up with me." Her voice broke. Literal na nahinto ako sa paghinga. She really look hurt and miserable. Naalala ko ang sarili ko noong mga panahong nasasaktan din ako dahil sa pag-ibig. Parang hindi nauubos ang sakit, mas lalo lamang iyong tumitindi. "Three years, Lae! We've been together for three years. Ibinigay ko sa kanya ang lahat ng pwede kong ibigay. Minahal ko siya kahit alam kong hindi niya kailanman mapapantayan ang pagmamahal ko sa kanya. I was patient to him, so loving, that I was willing to accept anything he can offer

