CHAPTER 31

1823 Words
Lae Nadatnan naming nagluluto na si Ate Lyn ng pananghalian. Nakangiti siyang bumati sa amin. I greeted her back. Bumulong sa akin si Chris na may kukunin lang sa kwarto niya kaya nagpaiwan na ako rito sa kusina. I had a peek on what she's cooking pero bahagya akong napangiwi. Ginisang ampalaya. "Sandali na lang ito, Lae. Maya-maya kakain na tayo. Tapos na 'yong bicol express." Nakangiting sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at saka tumango. Pero nang maproseso ko ang sinabi niya, medyo napaisip ako. Bicol express? Hindi ba't...maanghang 'yon? I bit my lip. Hindi ako pwedeng mag-inarte. They invited me here. Kakainin ko kung ano ang nakahain. Iyon ang turo sa akin ni Papa. Nagpresinta akong maghain sa mesa. Itinuro sa akin ni Ate Lyn kung saan nakalagay ang mga kubyertos at place mat. Naabutan pa ako ni Chris na naghahain kaya agad niya iyong inagaw sa akin. "Kaya ko na 'to." Nakangiting sabi ko sa kanya. He snorted and took the remaining plates that I'm holding. "Ako na. Bisita kita." Aniya. "Ganito rin naman ang ginagawa mo sa bahay namin kaya okay lang talaga ako." "Tsk. Tigas ng ulo mo, love." He continued what I am doing. "Check mo na lang 'yong inilabas kong gamit kung may kulang pa. Tatawagin kita kapag tapos na akong maghain. Hmm?" Aniya habang nakangiti sa akin. I shrugged my shoulders and surrendered in this petty argument. Hindi naman siya magpapatalo kaya hindi ko na ipinilit ang gusto ko. When I went to the living room, nakita ko ang isang picnic basket na walang laman, dalawang tuwalya na kulay asul, banig, at isang payong. Mukhang okay naman na siguro 'to. Nasa kusina siguro 'yong mga pagkaing dadalhin kaya bumalik na ako roon. Kaso habang tahimik akong papalapit sa kusina, narinig ko ang mahinang boses nila. Parang...nagtatalo. "Ate, wala na bang ibang ulam? Hindi 'yon kumakain ng maanghang!" Bulong ni Christian sa ate niya. "Hindi mo naman sinabi! Kumakain naman siya ng gulay 'di ba?" "Ano'ng gulay ang naluto mo?" "Ginisang ampalaya—-" "Ayaw no'n sa mapait!" Putol nito sa kanya. Nagmamadali niyang tinungo ang ref at naghalungkat ng kung ano roon. I felt guilty. Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon. Christian invited me here to join them for lunch and have some picnic with him on the riverside. Ate Lyn is very kind to cook us food. Nakakahiya pa ngayong nagkakagulo silang magkapatid dahil lang sa hindi ko kinakain ang mga ihahain nila. Nagsisi tuloy ako kung bakit ko pa sinabi kay Christian noon ang mga bagay na ito. I sighed. I will eat what her sister prepared. Ayokong magluto sila ulit ng ulam dahil lang sa hindi ako kumakain ng mga ganoong pagkain. Lumabas ako sa gilid ng pader kung saan ako nagtatago at masaya ko silang sinalubong. "Kakain na ba tayo?" I asked them enthusiastically. Sabay silang napalingon sa gawi ko. Kita ko ang pagkakataranta ni Ate Lyn. Pinatay niya ang apoy sa kalan at inilapag ang siyanse sa pinggan na naroon. "Lae, nagugutom ka na ba? Ano...kasi..." hindi matapos ni Ate Lyn ang sasabihin. Isinara ni Chris ang pintuan ng ref at lumapit sa akin. Bakas sa itsura nilang dalawa ang pagaalinlangan. It's almost lunch time. Kung hindi ko lang alam ang pinapangambahan nila, I'm pretty sure I'll be insensitive. "Uh...medyo po." Nahihiya akong nangiti. "Luto na po ba ang gulay?" Hinawakan ako ni Chris sa siko dahilan ng paglingon ko sa kanya. I smiled at him assuringly. "Love, magluluto ulit kami ng ulam. Mabilis lang naman—-" bulong niya pero agad ko siyang pinutol sa pagsasalita. Nangunot ang noo ko. "Hah? Eh sabi ni Ate Lyn may ulam na raw." Lumapit si Ate sa akin at nangiti. "Magluluto ako ng bago, Lae. Sandali lang naman 'yon." Ngumuso ako. "Okay na po ‘yong Bicol Express, Ate. Hindi pa po ako nakakatikim ng gano’n.” “Huh?” Nalilitong lumingon si Ate Lyn sa gawi ni Christian. “Sigurado ka ba?” Chris gently tugged my arm. “Maanghang ‘yon, Lae.” Nagkibit-balikat ako. “Gusto kong matikman ang luto ni Ate.” I smiled. “Oh sige! Sige! Maghahain na ako.” Natatarantang sabi ni Ate Lyn. Nagsimula na siyang magsandok ng ulam sa bowl. “Tulungan na kita, Ate!” Saad ko. Kumawala ako sa hawak ni Christian. He let me helped his sister. Habang siya naman ay naglabas ng isang pitsel ng tubig mula sa ref. Nagsimula kaming kumain. Sinandukan ako ni Christian ng kanin, just like what he always do. Nginitian ko siya but he only reciprocated it with an impassive look. Ngumuso ako. Ayokong mag-inarte ngayon. Kung sa ibang pagkakataon siguro, pwede akong tumanggi. But not this time, Ayokong isipin nila na maarte ako at mapili sa pagkain. Sumandok ako ng dalawang beses sa Bicol Express. Iniwasan kong makasandok ng hiniwang siling labuyo. Iniisip ko pa lang na dadampi ang anghang no’n sa dila ko, para na akong mauubo. Ang isang maliit na pirasong karne na sinandok ko ay hinati ko pa sa maliit na portion. Dinamihan ko ang kanin sa kutsara at isinubo ko iyon. Truthfully, hindi pa talaga ako nakakakain ng Bicol Express dahil ang sabi nga sa akin, maanghang iyon. I avoided spicy foods dahil hindi ko gusto ang nangyayari sa akin sa tuwing kumakain ako ng maanghang. I am coughing non-stop which will result to my throat irritation. But surprisingly, the dish is really good! Maanghang nga pero gusto ng panlasa ko. Nagustuhan ko ang pinagsamang linamnam ng gata at anghang ng sili. It’s delicious! “Sarap ‘te!” I blurted. Sumubo ako ulit dahil nga nagustuhan ko ang lasa nito. “T-Talaga?” Namimilog ang mga mata niya. Tumango ako bilang pagsagot sa tanong niya. I can’t talk because my mouth is full. Mahinang natawa si Ate Lyn at nagsimula ng magsandok ng sari niyang pagkain. Christian, however, didn’t move to get his food. Mataman niya pa rin akong pinagmamasdan habang kumakain. Naghihintay na magbago ang reaksyon ko. I even offered him to put some rice on his plate but he only ignored me. Tumayo si Ate Lyn. “Sandali lang ah? May tao yata sa labas. Titingnan ko lang.” paalam niya sa akin. Muli akong sumubo ng ulam at isinabay iyon sa kanin. Ang sarap talaga! Pero natigilan ako sa pag-nguya ng makita kong nakatingin pa rin sa akin si Christian. “Bakit?” Tanong ko. He shook his head. “Stop pretending. I know you don’t like spicy foods.” Umiling ako. “I am not pretending. Masarap ang luto ng ate mo.” Hindi siya sumagot. I smiled. Kumuha ako ng kapirasong karne at kaunting kanin sa pinggan ko. Inayos ko iyon sa aking kutsara bago ko iniumang sa kanya. “Try it. Hindi ako nagsisinungaling.” Ani ko. His eyes landed on the spoon with rice and a thin slice of pork on it. Nangiti ako. Iniumang ko pa iyon malapit sa labi niya. It even touches its lower lip. “Say, ah.” I giggled. Tinanggap niya iyon habang hindi napuputol ang tingin niya sa akin. Lalong lumapad ang mga ngiti ko. He looked cute when he becomes submissive to my demands. Parang bata. “Very good, baby!” I mocked him and giggled more. Kaso nataranta lang ako pagkatapos kong isubo sa kanya ang pagkain dahil sunud-sunod ang naging pag-ubo niya. Nabilaukan panyata siya. Agad akong nagsalin ng tubig sa baso niya at ibinigay iyon sa kanya. “Careful…” I said while I hold the glass of water and let him drink some. Nadatnan kami ni Ate Lyn sa ganoong posisyon. Para akong nanigas sa kinauupuan ko dahil sa nakakalokong ngiti niya sa amin. She playfully teased us while giggling. “Ang sweet naman!” Tukso niya. Kinuha ng libre kong kamay ang kamay ni Christian upang ipahawak na sa kanya ang baso niya. Bigla akong tinablan ng hiya. Gumapang ang init na nararamdaman ko mula sa dibdib ko, paakyat sa aking batok at ngayon ay ramdam ko na iyon sa magkabilang pisngi ko. I am pretty sure I am really blushing big time! Masaya naming pinagsaluhan ang tanghalian. Medyo natagalan pa kami sa hapag dahil sa dami ng naging kwentuhan namin. In-offer din sa akin ni Ate Lyn na tikman ang ginisang ampalaya. Nag-aalangan pa ako no’ng una dahil ayoko sa mapait at hindi naman ako palakain ng gulay pero katulad ng sa Bicol Express, nagustuhan ko rin iyon. Hindi mapait ang ampalayang ipinakain niya sa akin. Hinugasan niya raw kasi ng ilang beses at ibinabad sa tubig na maybasin bago niluto. Sandali kaming nagpahinga ni Christian pagkatapos naming kumain. Nagpresinta pa akong tumulong sa paghuhugas pero pinigilan ako ni Ate Lyn at Christian. Kasi mapilit ako kaya ang nangyari, niyaya na ako ni Christian na pumunta sa ilog. “Ingat kayo ro’n!” Bilin sa amin ng ate niya. Nagsimula kaming maglakad sa malawak na lupain nila. It’s actually a cornfield. Nag-uumpisa pa lamang iyon sa pagtubo. Sa bandang dulo naman ng lupaing ‘yon ay tanaw ko ang maliit na kubo at iilang puno. “Malapit na ba tayo?” Tanong ko sa kanya. “Oo. Sa dulo nito, nandyan ang maliit na ilog.” Aniya at inumang ang payong sa akin dahil nasisinagan ulit ako. Tuwalya lang namin ang bitbit ko at ang bag ko. Tapos siya na lahat ang naghawak sa ibang gamit. Pinilit ko pang kunin sa kanya kahit ‘yong banig man lang pero napakamapilit. Ayaw akong pagbitbitin. Dumiretso kami sa kubo. Inilapag namin ang mga gamit namin doon. Ang sabi niya, ilililim niya muna ang mga alaga niya at saka niya ako babalikan. “Dito ka lang. Hindi ako magtatagal. Mamaya pa naman tayo maliligo dahil mataas pa ang sikat ng araw.” Bilin niya sa akin. “Yes, Sir!” I playfully answered! Parang teacher kasi kung magbigay ng instruction. Bumusangot siya. “Hindi ba…kanina…’baby’ ang tawag mo sa akin?” Nangunot ang noo ko. “Huh?” Hindi naman ‘baby’ ang tawag ko sa kanya. “Wala! Sige na. Aalis na ako para makabalik ako agad.” Nangiti ako. “Okay.” Nagkibit-balikat ako at naupo sa upuan ng kubo. He sighed. Lumapit siya sa akin. He leveled our gazes. Magkatapat ngayon ang mukha naming dalawa. May bahid pa ng ngiti ang mga labi ko kaya nang makita kong seryoso siya, umayos ako sa pagkakaupo. Kaso hindi ko inasahan ang susunod niyang ginawa. He gave me a soft, quick kiss on my lips. It was light and almost feathery. Halos hindi lumapat ng husto ang mga labi niya sa akin pero yumanig ang buong sistema ko dahil sa halik niya. “Stay here. Babalik agad ako.” Bulong niya. I only nodded because I got no words to say. He left me on that hut, still stunned to what happened earlier.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD