Lae
Tulad ng unang naging plano, maaga akong gumayak para sa susunod na shift ko. Dadaan pa kasi ako sa opisina ng supervisor ko para mag-file ng leave. I haven't used my leaves that's why it accumulated for the past years.
Balak kong umuwi sa Pilipinas at manatili roon ng ilang buwan. Aasikasuhin ko ang mga dapat asikasuhin bago ako muling bumalik dito sa Amerika.
Masinsinan ang naging pag-uusap namin ng matandang bisor. Ayaw niya pa akong payagan sa hiling kong apat na buwan. Aniya'y walang kayang pumalit sa akin ng ganoon katagal. I reasoned my unused leaves and exemplary performance for the past years. Tuwing day off lang ako hindi nagtra-trabaho at ang mga vacation leaves ko ay hindi pa nagagalaw. Kahit nga may sakit ako, pumapasok pa rin ako sa trabaho. Ganoon ako ka-dedicated sa propesyon ko.
Pero sa huli, tatlong buwan lang ang na-grant sa akin. Sa bagay, hindi na rin masama.
Pagkatapos ng panggabing duty ko sa hospital, dumaan ako saglit sa isang coffee shop bago umuwi sa apartment.
Sa huling linggo ng Enero ang flight ko. Nagbook na ako pagkauwi ko. Unang linggo pa lang ng January pero dahil mabilis lang ang panahon, aagahan ko na ang pagiimpake. Baka mawalan ako ng oras para roon at ayokong mag-ayos ng nagmamadali.
Nalingunan ko ang cellphone kong tumutunog na nakapatong sa bedside table ko. I took it to check who's calling. Nangiti ako nang malaman ko kung sino 'yon.
"Hatinggabi na diyan ah? Ano'ng ganap niyo?" 'Yon ang bungad ko sa tumawag.
Narinig ko ang malakas na halakhak ng tumawag. May tunog ng musika akong naririnig sa background. Parang may okasyon?
"Ikakasal na si Aby! Nag-propose na si Lloyd sa kanya!" Medyo malakas ang pagkakasabi niya dahil kung hindi, music lang ang maririnig ko.
Natigil ako sa pagtutupi ng damit at maluwag na nangiti! Gulat at excited akong tumili ng marinig ang magandang balita. Sinaway ako ng lalaking kausap ko pero hindi ako nagpapigil!
"Let's video call!" Pagyaya ko sa kanila na pinaunlakan nila.
Unang bumungad sa akin ang nakakalokong ngisi ni Paul Luis sa screen ng cellphone ko. Itinaas niya ang cellphone niya para makita ko ang paligid. Pansin ko ang mga maliliit na bumbilya na nakasabit. May mga pictures din na naroon at mga bulaklak na maayos na nakadisplay.
"Nasaan ang bride-to-be?!" Excited kong tanong.
Narinig ko ang matinis na boses ni Aby na mukhang papalapit kay Paul. Medyo gumulo ang pagkakahawak nito dahil narinig kong nag-aagawan sila sa cellphone.
"Lae! I'm getting married!" At saka siya tumili. Ipinakita niya ang kanang palasinsingan niya kung saan nakasuot ang engagement ring.
"I'm so happy for you!" Nangingiting sabi ko.
"Kaya umuwi ka sa kasal ko ah?"
I chuckled. "Kailan ba?" Hamon ko.
Nawala sa screen si Aby. Inagaw pala kasi ni Paul ang cellphone sa kanya. Lumabi ako dahil inokupa ng buong mukha niya ang screen.
"Uuwi ka ba?" Seryosong tanong niya.
Tumawa lang ako. Hindi ko siya sinagot. Instead, itinutok ko ang camera ng cellphone ko sa maletang kasalukuyan kong inaayos.
"Hoy uuwi nga siya!" Sigaw ni Paul sa ibang kasama.
Sumingit si Aby sa screen. "Kailan?! Susunduin ka namin!"
"Last week ng January. Huwag niyo na akong sunduin. Inter-connecting flight ang naibook ko. Saka meron naman si Papa."
“Kahit na! Susunduin ka pa rin namin!” Pilit ni Aby na sinundan niya ng pagbusangot ng mukha.
I laughed heartily. I miss them already. I miss my old friends. Si Nina lang kasi ang naging tunay na kaibigan ko no’ng kolehiyo. Kaya hanggang ngayon, magkasama pa rin kami.
“Sige na. Baka nakakaistorbo ako. Kayu-kayo lang ba ang nandyan? O may ibang bisita pa?” Tanong ko.
Isinandal ko ang cellphone ko sa lamp sa bedside table ko. I still have to pack some things. Kaya kahit kausap ko pa sila, naisasabay ko ang pag-aayos ng nga gamit ko.
Paul smirked evilly. Naglakad siya patungo sa isang sulok at saka iniumang ang cellphone niya sa grupo ng mga taong naroon.
“Say hi to our batch’s valedictorian!” Hiyaw niya.
Everyone in the crowd cheered and greeted me! Mas lalo akong natuwa sa nakita. Halos lahat ng mga classmates kobay naroon. Hindi ko na makilala ang iba dahil nag-mature na ang mga itsura pero mukhang hindi yata nagbago ang kakulitan ng grupo namin!
Kaso nang maalala kong nakaspaghetti strap at pajama lang ako, parang gusto kong patayin ang tawag. So instead of greeting them back, I yelled to my most favorite kababata.
“Oh my goodness! Paul! Hindi ako nakapag-ayos!”
Some of them laughed at my statement, ang iba naman ay humiyaw pa lalo. May narinig pa nga akong sumipol! Hindi naman sobrang revealing ng damit ko pero I am wearing my usual night wear.
Buti na lang hindi halatang wala akong bra!
“Ang ganda mo lalo, Lae! Hiyang mo ang America!” Narinig kong sinabi ng isang lalaki roon.
I laughed. Lumapit na ako sa cellphone ko para tingnan ko kung sino ‘yon.
“Bolero! Who’s that?”
“Si Cyrus!” Pambubuking nila sa nagsalita kanina.
Tumawa ako. Inayos ko ang takas na buhok ko at inipit iyon sa likod ng tenga ko.
“May reunion ulit tayo please? Pag-uwi ko?” Malambing na sabi niya.
“Sure!” They answered in unison bago iniwas ni Paul ang camera ng cellphone niya.
“Why is everyone’s there? Are you having an engagement party or what?” Litong tanong ko.
“Ganoon na rin. Ikaw lang ang wala rito. Kumpleto ang buong section.” Sagot ni Paul.
Hindi ko maiwasan ang kabahan sa sinabi niya. Kanina, hindi ko man maamin sa sarili ko, nang makita kong halos kumpleto ang mga classmates ko sa grupong iyon, may patagong hinahanap ang mga mata ko.
Kaso…baka wala iyon roon. Hindi naman iuon mahilig gumimik.
“T-Talaga?” I asked.
Ngumisi siya. “Oo. Pati si…” at lalong lumapad ang ngisi niya.
Nawala ang mukha ni Paul. Nalipat sa back camera ang view ng screen at itinutok sa direksyong nagpatigil saglit ng mundo ko.
Nasa isang mesa si Christian kasama si Edmund at Gil. May katabi siyang babae na hindi ko mawari kung sino…at ayoko na ring alamin pa kung sino nga iyon.
Kung hindi lang talaga nakakabastos na patayin ang tawag na iyon ng walang paalam, ginawa ko na eh.
“Paul, stop it.” Mahinang usal ko.
Nakita ko ulit si Paul sa screen. Nakataas na ang kanyang kilay at pinagmamasdan ako nang maigi.
“Mukhang girlfriend niya ‘yong kasama niya. Lexie raw ang pangalan.” Aniya.
I scoffed. “Hindi ko tinanong.”
Nagsisi ako sa isinagot ko. I sounded bitter, I can even taste my own grudges. Ang pangit ng lasa.
Humalakhak siya at saka nailing. “Come on. It’s been years! Hindi ka pa ba nakaka-move on sa kanya?”
“S-Siyempre ayos na a-ako! Ang tagal na no’n.” Nauutal na sagot ko.
“Pala eh. Oh kung gusto mo, tulungan kita mag-move on? Bagay na tayo ngayon! May permanente na akong trabaho kaya pwede na tayong dalawa.” He smirked and winked at me.
I gave him a death glare na siyang ikinahalakhak niya. I bet someone will notice his laugh roaring in that place. At ang lalong nagbigay sa akin ng iritasyon ay ang pagmuwestra niya sa cellphone niya kung saan sila Christian ang background sa video call.
“Paul! Tigilan mo nga ‘yan!” Mariing saway ko sa kanya. Hindi na talaga nagbago ang isang ‘to.
“Aby! Halika rito! Kailangan ko nang witness, may sasabihin ako kay Margarita!” Nakakalokong tawag niya sa bestfriend ko.
Matalim ang mga tinging ipinukol ko kay Paul Luis. Kung nakakasugat lang ang mga titig ko, baka ubos na ang dugo nito ngayon!
“Paul, tumigil ka, ibababa ko ‘tong tawag na ‘to.” Banta ko sa kausap.
Nangingiting lumapit si Aby kasama ngayon ang kanyang fiance na si Lloyd. Ang gagong si Paul, lumapit na kaunti sa table nila Christian.
“Lae, will you be my girlfriend?” He asked playfully.
Bumagsak ang panga ko sa klase ng tanong niya sa akin. Ano’ng trip nito? Ni hindi nga namin kailanman nabibiro ang mga ganito sa isa’t-isa kaya ano’ng rason niya para sabihin ito ngayon sa madla?
Awtomatikong hinagilap ng mga mata ko ang lalaking matagal nang wala sa akin. And to my surprise, I saw him glanced at Paul’s phone for a couple of seconds before he withdrew his stares on us.
“Paul! I swear I’m gonna kick your ass when I get there.” Seryosong banta ko sa kanya.
Pero hindi niya pinansin ang banta ko. Imbes na manahimik na, mas lalo niyang ginatungan ang unang sinabi niya.
“Huwag kang mag-alala, Lae. Lagi kitang pakikinggan sa lahat ng oras. Wala tayong problemang hindi pag-uusapan!” Malakas na pagkakasabi niya.
“Damn you, Paul!” I said intensely.
“Hindi kita iga-gaslight—-“
Hindi ko na kinaya ang mga binitawan niyang salita. Pinatay ko na ang tawag niya nang hindi nagpapaalam sa kanya dahil baka mas marami pa siyang masabi na dapat ay sa amin lang.
I realized what he had done. Pinaparinggan niya si Christian. Mukhang tinitingnan ng kaibigan ko kung hanggang saan ang epekto ko sa lalaking…minsan kong minahal.
I sighed. Though, nakakapagod silang kausapin, naging masaya pa rin ako. Sana lang talaga, makumpleto ulit kami sa planong reunion sa pag-uwi ko.