CHAPTER 29

2927 Words
Lae Love. Ang sarap pakinggan. Iyon na ang naging endearment niya sa akin simula nang itawag niya sa akin iyon sa text. Sa tuwing napapag-isa kami, walang mintis iyon. Minsan, napapansin kong gumagawa lang siya ng excuses para makalapit sa akin at matawag ako sa ganoong paraan. Nag-isip din ako ng itatawag ko sa kanya. Gayahin ko na lang kaya siya? Pero ewan. I find it cringy every time I think of calling him that. Hindi rin ako kumportable sa mga typical na tawagan tulad ng baby, babe, etc. Chris is fine. Saka siya lang naman itong pauso ng tawagan! Ang pangamba ko lang, baka 'pag nasanay siya sa ganoong tawag niya sa akin, bigla na lang madulas ang dila niya. Hindi pa naman ako handa na malaman ng lahat ang tungkol sa amin. "Love, pahinging crosswise." Bulong niya sa akin ng minsang nag-announce ng quiz ang teacher namin at crosswise na papel ang sinabi niyang gamitin namin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pangambang baka may nakarinig sa kanya. Busy naman ang lahat dahil quiz nga. Kung hindi nanghihingi ng papel ang iba, nagla-last minute scan sa mga notes. I glared at him. Alam niya na ang ibig kong sabihin kapag minamata ko siya ng ganito. I want him to stop calling me that when everyone's around. Ngumunguso lang siya pero kalaunan, nangingiti rin. “Wala kang papel?’ Hindi ako makapaniwalang tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lamang siya. "Wala bang papel sila Ed?" Masungit na tanong ko sa kanya. "Meron. Pero sa'yo ko gustong humingi." Ang lalaking 'to! Dinayo pa ako sa harap para lang makahingi ng papel! Isang row ang pagitan ng mga upuan namin. At kahit bulong lang 'yon, medyo nag-aalala akong baka may makahalata sa mga ikinikilos niya. Pumilas ako ng isang piraso at binigay iyon sa kanya. He smiled boyishly. Hindi na muling nagsalita but he mouthed saying 'Thanks, love.' Marami pang instances na ganito siya sa akin. Sa paghiram ng ballpen, libro, o kaya kahit sa mga notes ko. Hindi kasi siya masyadong palasulat sa notebook niya. Lalo na sa Geometry at Trigonometry. Nakukuha niya agad ang lessons namin sa simpleng pakikinig niya sa teacher namin. That's what I admire him the most. Sobrang galing niya pagdating sa mga numero. Aminado akong weakness ko ang Math. Kaya kapag study period namin, nagpapaturo talaga ako sa kanya sa mga Math lessons namin. Siyempre, gustung-gusto ko rin 'yon dahil napapag-isa kami sa library o kaya sa classroom lang. Hindi naman nagtataka ang mga classmates namin kapag ganoon. Iniisip lang nila na nagpapaturo talaga ako sa kanya while in my mind, I am hitting two birds in one stone. Nasa pangatlong linggo na kami ng Enero nang mag-announce ang adviser namin tungkol sa JS Prom. Everyone is excited! Ang iba nga, nagkakakontratahan na ng magiging partner sa prom. Nakikinig lang ako sa dini-discuss ng adviser namin ng maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Hindi ko pinansin 'yon no'ng una kasi bawal kapag may teacher sa loob ng room pero dahil muling nag-vibrate iyon, I tried my best checking it without me being caught. Christian: Ako ang partner mo sa prom, love. Christian: Tanggihan mo na silang lahat. Agad kong tinago ang cellphone ko at pasimpleng nilingon siya. Mabilis na nagtama ang mga mata namin. Ang isang kilay niya ay nakataas kaya lumabi na lang ako. Then he smirked mischievously. Tanggihan ko silang lahat? Sino ang tinutukoy niyang tatanggihan ko? Siya lang naman ang nag-alok sa'kin! Ibinalik ko ang atensyon sa harapan. Nangiti rin ako. Siyempre gusto ko rin iyon. It's going to be a magical night. Hindi pa ako nakakapanood ng actual na prom pero base sa mga naririnig ko, it's full of fun and magic. "Iyong mga sasali sa cotillion, humanap na kayo ng partner niyo at magpalista na kayo sa akin ngayon. Pink balloon gowns ang gagamitin niyo rito girls, ah? Every 3 pm ang practice sa grounds." Sabi ni Ma'am Wilma. "Sino'ng partner mo, Lae?" Tanong sa akin ni Aby. I shrugged my shoulders. Gusto kong sabihin na si Christian pero nahihiya ako. "Ikaw?" Balik tanong ko. "Na kay Paul o Joshua lang naman. Kung wala sa kanila, hindi na lang ako sasali." Sagot niya. Tumango ako. Mamaya na lang siguro ako magpapalista dahil baka magtaka siya. Ibinalik ko ang tingin sa harapan pero natigilan ako nang makita kong naroon na si Chris at nagpapalista na roon! Nanlaki ang mga mata kong pinagmasdan siya habang nagsusulat. I stood up to check whose names is he going to write on the paper. Hindi nga ako nagkamali, pangalan nga naming dalawa ang inilista niya. "Seryoso ka diyan?" Bulong ko sa kanya. Tinapos niyang isulat ang pangalan ko bago niya ako nilingon. "Oo. Kaya huwag ka ng maghanap ng ibang partner mo." Mataman niyang sinabi sa akin. I pouted. Bahala siya. Basta sasali ako sa cotillion. Pinatawag kami ng hapon na 'yon para sa practice. Luminya kami sa school ground kasama ang partner. Si Sir Mark ang nakatoka na magtuturo sa amin kaya inisa-isa niya ang mga sasali. Nang madaanan niya kami, nangunot ang kanyang noo. Sandali niya kaming pinasadahan ng tingin bago siya nagsalita. "Kayong dalawa ang mag-partner?" Mataray na tanong sa amin ng baklang PE teacher. Tumango kami pareho. "Hindi pwede! Masyadong matangkad itong si Ponferrada. May nakita akong magpartner kanina ro'n na mas matangkad ang babae. Hindi magandang tingnan na mas matangkad ang babae kesa sa lalaki." Umalma si Christian. "Pero Sir, siya ang napili kong partner." "Makikipagpalit ka." Aniya. I pouted and looked at him. Bagsak ang balikat ko sa narinig. Hindi kami magiging partner sa cotillion. Nakakalungkot naman. Waltz pa naman steps nito. I am eager to be his partner dahil gusto kong ma-experience na makasayaw siya. Pero kung hindi talaga pwede, babawi na lang siguro kami sa carnet dance. Sir Mark started to roam his eyes around to look for someone who will replace me to be Christian's partner. Tuluyan ko nang isinuko ang pag-asa kong siya ang makakatambal ko sa sayaw. I just hoped na makakasundo ko na lang ang ipapalit nila kay Chris. "Sir, tatangkad pa naman siya kapag nag-heels." Katwiran ng kasama ko. I secretly tugged the hem of his school uniform but he ignored me. Ayaw talagang magpapigil ng isang 'to. "Ano bang height mo, Lae?" Tanong sa akin ng teacher namin. "Flat 5 po." Mahinang sagot ko. Christian is way taller than me. Nasa 5'7"or 5'8" yata siya kaya hindi ko masisisi ang teacher namin kung ganoon na lang ang sinabi niya. Sandali siyang nag-isip bago tumango. "Oh siya! Bahala kayo!" Pagsuko niya bago kami nilampasan. I can hear Christian's chuckle ng makalayo si Sir Mark sa amin. Nagtataka akong nilingon siya. "Ba't ka natatawa?" I asked curiously. Tumikhim siya at tumuwid sa pagkakatayo niya roon. "Sabi ko kasi sa'yo, eh. Ako lang ang partner mo." Bulong niya. Nagsimula kami sa pagsasayaw. Hanggang sa naging araw-araw na ang praktis tuwing hapon. Madali lang namang kabisaduhin ang mga steps. Kaya lang, medyo mahaba pala 'yon. At maraming forms! "February 14 daw ang date ng prom. Sakto sa Valentine's Day!" Balita sa amin ng isang classmate namin. Oh... well. "Dapat daw sa carnet dance, ang first dance ang magulang. Tapos kahit sino na raw sa mga susunod." Dagdag nila. Ngumuso ako. Magulang? Wala naman si Papa rito. Alangan namang si Manang Lusing ang magsayaw sa akin? Wala sa loob kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko at tinext si Papa. Ako: Papa, makakauwi ka ba sa prom ko? Katatapos ng lunchbreak namin pero wala pang oras para sa panghapong klase. Next week na ang prom. Sa weekends, nagkasundo kaming dalawa ni Christian na maghanap ng gown na mare-rentahan. May gagamitin na raw siya kaya sasamahan na lang niya akong mamili. Kanina pa ako nagtext pero wala pa rin siya reply. Ngumuso ako. Biyernes sa susunod na linggo na ang prom. Alam ko kung gaano kahirap umuwi at makahingi ng bakasyon sa klase ng trabahon ni Papa pero...umaasa ako na sana, makauwi siya. I startled when I felt my phone vibrated. Tumatawag si Papa! "Hello!" Excited na bati ko sa kanya. Medyo maingay ang background. May musika akong naririnig. Nasaan siya? "Lae, kailan ba 'yon?" Medyo malakas ang boses niya. "Sa February 14, Papa..." pati ako napalakas ang pagkakasabi. May naririnig na rin kasi akong tunog ng tambol. "Nasaan ka po?" "'Nak, nandito ako sa bayan. Pista kasi rito, ni-request kami para sa security." Sagot niya. "Mamaya na lang tayo mag-usap. Nasa trabaho ka po—-" "Anak, susubukan ni Papa ah? Susubukan kong umuwi—-" Naputol ang linya ng tawag. I pouted. Hinayaan ko na lang dahil nasa trabaho pa siya't ayokong makaistorbo. Busy 'yon sigurado. Weekends came and we became busy. Halos sumuko ako sa paghahanap dahil lahat ng gowns ng boutique sa bayan, kung hindi man nakareserba, nabili na. Balak ko lang kasi sanang mag-rent para makatipid ako magiging gastos. Naluluha akong nagsusumbong kay Papa sa telepono dahil sa frustration na nararamdaman. Nakatayo kami sa labas ng huling boutique shop na pinuntahan namin. Kausap ko si Papa. Tanghali na at mataas na ang sikat ng araw. Tagaktak na ang pawis ko pero hindi pa rin ako nakakatapos kahit isa sa mga naiisip na gawain ngayong araw. “Pumunta ka na sa siyudad. Magpasama ka na sa kaibigan mo. Padadalhan kita sa bank account mo ngayon ng pambili.” Ani Papa. I pouted and glanced at the guy beside me. Nakatayo siya sa tabi ko habang may hawak na payong para sa aking dalawa, naghihintay sa susunod na gagawin namin. Pero natigilan ako nang dukutin ni Chris ang panyo sa pantalon niya at saka marahang pinunasan ang mga namuong pawis sa noo at ilong ko. “Rent lang po sana para makatipid tayo, Papa.” Sagot ko. “Hindi na!” Tutol niya. “Eto na, pinapa-transfer ko na sa kasama ko. Bumili ka na’t nagkakaubusan anak. Kasama na riyan ang pambayad sa ibang gagamitin mo.” I sighed. Hindi ko man gustong gumastos ng ganoon kalaki sa prom, mukhang ganoon na nga ang mangyayari. Bumyahe kami ni Christian sa siyudad sakay ng isang bus. Nagpatulong na kami kay Ate Lyn at sasamahan niya rin kami ngayon sa shop na alam niya. I can’t thank them enough for helping me. Kaya matapos naming mamili ng mga gagamitin, niyaya ko silang mag-lunch sa isang restaurant sa loob din ng mall na iyon. “Kayo na lang ni Tonton, Lae. May lakad pa kasi kaming dalawa ni Ronald. Ingat kayo pauwi ah?” Aniya habang nasa labas na kami ng shop na iyon. Mura lang ang nabili ko kumpara sa ibang nadaanan namin kanina. I’m so thankful to Ate Lyn! She saved me from my dilemma! “Thank you po talaga! Babawi po ako, promise!” I even raised my right hand to show my sincerity. She chuckled and shook her hand bago siya humalo sa maraming tao roon. Nilingon ko ang lalaking katabi ko, thinking that he’s also looking at his sister slowly drifting in the crowd. Pero hindi ko inasahan na nakatingin na siya sa akin, mukhang naghihintay sa susunod na gagawin. Sa mga ganitong pagkakataon na ginagawa niya ito, lagi pa rin akong natitigilan at nabablangko. Hindi pa rin ako nasasanay sa mga inaasal niya kapag kaming dalawa lang. Kung sa harap ng mga kaklase at kaibigan namin, kulang na lang ay mag-iwasan kami, ngayon, dito sa lugar kung saan alam naming kaming dalawa lang ang magkakilala kahit na maraming tao sa paligid, nagiging iba siya. And everytime he does that, para akong lumulutang sa saya. Weekdays came. Naging busy kami ulit. Maliban sa prom, naging stiff din ang mga deadlines ng mga projects at iba pang requirements para sa iba’t-ibang subjects. Malapit na rin kasing matapos ang school year. At kapag finals na, nauunang mag-take ng exam ang mga nasa top 15. “You need help?” Alok ni Christian sa’kin nang minsang nasa library kami. Gumagawa ako ng scrap book para sa Arts subject namin. Maliban sa Math, ito ang isa sa mga subject na halos hindi ko mahanapan ng interes. Hindi sa tinatamad ako pero…hindi lang talaga ako mahilig sa mga ganitong bagay. “Kaya ko na ‘to.” Wala sa sarili kong sagot sa kanya. Nagpahid ako ng glue sa isang picture ko noong bata pa ako at idinikit sa pahinang kulay brown. “Ikaw ‘to?” Namamanghang tanong niya. I scoffed. “Ganito lang ako ngayon pero cute ako noong bata pa.” “Maganda ka rin naman kahit ngayon.” Nilingon ko siya. Ngumisi ako. “Tigilan mo ‘yan. Baka mahulog ka ng tuluyan.” He pouted then shook his head. “Ayokong tumigil.” Tumingin ako sa kanyang mga mata. Seryoso iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala minsan na talagang kaya niyang magsalita ng mga ganitong bagay sa akin. Mga bata pa kami pero kung magsalita siya, parang siguradong-sigurado na siya sa lahat. “Hindi ka kumbinsido?” Tanong niya. I chuckled and shook my head. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa. Ano’ng hindi kumbinsido ang sinasabi niya? Sa kanya lang ako naniniwala ng ganito. Lahat ng sinasabi niya, pinaniniwalaan ko. Dumating ang araw ng prom. Nag-usap na kami ni Christian na magkita na lang sa school. Sa bahay na ako nagpaayos, iyong anak ni Manang Lusing ang nag-make up sa akin. Nagta-trabaho din kasi siya sa parlor kaya alam niya kung paano ako ayusan. Sa huling hagod ng brush sa buhok ko, tumigil siya at tiningnan ako sa malaking salamin na nasa harapan namin. “Ang ganda mo, Lae. Simple lang ang make-up na ginawa ko pero lumilitaw ang ganda mo.” Nakangiting sabi ni Ate Lorna. I smiled. “Talaga ‘te?” Tumango siya at saka nangiti. “Mag-enjoy ka. Minsan lang ‘tong dadaan sa buhay mo.” Paalala niya. Tama. Minsan lang ‘to. Minsan lang ako bata. Minsan lang ang pagkakataon na ‘to. Hinatid naman ako ni Kuya John, anak din ni Manang Lusing, sa eskwela gamit ang owner ni Papa. Excited ako na kinakabahan. Nagpractice naman na kami sa mga gagawin pero siyempre, hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang mga pwedeng mangyari. Gabi ang prom. Alas siyete mag-uumpisa. Maaga ako ng trenta minutos kaya okay na rin iyon. Pero hindi ko alam kung matalas lang talaga ang paningin ko o masyado na akong excited para makitang…nasa gate si Christian, nakatayo, at may tinatanaw sa kalsada. He looked dashingly handsome. Naka dress shirt siya na kulay navy blue na pinaresan niya ng kulay abong neck tie at itim na slacks. Mukhang bagong gupit din. He looked fresh in his clean cut hairdo. Nakaleather shoes din siyang kulay brown. Ang coat niya ay hawak niya sa kaliwang kamay. Alam kong sanay siya sa mabibigat na trabaho sa kanila pero hindi ko akalaing madedepina ang katawan niya dahil sa pisikal na gawain. Hindi naman kasi ganito ka-hakab sa kanya ang unipormeng puti kaya nang magsuot siya ngayon ng long sleeve polo, kapansin-pansin ang maturity ng kanyang pisikal na anyo, kumpara sa mga kalalakihang kaedaran namin. “Dito na lang ako Kuya John!” Sabi ko sa kasama. Aamba ko nang bubuksan ang maliit na pintuan sa gilid ko para makapaghanda na bumaba. “Teka! Ipa-park ko lang ng maayos.” He tsked. “Batang ‘to oh.” Dagdag niya. “Chris!” Tawag ko sa kanya. Agaran ang lingon niya sa direksyon ko. I smiled and waved my hand! He smiled widely, too, and went closer to me. Tinulungan niya akong bumaba sa sasakyan. Dahil balloon gown ang suot ko, tinulungan niya akong makababa roon. Inayos niya ang laylayan ng gown nang bahagya iyong naangat dahil sumabit sa kung saan, dahilan kung bakit lumitaw ng bahagya ang mga hita ko. Nilingon ko si Kuya John. “Salamat sa paghatid, Kuya!” “Ano’ng oras kita susunduin?” Tanong niya sa akin. Nilingon ko si Christian. Hindi ko alam kung ano’ng oras kami matatapos. At…hindi ko alam kung may gagawin pa kami? Magsasayaw? Mag-uusap pa? “Ako na po ang maghahatid sa kanya.” Siya na ang sumagot para sa akin. “Oh sige. Lae, tumawag ka lang kay Nanay kung may kailangan ka ah?” “Opo!” Nakangiting sagot ko sa kanya. Hindi kami agad umalis doon. Tiningnan muna namin ang pag-alis ng sasakyan namin. Naramdaman ko ang paglingon sa akin ni Christian kaya tiningnan ko rin siya. Tahimik lang siyang nakatitig sa akin pero kita ko ang pagpasada niya sa kabuuan ko. Mula sa aking mga mata, bumaba ang mga mata niya sa aking…ilong ba o labi? Hanggang sa suot kong damit at sa huli, inayos niya ang buhok kong medyo tumikwas ng kaunti dahil sa byahe. “Uy…bakit may pagtitig?” Nahihiyang tanong ko. Ngumisi siya, tumungo at saka umiling ng ilang beses. Natawa ako sa ikinilos niya. Mahina ko siyang hinampas sa kanyang braso para malipat doon ang namumuong ilang ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin, nakangiti pa rin. Inilahad niya ang kanyang palad sa akin. “Shall we, miss?” I pursed my lips to suppress another giggle pero hindi iyon nakaligtas sa pagpipigil ko. Kaya kahit siya, natawa na rin. Tinanggap ko ang kanyang kamay. Marahan, mabini. Pero hindi yata siya nakuntento roon. Kaya nang unti-unti niyang inayos ang pagkakahawak niya sa akin, hindi natanggal ang tingin ko roon. He intertwined his fingers across mine before he gently pulled me to go inside the school grounds.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD