Lae Walang nakakaalam na ngayon ang uwi ko maliban kay Papa. Wala akong pinagsabihan sa mga kaibigan ko ng eksaktong araw kung kailan ang lapag ko rito sa Pilipinas. Kaya nang makarating ako sa airport ng siyudad, kailangan ko pang humingi ng assistance sa staff ng airport para sa mga bitbit kong bagahe. Agad kong natanaw si Papa sa waiting area. As usual, mukha na naman siyang jeprox sa suot niya. I smirked. Hindi na nagbago. Kahit saan-saan na lang talaga, eh. "Papa!" Malakas ang boses ko ng tawagin ko siya. Sandali siyang luminga-linga bago tanggalin ang shades na suot niya. My father aged but he was able to maintain his physique. Retired na kasi siya sa serbisyo kaya hindi ko alam kung paano niya napanatili ang ganda ng katawan niya. Lakad-takbo ang ginawa ko para masalubong k

