Lae
Napadilat ako mula sa malalim na pagtulog. Medyo mabigat ang pakiramdam ko dahil naparami kami ng inom ni Nina. We didn't even managed to go to the bedroom and decided to sleep in the living area. Anyway, the large sofa is comfortable at kahit mag-inat pa ako ay makakatulog pa rin ako ng maayos.
Napanaginipan ko na naman ulit ang halik na iyon. My first magical kiss.
I smiled. Sa tuwing nalulungkot ako, ang mga alaala namin ni Christian ang awtomatikong tumatakbo sa utak ko. It kept replaying everytime something or someone triggers to my memories with him. It's like a fuel that can keep me going despite how lonely I am.
Kahit alam kong wala ng kami at...alam kong wala na akong babalikan.
Bumangon na ako at inayos ang buhok kong sumabog sa mukha ko. I started cleaning our mess. Pinagsalikop ko ang mga plastic ng chips at ang mga baso namin, kasama ang bote ng wine na inubos namin kagabi. Dinala ko lahat iyon sa kusina. Ang huli ay ang mga throw pillows na wala sa ayos.
I went to the comfort room to fix myself first. Mamayang gabi pa ang duty ko pero I have to attend some errands. Isa pa, inaasikaso ko rin ang pagfile ko ng leave sa ospital na pinagtatrabahuan ko.
After almost six years, I decided to go home.
Kinuha ko ang sling bag ko at isinukbit iyon sa aking katawan. Niyugyog ko si Nina para makapagpaalam na.
"I'm going, Nina." Ani ko.
She only groaned and renewed her position to get more sleep. Naiiling akong iniwan siya roon at tinungo na ang rack para kunin ang trench coat ko. Bago ako lumabas, sandali ko pang tiningnan ang kaibigan bago ko siya tuluyang iwan doon.
Hindi na ako sumakay ng cab. Umaga na rin naman at hindi naman ako nagmamadali. It’s still snowing outside. Nilakad ko na lamang ang apartment na tinutuluyan ko. I solely own the place. Kung tutuusin, pwede pa akong tumanggap ng ilang boarders dahil dalawang kwarto pa ang bakante roon. Dagdag ko rin sana sa income ko pero naisip ko rin na mas gusto ko 'yong mapag-isa ako.
I changed a lot. Big time. Kung dati, gustung-gusto kong nakikipagkaibigan sa lahat ng tao sa paligid ko, ngayon, I prefer being alone and keep a small circle of friends.
I checked my mails as I approached the entrance door of my apartment. Wala namang importante roon maliban sa mga due dates ng bills, credit cards, at insurance. Inilapag ko lang iyon sa mesa at dumiretso na sa kwarto ko para makapagpahinga.
Pasalampak kong inihiga ang sarili sa malambot na kama. This is so relaxing. After a long, tiring walk plus a bit hangover, wala akong ibang gustong gawin kundi ang matulog sa sarili kong kama.
"Kaunting idlip pa. Aagahan ko na lang ang pagpunta mamaya sa ospital." Kumbinsi ko sa sarili ko bago ako tuluyang hinatak ng antok at pagod.
I can vividly see the vast cornfield around me. Sa harap ng kubo na ito ay ang maliit na ilog. Mukhang mababaw lang sa iilang parte kaya doon kami maligo mamaya.
Matiyaga akong naghihintay sa kanya habang tanaw ko siya sa malayo habang hinihila niya ang isang baka at dinala sa lilim ng puno. Iniwan niya ako ritong nagwawala ang puso at walang imik dahil sa mga halik niya.
Oo. He left me another swift kiss when he’s about to go. Nakailang hakbang na siya palayo sa kubo ng lingunin niya ako. Tahimik lang ako sa paglayo niya, hindi makapagsalita dahil masyadong abala ang utak ko sa pagproseso ng nangyari at sa nararamdaman ko.
Ganito pala ang nahalikan sa unang pagkakataon. It was surreal. Literal mong nakakalimutan ang huwisyo sa sandaling pagkakataon. Na kahit mabilis lang iyong nangyari, paulit-ulit lang iyong umiikot sa utak ko.
We spent the whole afternoon chatting, eating, and lastly, maligo sa ilog. Sa mababaw na parte lang kami napirmi. The running waters made me shrieked a bit kaya halos hindi ako bumitaw sa pagkakahawak sa kanya.
“Ganito pa rin ba kaya tayo kahit magiging busy na tayo sa college?” Tanong ko sa kanya habang nakaupo ako sa batuhan. Nasa mas mababaw na parte na kami ngayon ng ilog. Nakalubog ag kalahating katawan ko habang katabi ko si Chris sa kanan ko.
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
I pouted. “‘Yong magkakasama pa rin tayo palagi kahit na hindi na tayo magkakasama sa iisang school? Magiging busy na tayo pareho sa pag-aaral, magkaiba pa ng kurso.”
“Magkaiba lang ang magiging eskwelahan natin. Walang magbabago sa atin, Lae.”
Nag-desisyon na kasi ako kahapon na sa university na iminungkahi niya ako mag-aaral. We’ve research about the school in the internet. Maganda nga roon at promising ang mga offers. It’s one of the top universities nationwide. Kaya kahit may alinlangan pa rin sa isip ko, doon ko na napiling mag-enrol sa susunod na linggo.
Sinabi ko na rin ang tungkol do’n kay Papa at pumayag naman siya agad.
“Iba ang high school sa college, Chris. It’s a wider horizon. We’ll meet new people, make new friends and you could…” nabitin ang mga salita ko dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang naiisip nang hindi tunog bitter.
Nilingon ko siya. Mataman na pala siyang nakatingin sa akin. I sighed and avoided his intent stares at me.
Halos hindi ako makatulog sa naiisip kagabi. I’ve been reading blogs and posts about college life. Dito ko nakuha ang mga ideyang sinasabi ko sa kanya ngayon. At dito ko napagtantong may namumuong pangamba sa isip ko.
What if he’ll meet someone and eventually…forget about me?
“Ituloy mo.” Aniya nang matigilan ako ng ilang segundo.
Should I tell him about this? Baka sobrang petty nito. Of course we’re going to meet new people and make friends with them. Sabi ko nga kanina, mas malawak ang oportunidad sa kolehiyo. It’s a game-changing for teens like us to learn and explore more, especially in academics and self-development.
Iba na ang environment sa college. Dito na mahahasa ang pag-iisip ng radikal at maging bukas sa pagbabago sa sarili lalo na ang maging matured sa mga bagay-bagay.
Ginagap ko ang kanyang kamay. Mahigpit. Doon ko ikinapit ang mga naiisip ko.
“Promise me, you’ll not change?” Tunog desperado ang boses ko.
Nangunot ang noo niya. “Walang magbabago, Lae. Bakit? Ano bang iniisip mo?”
Umiling ako. Nanahimik lang. Pero ewan, mas tumindi tuloy ang pangamba ko.
“Stop overthinking. Walang magbabago sa atin, Lae. If we’ll be busy because of studies, we’ll study together. If I’ll meet new friends, I’ll introduce you to them. If you feel alone, I will always be there for you.” He said.
Him assuring me with this kind of words made me relieve with my worries.
“I hope…ganoon ka rin sa akin?” May alinlangan sa klase ng tanong niya.
Mabilis akong tumingin sa kanya. “I could even ditch all of them and just be by your side all the time!”
Ngumisi siya, kalaunan, napailing.
“Akala mo ba, ikaw lang ang nakakaramdam niyan?” He bowed down his head. Dumampot siya ng bato sa gilid niya gamit ang libreng kamay at saka wala sa loob na ibinato iyon sa kung saan.
Pinagmasdan ko lang siya habang nanahimik. Inintindi ko ang tanong niya sa akin. Saka ko lang naisip, na katulad ko, pareho rin yata ang tumatakbo sa utak niya.
“Sa ating dalawa, ikaw ang mas bukas sa pakikipagkaibigan. You can maintain a large social circle than I. Gustung-gusto ka ng mga tao sa paligid mo. You’re friendly and…very open to them.” Aniya.
Hindi muna ako sumagot dahil alam kong may sasabihin pa siya.
“Alam ko ang iniisip mo. Kung nangangamba kang magbabago ako dahil college na tayo sa pasukan, mas natatakot akong baka makalimutan mo na ako’t iwan mo na kapag hindi mo na ako madalas makita.” He sounded miserable this time.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. May kutob na akong pareho kami ng naiisip pero hindi ko akalaing iisipin niya iyon sa ganitong paraan.
Kung takot lang akong magbago siya, siya nama’y takot na maiwanan!
I can’t find words to assure him this much. Sa tagal kong nakasama si Christian, alam ko kung paano siya mag-isip. Hindi katulad ko na sa simpleng mga salita niya, agad akong kumakalma, siya nama’y magiging maayos lang kapag naaayon na ang mga bagay sa mga naiisip niya.
He hated things that don’t go according to his plans. Ayaw niyang naiiba ang plano niya basta-basta. He feels rattled when he can’t control things. Kaya kapag nananahimik na siya, nag-iisip ulit siya kung bakit ganoon ang nangyari.
Bumitaw ako sa pagkakahawak ko sa kanya. Ayaw pa niya iyong pakawalan sa una pero nang maramdaman niyang hindi ako magpapapigil, hinayaan niya akong kumawala sa kanya.
I faced him and held his jaw using my both hands. Hinanap ko ang kanyang mga mata. I saw wary and doubt on his expression but I smiled sweetly at him, na hindi ko alam kung makakatulong iyon para mapagaan ang loob niya.
“I won’t do that, Chris. I won’t leave you.” I said with finality before I moved my head closer and reach for his lips to kiss him.
I’m calmer now than before. Pakiramdam ko, ganoon na rin siya. Kaya sa sumunod na linggo, naging busy na kami sa enrollment. Magkasama kaming nag-enroll sa kanya-kanyang school namin. We spent our remaining weeks seeing each other. Sa bahay lang naman kami. Nanonood ng TV, nagluluto ng meryenda, o ‘di kaya’y nagbabasa ng mga libro.
At ang halikang nangyari sa ilog, nasundan pa ng ilang ulit! Of course, we made sure no one can see us. We just sneak around and Chris will only give me a smack kiss on my lips!
Bago pumatak ang araw ng pasukan, magkausap na kami ni Chris sa phone para sa magiging plano sa buong linggo. He gave me his schedule, ganoon din ang ginawa ko. Kaya alam namin kung ano ang oras ng breaks namin at oras na may klase.
“Friday at Sunday lang tayo magkikita ng matagal, love.”
Ngumuso ako at saka tumihaya sa pagkakahiga. “Pwede naman tayong magkita tuwing vacant periods natin.”
He chuckled. “Hindi. Use that time to know your classmates well. Make friends with them.”
“Okay na akong ikaw lang ang nakakasama ko.” I snorted.
“Kuntento rin naman akong kahit ikaw lang pero sila ang mas madalas mong makakasama. Choose your friends well, mas panatag akong nakikipagkaibigan ka sa kanila. I don’t want you to feel outcasted just because you only wanted to be with me most of the time.”
“Fine. I’ll make friends with them just like what we’re doing.” Wala sa loob kong nasabi.
“Hindi, Lae.” Mababa ang boses niyang sagot sa akin.
“Hah?” Litong tanong ko.
“Hindi tayo magkaibigan. Walang magkaibigang naghahalikan.” Walang hiyang sabi niya.
“Christian!” Saway ko pero ramdam ko na ang pamumula ng mga pisngi ko.
“Makikipagkaibigan ka pero hindi mo gagawin sa ibang lalaki ang ginagawa natin. You’re only doing our things to me.” Dagdag niya.
Hindi ako umimik. Nahihiya ako na natutuwa. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman. Hindi ko alam kung ano ang uunahing isipin.
“Sa akin lang ‘yon. Ako lang, love.” Aniya at diniinan ang pagkakasabi sa huling salitang sinambit niya.