Lae "Are you done with your school works?" Iyon ang bungad niya sa akin ng madatnan niya ako rito sa kwarto na nakahiga. Pagod na pagod ako ngayong araw dahil sa hindi matapus-tapos na presentation sa sandamakmak ng case studies. Isali pa ang nerve-wracking na long hours ng discussion namin sa mga lessons kasama ang CI namin at mga readings para sa susunod na meetings. Isali pa ang mga paper works namin para sa research. The least thing I wanted to happen is to not be disturbed by anyone because I just wanted to sleep. "Hmm?" Lingon ko sa kanya pero nakapikit na ang mga mata ko. Nakakapasok na si Christian dito sa kwarto ko dahil malaki ang tiwala sa kanya ng landlady namin. Agad niyang nakuha ang loob nito kaya malaya siyang makapasok o kung minsan ay...makitulog rito. Marahan a

