Lae Kanina pa ako nakahiga sa kama pero hindi na ako madalaw ng antok ko. Kung kanina, para akong mantikang tulog na mahirap gisingin, ngayon ay para akong kwago dahil mulat na mulat ang mga mata ko. Magkatabi kami ni Christian ngayon sa kama. Pareho kaming nakatiyaha ngayon sa kama pero siya’y nakapikit na. Puting kisame lang ang nakikita ko at ingat na ingat akong hindi makagawa ng ingay o galaw dahil baka magising siya. Kaso hindi ko na matagalan na kisame lang ang pinagmamasdan ko kaya bumaling ako paharap sa kanya. His peaceful breathing told me that he’s already sleeping deeply. Sandali kong pinagmasdan ang kabuuan ng kanyang mukha. Hindi talaga maikakailang gwapo ang mahal ko. Sa nagdaang panahon, nag-mature ang itsura at pigura ng kanyang katawan. Mas tumangkad din siya at m

