Lae
Maingay ang mga kasama ko sa table dahil sa kwentuhan at halakhakan namin. Hindi ko muna inisip ang mga madidilim na titig na ipinupukol ni Christian sa akin. It's fun to be with my friends again after more than a week of vacation. Kaya habang nagku-kwentuhan kami, hindi ko masyadong tinitingnan ang gawi ni Chris.
Isa pa, ine-entertain naman siya ni Monica eh. Better if he'll talk to her, too. Ayos lang naman iyon sa akin. Kahit medyo nagiging touchy si Monica sa kanya, hinahayaan ko lang. Mabigat sa loob, oo, pero wala naman akong karapatang umalma.
"Hindi pa ba kayo?" Natatawang tanong ni Paul kay Monica.
Monica giggled and shook his head. Nakangiti lang akong nakatingin lang din sa kanila. I am avoiding Christian's stares kasi hindi ko kayang salubungin iyon. Para ako matutunaw.
Pero nanlaki ang mga mata ko nang isandal ni Monica ang ulo niya sa braso ni Christian, malapit sa kanyang balikat. I gulped. Doon na ako hindi mapakali. Naghanap ako ng mapagbabalingan ng atensyon dahil nararamdaman ko ang pag-init ng katawan ko.
"Hindi pa ako sinasagot, eh!" Pabirong sagot ni Mon.
I pouted. Tinuon ko ang pansin sa pagkain. Hindi ko na nga rin napansin ang lasa. Basta kinain ko na lang dahil kung walang ibang bagay na kokonsumo sa atensyon ko, baka wala akong ibang gawin sa harapan nila kundi ang mangalit sa inis.
"Mon..." narinig kong tawag ni Chris sa kanya pero hindi ko na sila nilingon.
I felt Paul's closer presence beside me. Ang kaliwang braso niya ay nakasandal sa back rest ng monoblock chair na kinauupuan ko. Katabi niya si Eunice na girlfriend niya. She's busy chatting with my friends. Pero ako, busy lang sa pagkain.
"Dahan-dahan. Mabilaukan ka diyan." Bulong ni Paul sa akin.
Maagap ang mga kilos ko. Mabilis ko siyang nilingon at saka ngumiti na parang wala akong nilalabanang bigat sa dibdib.
"Masarap kasi. Sino'ng nagluto?"
He smirked without humor. "Kami-kami lang din. Pero sa shanghai, ako ang nagprito."
Lumabi ako. "Sarap ng prito mo." I said mockingly.
Humalakhak siya. "Gusto mo pa? Paubos na ang pagkain mo." Ininguso niya ang plato ko.
Bumaba ang mga tingin ko sa plato. Hindi ko akalain na mauubos ko iyon. Halos puno ang plato ko kanina para hindi na ako babalik pa pero dahil wala akong mapagdiskitahan habang nagngingitngit kanina, naubos ko pala iyon lahat!
Ang siste, busog na ako agad.
"Dessert na lang, Paul." Sagot ko. Ayoko namang tanggihan ang birthday boy.
"Sige, ikukuha kita." Sagot niya.
I nodded and smiled a bit. Binalingan niya si Eunice at may ibinulong sa kanya. Hindi ko na inalam pa ang pag-uusap nila. Basta nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanila.
Paul stood up and went to the buffet table. Narinig ko ang pagtawag sa kanya ng mga teammates niya sa basketball. Nang makalampas, sa volleyball team naman siya nagawi. They talked for a while at maya-maya'y naghiyawan ulit!
Iniwas ko na ang mga mata ko. Good thing, Aby caught my attention. Hindi na ako mag-iisip kung ano'ng gagawin ko para lang umiwas ulit sa mainit na paninitig ng lalaking nasa harapan ko.
"Videoke tayo!" Yaya ni Joshua sa amin.
I glanced at Christian again. Nakatingin na siya ngayon kay Monica, nakikinigbsa sinasabi niya. I suddenly felt alone. Magkakasama kaming magkakaibigan pero pakiramdam ko, mag-isa lang ako.
Si Paul Luis, kasama si Eunice. Si Joshua at Aby, nag-aagawan sa mikropono ng videoke. Si Christian, nakikinig na sa mga kwento ni Monica.
Ako. Walang makausap.
Para akong naawa sa sarili ko dahil pakiramdam ko, mag-isa lang ako. Wala akong kausap. Walang pumapansin. The group of Trun kept calling my attention but I politely declined. Sandali lang akong kumaway at nangiti bago ko ibinalik ang atensyon sa mesa namin.
Nakita kong tumayo si Eunice at sumama sa grupo nila Trun. Tinawag siya ng kanyang pinsan. Hindi naputol ang tingin ko sa kanya. Ka-batch namin si Eunice pero hindi ko siya masyadong napapansin. Maliban sa nasa kabilang section siya, pansin kong hindi siya palasama sa mga kaklase niya.
Bumalik siya sa dati niyang pwesto. Sinalubong niya ako ng ngiti. Sinuklian ko iyon ng mas mainit na ngiti bago siya muling nakihalubilo sa mga kasama namin.
I bowed my head. Naa-out of place na ako sa sariling circle of friends ko. Alam kong magtatagal pa kami dahil nakikipag-inuman na si Papa at hindi ko siya pwedeng iwan dito.
“Lae, ito na.” Narinig kong sabi ni Paul at saka inilapag ang platitong may lamang graham cake.
“Thank you…” mahinang usal ko. Kahit busog ako, lalantakan ko pa rin dahil bored na ako.
Sandaling nag-usap sila Eunice at Paul. Puro bulungan. Maya-maya’y biglang naghalakhakan. Nakalabi akong pinagmamasdan sila habang sumusubo ng graham cake.
Tumaas ang kilay ko nang balingan ako ni Paul.
“Lae, pwede raw bang kunin ni Trun ang number mo?”
Nangunot ang noo ko. “Bakit daw?”
He shrugged his shoulders. “Manliligaw siguro.”
“Ayoko! ‘wag mong ibibigay!”
Sumingit si Eunice sa usapan. “Okay lang ‘yan, Lae. Mabait naman ang pinsan ko eh.”
“Oo nga. Ikaw nga lang ang walang partner rito oh?” Segunda ni Paul.
Hindi ako umimik. Nagpatuloy sila sa pagsasalita.
“Saka ayaw mo ‘yon? Crush na crush ka ni Trun! Pag niligawan ka niya, magkakaboyfriend ka na.” Si Paul ulit.
“Sige na, Lae. Number mo lang naman, eh. Ito naman.” Si Eunice habang nakangiti.
Nagbuga ako ng hangin. Ibinaba ko ang tinidor na hawak ko. Medyo iritado na sa daloy ng usapan. At talagang ipinamukha na sa akin na hindi ako pansinin ngayon dito dahil wala akong kapartner?
Ba’t ba namimilit ang mga ‘to? Hindi ko kailangan ng partner! Eh sa ayoko ngang ibigay ang number ko. Hindi ko naman gusto ‘yon. I’m just being polite that’s why I greeted them back.
Kung iba ang ibig sabihin no’n sa kanila, hindi ko na problema ‘yon!
Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa mesa ko. Tumayo ako at handa ng umalis sa table nila. Badtrip na badtrip na ako.
I know that I’m going to be rude but I just can’t take their words now.
“Alis na ako, Paul. Happy birthday na lang.” malamig kong sinabi.
Hindi ko na nilingon ang ibang kasama ko sa table, o kahit sa mga kaklase at ilang kaibigang naroon. Dire-diretso ang tingin ko sa mesa nila Papa para magpaalam.
Narinig ko ang pagpigil ni Paul sa akin. He keeps calling my name. Kahit si Christian, tinawag ang pangalan ko pero hindi ko na sila nilingon pa.
Kinalabit ko si Papa sa balikat niya kaya agaran din ang lingon niya sa direksyon ko.
“Papa, gusto ko na pong umuwi.”
Sumunod sa akin si Paul. Hinawakan niya ako sa balikat para iharap sa kanya.
“Bakit? Hindi ka ba nag-eenjoy?” Tanong ni Papa.
“Lae, sorry na.” Bulong ni Paul sa akin bago nilingon si Papa. “Uncle Henry, dito muna kayo.”
Nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko. Any moment, tutulo na ang mga luha ko. Para akong pinagkaisahan! Ano’ng tingin nila sa akin? Na gusto ko ang pambubuyo nila sa’kin sa senior na ‘yon?
Nahagip ng mga mata ko si Eunice, may kasama na siya isang babae ngayon at nagbubulungan. I saw her eyes rolled habang nagku-kwento sa babae habang ang isa, nakalabi na. Ayoko mang pangunahan, pakiramdam ko, ako ang pinag-uusapan nila.
Nakaramdam ako ng insulto nang mahuli ko ang reaksyon ng mga mukha nila. Mas nadagdagan ang kagustuhan kong umuwi na!
Umiwas ako ng tingin at muling bumaling kay Papa. I bit my lip to stop myself from talking. He’s looking at me intently. Ipinaramdam ko ang kagustuhan kong umalis na rito. Ramdam na ramdam ko na ang nanunubig na mga mata ko. Isang kurap na lang, babagsak na talaga ‘yon.
Nilingon ni Papa ang mga kainuman niya. Ngayon pa lang, magso-sorry na ako sa kanya dahil sa inaasal ko ngayon pero ayoko na talaga rito.
“Mga pare, hatid ko lang ‘tong anak ko ah!” Ininom niya ang alak na nasa baso bago siya tumayo. Dinukot niya ang susi ng motor sa bulsa ng kanyang pantalon.
“Uncle…” pigil ni Paul.
“Babalik ako ‘nak. Pangako. Mag-uusap tayo.” Sabi ni Papa kay Paul Luis.
Wala na siyang nagawa pa. Inakbayan ako ni Papa hanggang sa makalabas kami sa bakuran nila. Nakatungo lang ako nang mga oras na yon sa hiya ko na may makakitang ibang tao sa itsura.
Suminghap ako dahil medyo nahirapan sa paghinga. I didn’t notice that I was also holding my breath. Ang luhang kanina ko pa pinipigilan, tumakas na sa mga mata ko. Agad kong pinahid iyon dahil baka makita ni Papa.
Mabilis kaming nakauwi sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto. Hindi na nagtanong si Papa kung bakit ganoon na lang ang ikinilos ko. Maayos pa ako kanina bago kami pumunta roon. Excited pa nga ako dahil ako ang namili ng cake para kay Paul. Isa pa, makikita ko rin si Christian kaya nadagdagan ang eagerness ko na mag-attend sa party.
But it all ended up like I spoiled it.
After that afternoon, medyo hindi ko muna inasikaso ang mag-cellphone. Papa went back to the camp. Malungkot kaming pareho pero hindi pwedeng hindi siya bumalik roon.
Dumadagsa pa rin ang mga tawag, text, at chat ng mga kaibigan. Minsan ko lang silang sinagot dahil wala ako sa mood. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nag-overreact ba ako? Should I apologize for walking out that afternoon?
Pero I feel like I shouldn’t do it. Hindi rin sila naging sensitive sa mga binibitawan nilang salita. Masyado silang naging mapilit. Hindi nila nakitang ayaw ko talaga sa ideya nilang iyon. Why they don’t just respect it?
Nadagdagan pa ang inis ko nang mabasa ko sa newsfeed koang post ni Eunice sa f*******:.
‘Ang arte! Akala mo ang ganda ganda. Buti nga may nagkakagusto pa eh!’
I cried after reading that. Idagdag pa ang mga nabasa kong comments sa post niya. They are mocking to the person na pinaparinggan nila. I’m not an idiot. Kahit hindi siya nagbitaw ng pangalan, alam kong ako ang tinutukoy niya.
Hindi ko na lang pinatulan. Iniyak ko na lang. Ayokong may nakakaaway ako. Gusto ko lang ng maayos sa paligid ko.
Si Christian, hindi ko muna pinansin ulit. Sinagot ko lang ng minsan ang tawag niya pero alam kong ramdam niya na hindi ako okay. Bumabati siya sa akin tuwing umaga at sa pagtulog. Nagre-remind sa mga bagay-bagay. Pero kahit isa ro’n, hindi ko muna nireply-an.
Bisperas ng bagong taon, medyo busy kami sa bahay. Tanghali pa lang, hinahanda na ni Manang Lusing ang lulutuin na mga pagkain para sa Media Noche. Hindi katulad noong Christmas na bumili na lang kami ni Papa ng pagkain sa restaurant.
Kasalukuyan akong nagbabalot ng shanghai nang marinig naming may kumakatok sa gate namin.
“Manang, ako na po.” Sabi ko.
“Hindi na, ako na lang.” pigil niya sa akin at saka ako iniwan doon.
I shrugged my shoulders and continued wrapping the shanghai. Medyo natawa pa nga ako kasi hindi magkakapareho ang laki at sukat ng mga nagawa ko. Tinuruan naman ako Manang Lusing pero dahil first time ko, halos wala akong naperpekto.
Narinig ko ang yabag ng mga paa papasok sa loob ng bahay. Hindi nagtagal, narinig ko ang boses ni Manang.
“Lae, may bisita ka.” Tawag niya sa akin.
Nag-angat ako ng tingin. Papasok na sa kusina si Manang kaya lang…hindi ko inaasahan ang kasunod niya.
Si Monica.