Lae Sinamahan ako ni Christian sa counter para maipabalot na lang sa crew ang mga in-order kong pagkain para sa aming dalawa. “You can join us, love.” Pangungumbinsi niya sa akin. Nilingon ko siya. His eyes are hopeful. Ganito ang itsura niya kapag kinukumbinsi niya ako sa isang bagay. Saglit kong sinulyapan ang grupo nila. Nagtatawanan ang mga kasama niya. Si Mona, nakikipagbiruan sa isang kasama niyang lalaki. Iyong babaeng kasama nila ay nakikitawa naman. “Bakit niyo kasama si Mona?” Mahinang tanong ko. Hindi ko binitawan ang nanghihinang pagtitig sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Halu-halong inis, awa sa sarili, at pagkalito ang naghahari sa akin. Inis, dahil epic fail ang suprise ko para sa kanya. Kung sana pala dati ko siyang sinabihan, na plano sana

