CHAPTER 28

2158 Words
Lae Gulat ang unang naramdaman ko nang makita ko siyang kasama ni Manang. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na isang araw ay pupunta siya rito. Kahit kapag may school works na by group na kailangang gawin pag weekends, hindi sila nagagawi rito. They told me that it’s boring here dahil hindi nila nagagawa ang gusto nilang gawin. Mapanuri kasi ang mga mata ni Manang Lusing. Hindi siya madalas nagsasalita pero araw-araw siyang nagsasabi ng mga nangyayari rito kay Papa. Okay lang din naman sa akin. Mas tahimik pa at nakakalabas ako paminsan-minsan. “Oh, Mon? Napasyal ka?” Nakangiti kong tanong sa kanya. Lumapit siya sa akin. Mukhang badtrip. Medyo busangot ang mukha. Hinila ko ang dining chair na nasa tabi ko para roon siya paupuin. Nalipat ang tingin niya sa mga kamay kong may hawak na shanghai wrapper. “Ano’ng ginagawa mo?” She asked. “Uh…” nahihiya akong ipakita sa kanya ang mga nabalot kong shanghai. “Hindi ganyan ‘yan! Turuan kita.” Presinta niya sa akin. “Marunong ka?” Takang tanong Ngumisi siya na puno ng kumpyansa. Naghugas siya ng kamay sa sink. Natatawang naiiling si Manang. “Sige nga, hija. Turuan mo’t iba-ibang haba at laki na ang nagagawa niya.” Si Manang Lusing. She chuckled. Ako naman ay parang estudyanteng nag-aabang na maturuan ng maestra. I know that I’m competetive but this time, I’m submissive. Hindi naman kasi ako maalam sa kusina talaga. Kaya nga noong nadalaw dito si Christian, hiyang-hiya ako nang magpresinta siyang tumulong dito. “Ay Lae, nagkulang tayo sa rekado. Sasaglit ako sa palengke ah? Maiwan ko muna kayo rito.” Paalam niya sa akin. Inabot niya ang payong sa likod ng pintuan ng kusina at ang purse niya na nakapatong sa ibabaw ng ref. “Sige po, Manang.” Ani ko at saka patuloy na nag-obserba sa ginagawa ni Mona. Tahimik lang siya pero nagpatuloy siya sa pagbabalot. Hindi siya nagsasalita. Hindi ba’t kapag nagtuturo, iniisa-isa ang mga dapat gawin? Ine-explain? I pouted. Baka dahil siguro mukhang badtrip siya kaya hindi siya nagsasalita. Instead of asking, nagkibit balikat na lang ako at sinubukan kong kopyahin ang ginagawa niya. “Nag-usap kami ni Christian…” bigla siyang nagsalita. Natigilan ako sa pagro-rolyo pero agad ding nakabawi. “Tungkol saan?” She sighed. “I confessed my feelings again, Lae. Pero…tsk.” Pambibitin niya. Inilagay ko sa tray ang natapos ko na shanghai. Pumilas ulit ako ng wrapper at nagsalin ng karne roon. “Ano’ng sinabi niya sa’yo?” I asked. May ideya na ako sa kinahinatnan ng usapan nila pero ayokong mag-expect. At saka…may kakaiba akong nararamdaman. Para akong…nagi-guilty. “Akala ko may gusto rin siya sa akin pero… It’s not mutual. Kaibigan lang daw ang turing niya sa akin.” Malungkot na sabi niya. Kasunod ng sinabi niya ay ang mahinang paghikbi niya. Mabilis akong lumingon sa kinauupuan niya. Umiiyak siya! “Huy! Ba’t ka umiiyak?!” I panicly asked. My guilt rushly crept all over my system! Walangya! Hindi ko alam kung paano ko siya iko-comfort, knowing that she was the one who asked for help to get closer with Chris. Should I tell her the truth? Hindi niya ako sinagot. Tumutulo lang ang mga luha niya. Tumayo ako para maghugas ng kamay. She went here. She needs someone who will listen to her. “Okay lang kayo no’ng birthday ni Paul ah? Hindi ba’t nag-uusap pa kayo?” Tumango siya. Pinahid niya ang luha sa kanyang mga pisngi gamit ang kanyang braso. Hindi niya iyon mapunasan ng maayos dahil sa hawak niyang pambalot ng shanghai. “Doon niya ako kinausap. He said sorry pero hindi ko tinanggap. Pakiramdam ko kasi, ‘pag tinanggap ko ‘yon, wala na talaga kaming pag-asa.” Aniya. I sighed. “Paano mo ba kasi naisip na may gusto sayo ‘yong tao?” “Ilang beses niya akong niyayang lumabas! He asked for my number! We texted for a while kahit na…” marahan siyang lumingon sa akin. “Ikaw ang madalas niyang ipagtanong sa akin.” Ramdam na ramdam ko ang kabog ng puso ko. Nasa loob naman iyon ng katawan ko pero para akong nabibingi dahil sa lakas ng pintig nito. Hindi niya pinutol ang tinginan namin. She’s looking at me intently but I cannot read the emotions entailed to it. I gulped hard. Lumalim na rin ang paghinga ko dahil sa kabang nararamdaman. Siya ang unang bumawi ng titig at isinandal ang sarili sa back rest ng dining chair. “I already got a hint but I didn’t listen to my instinct. Baka gusto lang niyang makipaglapit sa’yo dahil nakwento mo sa akin minsan ang naging bangayan ninyo. Maybe he’s just guilty.” She smirked painfully. Tumungo ako. Wala akong ibang masabi dahil sa turingan namin ni Christian ngayon, batid kong maybmga pumapasok ng mga ideya sa utak niya. “Lumakas ang kutob ko nang madatnan ko kayong nagtatalo sa classroom. Na naguguluhan ka sa pagtrato niya sa’yo…na wala siyang nililigawan.” Dugtong niya. Gusto kong batukan ang sarili ko. Bakit ko nga ba hindi naisip na darating ang ganitong pagkakataon? O naisip ko nga talaga pero hindi ko na binigyan ng pansin dahil masyado kong inisip ang sarili kong kaligayahan? Am I selfish? “Monica…” hinawakan ko ang kamay niya. Nilingon niya ako. She smirked. “Hayaan mo na! Bata pa naman tayo. Makakalimutan ko rin ang gagong ‘yon.” I sighed. “Chris is a good guy. Responsable at matured mag-isip.” Tumaas ang kanyang kilay sa tinuran ko. I pouted. Na-realize ko, nasabi ko ang pet name ko kay Christian sa kanya. Tumayo siya at naghugas na rin ng kamay. Sinundan ko ang bawat kilos niya. Nag-aalala ako para sa kanya at nalulungkot din. “Kaya ko nga siya nagustuhan.” Sagot niya sa akin habang nagpupunas ng kamay gamit ang kitchen tissue. “Alis na ako, Lae. Happy new year.” Tipid na ngiti niya bago ako iniwan doon. Naiwan akong mag-isa sa bahay. Hindi ko na naihatid si Monica kahit man lang sa pintuan. She served herself and went outside alone. Hindi nagtagal, dumating din si Manang Lusing. “Nakasalubong ko ‘yong kaibigan mo. Ang bilis namang umalis?” Takang sabi niya. Tumango ako. Sinulyapan ko ang mga nagawa kong shanghai, halos kalahati pa lang ang nagagawa ko pero nawalan na ako ng gana magpatuloy sa ginagawa. “Manang, okay lang po ba na iwan na kita rito? Aakyat na muna po ako sa kwarto.” Paalam ko sa kanya. Sandali niya akong tinitigan na parang naghahanap ng kasagutan sa itsura ko. Kapag kuwa’y tumango siya at hinayaan na akong makaalis doon. Tumayo na ako at tinungo ang kwarto ko sa taas. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin ni Monica pero naubos ang lakas ko. Nakakapanghina. Hindi man niya direktang sinabi sa akin, alam kong ako ang iniisip niyang dahilan kung bakit ganoon na lamang siya tanggihan ni Christian. Pasukan na ulit next week. Hindi ko tuloy alam kung paano ko pa siya pakikitunguhan. Ayoko ng ganito! Ayokong may nasasaktan ako! Ayokong may nakakasamaan ako ng loob. Gusto kong maayos lang ang lahat. Ayokong may naaagrabyado ako. Mas gusto kong ako ang nasasaktan kesa sa ibang tao. I sighed deeply. Ang hirap naman nito. Tumunog ang cellphone ko at rumehistro ang pangalan ni Christian. Hindi ko alam kung sasagutin ko iyon hindi. Pero knowing that he’s calling me at this moment, gumaan ang pakiramdam ko. I swiped the screen and answered his call. “H-Hello…” bungad ko. “Ba’t ang lungkot mo?” Marahan niyang tanong sa akin. Ba’t niya alam? Hindi ako agad sumagot. “Ang lungkot ng boses mo. May nangyari ba?” Dagdag niya. I smiled bitterly. Nakaramdam ako ng saya dahil sa concern na pinaparamdam niya sa akin. “Wala ‘to.” Tanging sagot ko. Dinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya. “Nandito ako sa ilog. Inililim ko ang mga alaga ko.” Pag-iiba niya ng usapan. “Ang init, Chris. Babantayan mo ba sila diyan?” “Nakaupo ako ngayon sa kubo namin malapit sa ilog. Dito lang muna ako sandali. Babalik na ako sa bahay pagkatapos kitang kausapin.” Nai-imagine ko ang itsura niya ngayon. Naka long sleeve siya, maong na shorts at buri hat para panangga sa sikat ng araw. Hawak niya ang lubid para igiya ang mga baka at kambing nila. Tanghaling tapat eh. Malamig man ang simoy ng hangin, mainit pa rin ang sikat ng araw kapag ganitong oras. “Eh ‘di…ibaba na natin ‘tong tawag.” Sagot ko. “Ayaw mo ba akong makausap?” Gusto. Gustung gusto. Pero hindi ko na isinatinig ‘yon. “Pasukan na next week. Magkikita na ulit tayo.” “Kaya ba ayaw mo na akong makausap ngayon dahil magkikita naman tayo sa eskwela?” I chuckled when I heard his question. He’s ridiculous. I don’t know if he really mean his question o may iba siyang gustong iparating. Tunog…nagpapalambing kasi. “Wala akong sinabi na ayaw na kitang makausap. Stop being pabebe!” Ani ko na sinundan ko ng mahinang hagikhik. Ang tagal naming nag-usap. Oras ang lumipas. Hindi kami nauubusan ng mapagkukwentuhan. Kahit nga minsan in between our talk, nagaasaran na lang kami. Nawalang parang bula ang bigat ng nararamdaman ko nang mga oras na ‘yon. Ganoon ang epekto niya sa akin. He can make things lighter kahit gaano man iyon kabigat. Pagkatapos nga ng tawag na ‘yon, ang saya saya ko. Parang wala akong pinagdaanang sama ng loob kanina. Mag-uusap na lang daw kami ulit mamayang hatinggabi dahil magiging abala siya mamaya. Hindi siya makakabisita rito dahil may duty ang ate niya ata maiiwan siyang mag-isa bahay nila. Nagkasundo kaming magsimba sa unang araw ng taon. Sa simbahan na kami nagkita. He was extra caring to me. Ramdam ko iyon sa mga kilos niya. We don’t hold hands nor touch each other while we’re outside but I can feel how he made effort for assisting me. Pagkatapos ng misa, niyaya ko siyang kumain sa bahay. He stayed there until lunch at nagpasya na ring umuwi dahil marami pa siyang gagawin. Dumating ang araw ng pasukan. Kanya-kanyang kwentuhan kung paano ginugol ng bawat isa ang yuletide break. Tawanan at malalakas na boses ang nadatnan ko sa classroom ng makarating ako roon. Sinalubong ako ng bati ni Aby. Naroon din sila Paul Luis at Joshua. I smiled and greeted them just like before. Nakakatuwa! Namiss ko ang ganito! Okay na kami ni Paul. Nag-sorry siya sa akin kahapon. Dumayo pa sa bahay para makipag-usap dahil hindi raw siya pinapatulog ng konsensya niya! Kaso pansin kong…hindi na sumasama sa amin si Monica. “Nasaan si Mon?” Takang tanong ko nang mag-recess kami sa canteen ng college department. Lumabi si Aby. “May bagong tropa. Sila Eunice!” “Yung girlfriend mo?” Baling ko kay Paul Luis. “Girlfriend mo pa ba pre?” Natatawang tanong ni Joshua. Inabot ni Aby ang ulo ni Paul para batukan siya. “Sira ulo ‘to eh! Brineak niya after ng birthday celebration niya!” Nanlalaki ang mga mata kong nilingon siya. Break agad? Hindi pa yata sila umaabot ng isang buwan ah! “Tinikman mo lang yata ‘yon eh!” Si Joshua at saka tinulak siya sa kanyang balikat. “Gagu.” Paul murmured. Marahas akong bumaling sa kanya at tinampal ang braso niya. “Joshua! Huwag kang bastos!” Saway ko sa kanya. Itinaas niya ang kamay niya na parang sumusuko. “Oops! Sorry, Lae!” Umiling ako sa kaibigan. Hindi magandang ganoon ang sinasabi nila sa mga nagiging ex girlfriends nila. May pinagsamahan pa rin sila kahit papaano. At kung may nangyari man, hindi dapat nila iyon pinag-uusapan pa. We continued eating. Ako naman ay nag-check ng cellphone. I smiled when I notice that Chris has a text on me. Christian: I hope I could eat with you, too, during our breaks. My brow shot up. Nagtipa ako ng reply. Ako: Halika rito sa college canteen. Dito kami nag-recess ng barkada. Kumagat ako ng sandwich at sandaling uminom ng juice. Tumunog ulit ang cellphone ko at nakitang siya ulit ‘yon. Christian: Tingin ka sa kanan mo. :) Mabilis pa sa alas kwatro ang paglingon ko sa kanan ko. There he is, eating with Edmund and Gil. Ngumiti siya sa akin at kinindatan ako. I pressed my lips in a thin line to suppress a smile but I failed to hide it. My heart fluttered so much. Kilig na kilig ako. Nakita kong nagtipa siya sa cellphone niya. Bumaba ang tingin ko sa cellphone na hawal ko at in-expect ang bagong mensahe galing sa kanya. Agad kong binasa ‘yon nang ma-receive ko ang text niya. Christian: Ganda mo talaga, love. Wala akong ibang naging reaksyon kundi gulat at…matinding pagkamangha sa paraan ng tawag niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD