Lae Inubos namin ni Christian ang buong bakasyon namin bago muling magsimula ang summer class. Graduating na ako sa susunod na school year, siya naman ay dalawang taon pa ang gugugulin sa kolehiyo dahil limang taon ang engineering. Kung hindi sa amin, madalas ay sa bahay nila. Simula kasi nang may mangyari sa amin, napansin ko ang mas pagiging attach at clingy ni Chris sa akin. He wanted us to be together always, na kung hindi ko pa siya pipiliting umuwi sa kanila ay hindi siya aalis sa bahay. Wala kaming usapan ngayon na magkikita kami pero alam kong nasa bahay lang nila siya ngayon, may tinatapos daw na disenyo. I'm planning to surprise him again. Kaya para madatnan ko siya sa kanila bago niya ililim ang mga alaga niya, maaga akong gumayak papunta sa kanila. Dumaan ako sandali sa

