Lae "See you after three months?" She asked while smirking. Ito ang huling gabi ko sa Seattle. Hindi na ako pumasok sa hiling shift ko dahil halos hindi ko matapus-tapos ang pagpa-pack sa ibang iuuwi ko. Hindi naman pwedeng damit at ibang personal na gamit ko lang ang dadahil ko. Siyempre, pati mga pasalubong! “Sandali lang ‘yon.” Sagot ko habang sinusulatan ko kung kanino ko ibibigay ang Barbie Doll na hawak ko. Nagkibit-balikat siya at nagsimula na ring tumulong sa akin sa pagpa-pack. “Sabagay. Oy humarot ka ro’n ah? Dapat pagbalik mo rito, may boyfriend ka na!” Tinitigan ko siya ng may halong pagkakamangha. Ngumiwi lang siya sa naging reaksyon ko at lumabi lang sa akin. “Girl! 26 ka na ngayong taon. Wala ka pa ring boyfriend!” I shook my head and continued what I’m doing ear

