Lae
"You were childhood sweethearts?" Nina asked me.
I glanced at her and smiled bitterly. Umayos ako sa pagkakasandal ko sa malambot na sofa habang pinagmamasdan ang kalakhan ng siyudad. It's snowing outside. Kasalukuyan ang New Year's Eve Celebration pero mas pinili kong mag-stay sa condominium ng kaibigan ko.
Sandali kong inilapag ang kopita ko para magsalin ulit ng wine bago ako umayos sa pagkakaupo.
I remembered my old, happy days with him. Ang tagal na. Sampung taon na ang nakakaraan simula nang magkagusto ako sa kanya. At sa loob ng isang dekada, hindi ko kailanman nakalimutan ang mga nangyari kung paano kami nagsimula.
"Well...you can say that." Sagot ko.
"Pero grabe, 'no? You started young, went to college together. Pero before you both graduated, you parted ways?"
Marahan kong pinaikot-ikot ang laman ng wine glass ko at inalala ang mga nangyari noon. I nodded nonchalantly.
"We have a night to talk about it! Tell me more!" She shrieked out of excitement.
I chuckled. Sa mga panahong mag-isa lang ako, ang mga nakaraan ko lang ang nakakasama ko. I lingered with my memories most of the time. Pagkatapos ng duty ko sa trabaho, iyon na ang madalas kong gawin.
And right here, right now, this is my very first time to talk about it with a friend in this foreign country where no one really knows me.
Of course, I have my relatives here abroad. Sila ang tumulong sa akin para makarating ako rito pero nang makahanap ako ng permanenteng trabaho, nagdesisyon na akong bumukod.
That prom was my happiest night of my life. I was with him all the time na kahit sa carnet dance, kulang na lang, sayawin namin ang bawat kanta.
Hindi kami mapaghiwalay simula noon. 4th year came and we became busy with academics and extra curricular activities. Nakakatuwa nga, eh. We remained competitive in school despite our special relationship that we have. I graduated valedictorian while he was the salutatorian.
Lahat ng iyon, nalagpasan namin ng walang label sa isa’t-isa.
The relationship that we had doesn't really need a label. It was beyond that. It was magical and surreal. Na wala ng halaga ang label dahil mas mahalaga sa amin nang mga panahong iyon ang nararamdaman namin sa isa't-isa.
We were young and so much in love with each other.
After graduating in highschool, hindi pa kami decided kung saan kami mag-aaral. We took entrance examinations to different universities in the city and even in Manila. Lahat iyon, naipasa namin. Kaya naguguluhan na kami makapili ngayon ng mabuti.
"Tingin mo, Chris, mas okay kung sa mas malapit na lang tayo?" Tanong ko sa kanya habang nasa balkonahe kami, isang hapon nang minsang madalaw siya sa amin.
Nilingon niya ako. His elbows were leaning on the terrace of the balcony. Sandali niya akong pinagmasdan bago siya umayos sa pagkakatayo para lapitan ako sa kinauupuan kong beanie couch.
He squatted and looked at me intently. Gumalaw ang kanang kamay niya para ilapit 'yon sa mukha ko. I grimaced, thinking that he would pinch my cheek but he only tucked the loose strands of my hair at the back of my ear.
"Pwede naman. Pero hindi ba, gusto mong mag-aral sa Manila?"
I pouted. "But you said, you'll study in the nearby city."
Tumango siya. "Oo. Maganda naman ang standing ng university na iyon lalo na sa kursong kukunin ko. Isa pa, hindi ko maiiwan ang farm. Kailangan ni Ate Lyn ng tutulong sa kanya."
"Eh, 'di doon na lang din ako!"
He smirked and pinched my nose gently. "Ano ba talaga ang gusto mo?"
Para akong nanghina sa tanong niya. Hindi na rin kasi ako sigurado kung ano ang gusto ko. Ang gulo!
"Ayaw mo lang yatang magkahiwalay tayo, eh?" Dagdag niya.
There. It hit me.
Marahan akong tumango. Hindi ko siya matingnan ng diretso sa mata. Hindi ko alam kung mahihiya ako dahil natumbok niya ang gusto kong mangyari o nahulaan niya ang tumatakbo sa isip ko.
"May magandang university sa siyudad para sa kursong kukunin mo. You'll take Nursing, right? May kamahalan ang tuition pero I heard that they are producing excellent professionals." Saad niya.
"Pwede bang mag-Engineering na lang ako? Nandyan ka naman."
He pouted and pinched my cheek this time. "Don't base all your decisions to me, Lae. Dapat kung ano talaga ang makakabuti para sa'yo, 'yon dapat ang pagtuunan mo ng pansin."
I sighed. He got a point.
"But, thank you for considering me every time you make a decision." He added and smiled.
I smiled at him, too. Of course. He's important to me. I will always consider him.
"Pasyal tayo bukas, love?"
Kumunot ang noo ko. "Saan?"
"Sa farm. Picnic tayo?"
Namilog ang mga mata ko. This will be my first time to visit their home! Siya kasi ang madalas bumisita sa amin dito kapag may libreng oras siya. At isa pa, kahit open na siya rito sa amin, nahihiya pa rin kami kay Papa at Manang Lusing na basta-basta na lamang kaming lalabas ng magkasama.
"Sige! Pero..." I trailed off.
"Huwag kang mag-alala, tumawag na ako kay Uncle Henry para ipagpaalam ka. Pumayag siya." He said while smiling to convince me more.
Napabalikwas ako sa pagkakaupo. "Talaga? Pumayag si Papa?!"
Tumangu-tango siya. "Maliligo tayo sa ilog kaya magdala ka ng pamalit mo. Ako na ang bahala sa pagkain natin."
Natigilan ako at sandaling nag-isip. "Tayong dalawa lang naman do'n, 'di ba?"
"You can invite our friends. It's up to you."
Sunud-sunod ang pag-iling ko. "No. Tayong dalawa na lang!"
Sinundo niya ako kinabukasan pagkatapos niyang ipastol ang mga alaga niya. Wala kasi siyang mapagbibilinan. Si Ate Lyn, day off niya ngayon kaya raw niya napiling ngayong araw kami mamasyal sa farm nila.
Nag-bike siya papunta sa amin pero sumakay kami sa tricycle papunta sa kanila. Iniwan niya na ang bike doon sa garahe bago kami nagpaalam kay Manang Lusing.
“Hindi ba tayo pwedeng mag-bike?” Tanong ko habang nakasakay kami sa tricycle.
Magkatabi kami ngayon sa loob ng sidecar. Nakahawak ako sa kanyang braso habang hawak naman niya ang maliit na bag na dala ko.
“Delikado. Maraming malalaking sasakyan sa highway. Hindi ko kayang isugal ang safety mo.”
Nangingiti ako na prang baliw sa narinig. Lagi na lang niya akong inuuna sa mga ganitong sitwasyon. Para akong natutunaw sa isipang ako ang lagi niyang kino-konsidera sa mga gagawin namin.
“Eh ‘di delikado para sa’yo kapag pumupunta ka sa amin tuwing nagba-bike ka?”
Sinulyapan niya ako. “It’s okay. Sanay na ako.”
“Huwag ka ng pupunta sa amin kung magba-bike ka rin lang naman.”
Sumandal siya sa back rest ng upuan ng side car, hindi pa rin napuputol ang tingin sa akin.
“Hindi kita mabibisita ng madalas kung ganoon ang gusto mo.”
“Pwedeng…mag-tricycle ka na lang?”
He pinched my nose. Nasasanay na siya sa ganito.
“Nag-iipon ako, love.” Nangingiting sabi niya. “Saka…dagdag pa natin sa date natin. Ayaw mo ‘yon? Mas marami kang makakaing kwek kwek ‘pag magme-meryenda tayo sa labas?” Tudyo niya.
Mas nadagdagan ang paghanga ko sa kanya. Sa mga simpleng rason niya sa akin sa tuwing may pinag-uusapan kami, I can vividly see how mature he is.
Medyo malayo nga ang sa kanila. Mula sa national highway, may barangay road pa kaming binaybay papasok sa loob. Nasa pinakadulo ang sa kanila. I already understand why he’s opting to ride in a bicycle when he’s visiting me. Mahal ang bayad sa tricycle dahil malayo ito sa amin.
Nauna siyang bumaba sa tricycle at inalalayan akong makababa roon. I got a chance to roam my eyes around the place because he’s busy paying the driver.
Natapatan ko ang isang bungalow na bahay. Kulay puti iyon at hindi pangkaraniwan ang disenyo. It’s like a modern house from early 80’s. Ganito ang mga disenyo ng bahay na nakikita ko sa mga lumang Pinoy movies kaya pamilyar sa akin iyon.
Kaya lang dahil napaglipasan na rin siguro ng panahon, lumuma na iyon. Pansin kong may maliit silang garden sa harap ng bahay at iilang maliliit na upuang yari sa semento.
“Tara, pasok na tayo.” Yaya sa akin ni Christian. Binuksan niya ang gate na yari sa bakal. Tahimik akong tumalima at sumunod lamang sa kanya.
Pansin ko ang lumang pula na pick up truck sa garahe at ang katabi nitong motorsiklo. Medyo luma na rin pero mukhang maayos pa namang tingnan.
Nadaanan namin ang puting dingding kaharap ng entrance door. May nakasabit roon na na kahoy na may malaking letra na ‘P’ na gawa sa kahoy. It was carved beautifully. I guess it means ‘Ponferrada’.
Lalo akong namangha sa disensyo ng bahay jila dahil puro kahoy ang nakikita ko sa loob. Mula sa sahig na yari sa makinis na wood planks, mga mwebles, at ang kisame na may magagandang disenyo at yari rin sa makintab na kahoy.
Ang ganda.
“You’re house looked expensive.” Bulong ko sa kanya pagkatapos niyang ilapag ang bag ko sa sofa na yari sa kahoy.
He chuckled. “Mamaya, iku-kwento ko sa’yo ang tungkol sa bahay na ito.”
Tumango ako bago siya hinarap.
“May naisama ka na ba ritong mga classmate natin?” Wala sa loob na tanong ko sa kanya.
Lumabi siya at saka umiling.
“Ikaw pa lang ang dinala ko rito.” Nakangiting turan niya bago niya ako hatakin papunta sa isang banda kung saan ay tingin ko ay kusina.
Napatda ako ng tapikin ako ng babaeng kaharap ko ngayon. I sneered at her. Naputol ang muli kong pagbabalik tanaw sa mga nangyari.
“Haynako Lae! Mind to share what’s running on your mind?”
Lumabi ako bago ako sumimsim ng wine.
“Loving Chris was one of the best things that happened to me.” Wala sa sariling naibulong ko.