Lae Kanina pa ako pabaling-baling sa higaan ko pero hindi pa rin ako madalaw ng antok. It’s almost midnight but my mind is still active. I’m done with my things, I finished everything just like what he said. Ang readings ay pwede kong ituloy bukas bago kami mag-meet o mamayang madaling araw. Sanay naman ako sa ganoong set-up. Nakakapagod pero nasanay na ang isip at katawan ko sa ganoong routine. Late matulog at gigising ng maaga para mag-aral. I’ve been texting Christian but he’s not replying to me. Naka-ilang hingi na ako ng tawad pero hindi siya sumasagot. Is he sleeping already? Gusto ko siyang tawagan pero mas mabuti yata kung magkikita kami. Pero kailan? Bukas pa ng gabi? Hindi ko na yata kayang maghintay pa. Tumayo ako at inayos ang kama ko. I am in my usual buttoned down tern

