Lae
Ibang-iba nga talaga ang buhay ng high school sa college. Mas maraming priorities, maraming responsibilities, idagdag pa ang walang katapusang requirements sa iba't-ibang subjects at maintenance ng mataas na grado para hindi ka ma-kick out sa program.
Sa isang taon ko sa kursong kinukuha ko, naipon lahat ng pagod ko. Wala na akong masyadong time para sa sarili. Kapag wala namang pasok sa school, hindi naman ako nakakapagpahinga ng matagal dahil kailangan ko pa ring magbasa para sa next class namin.
Na-culture shock ako. Nahirapan akong sumabay sa agos ng kultura ng kolehiyo sa unang taon ko sa eskwela.
Mabuti na lang, nandyan si Chris sa tuwing kailangan ko ng kasama. Tinutulungan niya ako sa ibang requirements ko kapag free time niya. Minsan na rin niya akong sinamahan buong araw dahil final exams namin iyon pero may trangkaso ako. I don't want to skip my exams that's why even I was chilling and my body is limping, I took the exam and was able to get high remarks.
All my hardships paid off because I was able to be part of the dean's lister. Sobrang tuwa ko ng malaman kong kasali ako sa top 10 ng listahan na iyon. I even cried because of mixed joy and disbelief. It's like I'm just studying just to survive. Pero pinalad pa rin na mapasali sa listahan.
Hiniling ko na kay Papa ang mangupahan dito sa siyudad, kahit isang kwarto lang dahil hindi ko na kinakaya ang pagod sa school. Nakakatulog ako sa byahe pa lang pauwi at tuwing papasok sa school, kailangan kong gumising ng mas maaga para hindi ma-late sa pang alas syete na klase.
During our breaks, sinamahan ako ni Chris na maghanap ng boarding house na uupahan ko. Gusto ko kasi, isang kwarto ang rerentahan ko dahil gusto ko ng may privacy. Isa pa, marami akong gamit, mula sa mga libro hanggang sa mga notes na kailangan kong i-review most of the time kaya mukhang hindi magkakasya sa akin ang isang maliit na espasyo.
Nakahanap naman kami, malapit din sa boarding house nila Chris. I was a bit happier because of our distance. Mas mapapalapit ako sa kanya at hindi na kami magtatalo kung kailan kami pwedeng magkita ulit dahil puro conflict na ang schedule namin. Yeah, we both know each other's schedules pero kahit wala kaming pasok in between hours, hindi pa rin nababakante talaga iyon dahil kailangan kong magreview.
Pwede na akong sumulyap sa kanya sandali tapos buo na ulit ang araw ko.
"How's school?" Tanong ko habang nasa kusina kami ng boarding house na tinutuluyan niya. Kasalukuyan kaming kumakain ng dinner. It's past 8 pm at katatapos lang ng klase ko, sa kanya na ako dumiretso.
"It's fine. A bit busy but...not as busy as you are." Mahinang usal niya at muling sumubo ng pagkain.
Nahinto ang paggalaw ko sa kutsara at tinidor. Inaamin ko na sa sobrang busy ko sa eskwela, medyo nawawalan na kami ng oras sa isa't-isa. Kung magkikita man kami, puro nakaw na oras lang iyon at kung minsan, pinagkakasya ko ang sarili sa pagsulyap sa kanya.
Kung hindi pa niya ako niyayang kumain ngayon, baka hindi pa kami nagkita ngayong linggong ito.
Marahan kong binitawan ang kubyertos ko para hawakan ang kanyang kanang braso. Isusubo na sana niya ang pagkaing nasa kutsara nang sandaling mahinto siya sa paggalaw dahil sa paghawak ko, pero kalaunan, itinuloy pa rin ang pagkain.
"I'm sorry. Sobrang busy lang talaga. You see, patapos na ang 2nd year at may mga dumagdag na responsibilities sa akin sa org." Mababang sabi ko.
Hindi siya nakakibo. Medyo nakaramdam ako ng pangamba dahil sa pananahimik niya. Sa mga ganitong pagkakataon na hindi siya nagsasalita, pakiramdam ko, ang daming naglalaro sa isip niya at kahit isa man lang sa mga ideyang ‘yon, hindi ko mahulaan kung ano.
I don’t want to fight about this again. Ang unang naging pagtatalo namin ay ang pagkalimot ko sa usapang magkikita kami. Ako ang humiling sa kanya na kumain kami sa labas dahil nami-miss ko nang lumabas kasama siya.
Kalaunan, hindi rin ako nakasipot dahil sa sobrang pagod, pagdating ko sa boarding house, agad akong nakatulog.
“Sorry, Chris. I’ll make it up to you next time.” Pangungumbinsi ko.
Tumango lang siya.
I pouted and carressed his jaw. Iniharap ko siya sa akin. I smiled and gave him a quick kiss.
“I promise.” I added.
Malakas ang loob kong mangako sa kanya ngayon ng ganito dahil sa darating na Biyernes, wala kaming pasok. A-attend sa isang conference ang instructor namin pero nag-iwan siya ng ilang activities para i-submit sa susunod na meeting namin.
Saktong wala rin siyang pasok doon. I’m going to surprise him.
Tipid siyang nangiti. Medyo nagtatampo pa. I held his face and kissed him non-stop. Doon lamang siya nangiti ng maluwag at saka gumanti ng halik sa pisngi ko.
I felt a relief knowing that we’re okay again. I heard that he’s really doing good in school. My Chris is a President’s Lister, is also involve in Student Governing Council, and other organizations in their school.
Busy rin naman siya sa eskwela but I don’t see his struggles in his course. May oras pa nga siya para tumulong sa akin, na kung minsan, ikinahihiya ko sa aking sarili dahil ako ang top 1 sa klase namin noon pero siya pa ang mukhang mas nadadalian sa pag-aaral ngayon.
I am struggling balancing my studies and other activities to my personal life. I got pimple breakouts, too, because of stress and lack of sleep. Pagkatapos ng panggabing klase, magbabasa pa ako at magsisimula sa mga case study namin hanggang alas dose ng hatinggabi. Gigising ako ng alas singko y media ng umaga kinabukasan para naman gumayak sa eskwela.
Dumating ang araw ng Biyernes at half day lang kami sa school. Nagyaya ang grupo ko para pag-aralan ang isang case study na ipe-present next week pero tumanggi muna ako.
“Hindi ka sasama, Lae? Sa Tuesday na ang presentation nito.” Nagtatakang tanong ni Nina. Ngayon lang ako tumanggi sa kanila dahil nga sa plano kong pag-surpresa kay Christian.
“Pass muna ako, Nina. I’ll study it on Sunday.”
“Pero rest day mo sa Sunday.”
Tumango ako. “Okay lang. Babawi ako. Please? Just give me this day.” May urgency na sa bawat bitaw ko ng salita.
Wala na rin siyang nagawa dahil hindi talaga ako magpapapigil ngayon. Tumango siya at hinayaan akong makaalis na. Buo ang loob kong hindi muna sumama sa kanila ngayong hapon. I have reserve this day for him, for us.
Lakad-takbo ang ginawa ko mula sa building namin hanggang sa labas ng gate. Hinihingal na ako dahil maliban sa naka-takong pa ako, malayo ang itinakbo ko. Kaya paglabas ko ng gate at makapagpara agad ng tricycle, lalo kong naramdaman ang pagod nang maisandal ko ang sarili sa upuan.
Umuwi muna ako sandali sa boarding house ko para makaligo. Pawisan na ako dahil sa ginawa kong pagtakbo at ayokong humarap sa kanya ng ganito. Wala siyang pasok ngayon kaya alam kong nasa kasera lang siya ngayon.
Pagkatapos kong maliho, nagsuot lang ako ng simpleng t-shirt at pedal shorts na kulay khaki. I let my hair untied dahil basa pa iyon, sinuklay ko lang ng maayos. Simpleng pulbos at cologne lang ang inilagay ko sa sarili ko bago ako lumabas ng kwarto. Yayayain ko siyang kumain sa mall na ‘di kalayuan sa school nila.
Ang matandang landlady nila ang sumalubong sa akin nang kumatok ako sa gate ng kasera.
“Magandang hapon po, Aling Julie!” Nakangiting bati ko sa kanya. Magiliw sa akin ang matanda kaya malaya akong nakakabisita rito.
“Oh, Lae! Napasyal ka?” Nilapitan niya ako para pagbuksan ng gate.
“Si Chris po?”
Bumaling siya sa ikalawang palapag ng bahay na iyon kaya napasunod din ako ng baling. Ibinalik ko lang ang tingin ko sa kanya ng muli niya akong tingnan.
“Hindi ko pa nakikitang umuwi.” Tuluyan niya nang nabuksan ang gate at pinapasok ako. “Pero akyatin mo na sa kwarto niya, baka nag-aaral lang ‘yon.” Aniya.
“Sige po. Thank you!”
Kahit nagmamadali, medyo marahan na ang mga kilos ko dahil yari sa kahoy ang hagdan at sa tablang kahoy naman ang sahig ng ikalawang palapag. Lumang bahay kasi ito na ginawang paupahan. Kaya medyo mura ang singil sa upa kumpara sa ibang kasera.
Pero nadatnan kong naka-lock ang pintuan ng kwarto niya. He’s not here. Where could he be?
Kinuha ko ang cellphone ko para i-text siya.
Ako:
Hi Chris! Where are you?
Bumaba na ako sa sala para maupo roon. Nanonood si Aling Julie ng panghapong teleserye sa TV.
“Wala sa taas?”
Umiling ako habang nakanguso.
“Baka nasa eskwela pa kung ganoon.”
“Pero wala po siyang klase ngayong hapon.”
“Kasama siguro ang mga kaklase niya. Narito sila kahapon eh. Gumawa ng project sa likod-bahay.” Aniya habang nakatingin sa TV.
Nangunot ang noo ko sa sinabi ng matanda. Nagdala ng mga kaklase si Chris dito? Hindi ko alam ‘yon ah?
Lagi siyang naga-update sa akin sa mga ginagawa niya. Kaya hindi ko maalalang sinabi niya iyon sa akin? O baka naman nakalimutan ko na naman kaya pinilit ko ang sariling alalahanin pero hindi ko talaga maalalang nagsabi siya.
Nag-backread ako sa mga text niya dahil baka may hindi lang ako nabasa pero wala. Sa kalagitnaan ng pagi-scroll ko, nakareceive ako ng text galing sa kanya.
Christian:
Palabas na ng gate, Love.
Nangiti ako ng mabasa ko iyon. Baka nga may tinapos lang siya saglit at pauwi na ngayon.
Tumayo ako at nagpaalam na kay Aling Julie. Di-diretso na lang ako sa paborito naming fastfood restaurant sa loob ng mall.
Nag-order ako ng pagkain para sa aming dalawa. Tinext ko siyang nandito na ako para sumunod na lang siya sa akin. I was very eager to see him. Ilang araw pa lang ang nakakalipas pero nami-miss ko na agad siya.
Nakaupo na ako ngayon at matiyaga siyang hinhintay pero wala pa rin. Siguro dumaan pa siya sa kasera. Naglalakad lang kasi siya kapag uuwi dahil walking distance lang naman mula sa eskwela nila hanggang sa kasera.
Naagaw ng atensyon ko ang isang grupo ng mga estudyante na papasok sa loob ng resto. Napansin ko ang uniform na suot nila. School uniform iyon ng parang kay Christian.
Halos puro lalaki at dalawang babae ang naroon. I saw a familiar face, si Monica!
Pero ang talagang nakakuha ng atensyon ko ay ang kasama ng grupong ‘yon, si Christian!
“Chris!” Tawag ko sa kanya.
Dahil siguro sa dami ng tao, hindi niya agad ako nakita. I raised my hand and waved at him to catch his attention. Nang tuluyan niya akong makita, ngumiti ako sa kanya at kumaway pa lalo.
Sandali siyang nagpaalam sa mga kasama pero mukhang uupo rin sila sa mesa hindi kalayuan sa pwesto ko. Namamangha niya akong nilapitan kaya tumayo ako para salubungin siya.
“Ano’ng ginagawa mo rito, love?” Tanong niya sa akin bago bumaba ang mga mata niya sa mesa ko. “May kasama ka?”
Napanganga ako sa tanong niya. So he haven’t read my text.
“I texted you.” I said instead.
Agad niyang kinapa ang cellphone sa bulsa ng slacks niya. While he’s checking his phone, hindi sinasadyang napalingon ako sa mga kasama niya. I saw Mona and another girl, chatting non-chalantly.
“Girlfriend ba ni Christian ‘yan?” Tanong ng isang lalaki sa kasama.
“Hindi! Walang girlfriend si Christian!” Si Mona ang sumagot.
Naramdaman ko ang paglingon nila sa akin kaya agad akong bumawi ng tingin. My chest tightened, knowing that he’s with them and did not bother to tell me earlier. Kung nasabihan niya lang sana akonng maaga, eh ‘di sana hindi ko na naisip ang puntahan siya at nag-aral na lang din ako kasama ang kagrupo ko.
But I can’t blame him, too. Hindi ko naman kasi nasabing yayayain ko siyang lumabas kaya hindi niya ako naisali sa plano niya ngayong araw.
Pero ewan ko. Sa pagitan ng paguusap nilang ‘yon at ang katotohanang hindi ako girlfriend ni Christian, nakaramdam ako ng sakit sa dibdib.
“I’m sorry, Lae. Hindi ko nabasa agad.” Narinig kong turan niya.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Mas lalo kong na-realize na wrong timing itong ginawa ko. Lalo na ng tawagin na siya ng mga kasama niya.
“O-Okay lang!” Pinilit kong mangiti kahit nag-iinit ang loob ko dahil sa nararamdamang awa sa sarili. “Ipapabalot ko na lang.”
“Pero—-“
“It’s alright, you can join them.” Nakangiti pa ring sabi ko.
Naiiyak na ako pero pinatatag ko ang sarili. Ramdam kong nakatingin sila sa akin, even Monica and the other girl. Ayokong makita ako ng mga kasama nila na umiiyak. Ayoko ring magpaawa kay Christian. Kaya kahit kabaligtaran sa nararamdaman ko, pinilit kong magmukhang maayos sa tingin niya.
Kinuha ko ang tray para ipabalot na lang ang in-order ko na pagkain.
“Ipapabalot ko lang sa counter. Alis na ako. Uhm…” nalipat ang tingin ko kila Mona. “Ingat kayo.” Tanging nasabi ko bago ko sila iniwan doon.