Lae
Binundol ng kaba ang dibdib ko nang magtama ang mga mata namin ni Christian. My mind quickly think for an alibi, saying that he just went here to return a book that he borrowed to me before.
I know that I’m lying but I am not ready to let everyone know about us.
Pero bago pa ako makapagsalita, inunahan na ako ni Christian. He glanced at Paul before he speaks.
“Binista ko siya, Paul. May pinagusapan lang kami.” Aniya bago niya inilipat muli ang tingin sa akin.
“Oh?” Ramdam ko ang matinding pagtataka ni Paul sa pangungumpirma niya.
Nalipat ang mga titig ko kay Paul. Tiningnan niya rin ako bago bumaba ang mga mata niya sa hawak ko na Scrabble.
His brow arched, mukhang hindi kumbinsido sa naging sagot ng lalaking kanina ko pa kasama.
“Paul!” Sigaw ni Papa mula sa labas ng bahay.
Para akong natanggalan ng bara sa lalamunan nang nakawin ni Papa ang mapanuring atensyon niya sa amin. I glanced again at Christian. Kung kanina, may halo iyong pagaalala, ngayon, he’s smiling at me like assuring that I should be okay.
“Po?” Sagot ni Paul. Napatayo siya ng makita niyang papalapit si Papa sa amin.
Inabot niya ang isang itim na pouch. “Ibigay mo sa tatay mo. Bagong tools ng motor. Regalo ko sa kanya.”
“Uy! Thank you po!” Malapad na ngiti ang isinukli niya rito.
“Ihanda niya kamo ang mga bote ng alak niya at itutumba namin bukas!” At saka rin siya humalakhak.
“Aasahan ko po kayo ah?”
“Oo! Pupunta kami!”
Nagpalitan pa sila ng ilang biruan bago siya tuluyang nagpaalam sa amin. Hinatid siya ni Papa hanggang sa labas kung saan nakapark ang motor niya. Naiwan naman kaming dalawa ni Christian sa sala.
“Okay ka lang ba? You seem worried.” Agad kong tanong pagkatapos kong maupo sa single couch malapit sa kinauupuan niya.
Umiling siya. “Nag-alala ako sa’yo. You told me not tell anyone about us. Ayokong mangamba ka.” Sagot niya.
My lips parted. Buong akala ko kanina, ang pag-aalalang bumalatay sa mukha niya ay para sa kanya. Na baka kinakabahan siyang mabuking na wala siyang gusto sa kaibigan namin.
Pero nagkamali ako.
“Wala naman akong pakialam kung malaman nila na sa’yo ako may gusto, Lae.” Dagdag niya.
Natigil ako sa paglalatag ng mga tiles ng scrabble. Heto na naman ulit siya sa walang preno niyang bibig. I wonder how he managed to be aloof and silent in school pero kapag kaming dalawa lang, nawiwindang ako sa mga binibitawan niyang salita.
“You’re very vocal to what you feel towards me. I wonder if it’s true.” I mocked him and continued laying the tiles on the center table.
Hinablot man niya ang kaliwang kamay ko para makuha ang atensyon ko, he took it gentle and lightly. Medyo nagulat lang ako sa bilis ng kilos niya.
“Siyempre, totoo!”
Tumaas ang kilay ko. “Talaga? You’re just infatuated. Bata pa tayo, Chris. Madaling magbago ang nararamdaman natin. You may like me now but sooner or later, magsasawa ka rin.”
“Tss.” He shook his head and chuckled. “Crush na kita no’ng 1st year tayo. 3rd year na tayo ngayon, ikaw pa rin. Kaya hindi ako naniniwala diyan sa sinasabi mo.” Tahasan niyang pagtutol sa sinabi ko.
My heart tugged upon hearing his words. Hindi ko inaasahan ang lahat ng mga rebelasyon niya. I was oblivious to his presence not until he caught my attention this year. Noong…nag tie kami sa ranking.
“T-Tigilan mo nga ako, Chris. I-I don’t believe y-you…” Lumabi ako para ipakita kong hindi ako naniniwala sa kanya. Pero kaloob-looban ko, nagwawala na ang puso’t isip ko!
He had a crush on me before all these happened!
He shrugged his shoulders. “Hindi kita pipilitin pero ‘yon ang totoo.”
I sneered. “Ang daldal mo!” Nag-umpisa akong dumampot ng tiles at nag-form ng mga salita sa lalagyanan.
“Dapat ganyan ka rin kadaldal sa school!” Dagdag ko.
“Tama na ‘yong ikaw na ang madaldal sa ating dalawa.”
“Huh? Bakit?” takang tanong ko.
Inilapag niya ang mga tiles sa board kung saan siya nakabuo ng salita.
“Opposite attracts.” Kaswal na sabi niya.
Nagtama ang mga mata naming dalawa. Ngayon ko lang napansin ng malapitan ang mukha niya. Makapal ang mga kilay niya, mabilog ang mga mata na sa tuwing ngingiti, nagniningning din ang mga iyon. Ang yabang ng ilong niya dahil matangos iyon na bumagay sa korte ng kanyang mukha. At his age, nadepina na ang panga niya. He got red lips, too.
At ang pamatay na mga biloy sa magkabilang pisngi na lumilitaw kapag nangingiti siya.
Seeing all of that in front of me, hindi ko mapigilan ang kiligin. Ang hirap! Para akong mahihimatay sa bilis ng t***k ng puso ko.
Hindi ko binitawan ang mga titig ko sa kanya. Ganoon din siya sa akin. Para kaming nag- staring contest dahil kahit lumipas na ang isang minuto, walang nagbabawi ng tinginan namin.
Hanggang sa hindi ko na kinaya, bumunghalit na ako sa tawa para matapos na ang walang kakwenta-kwentang paligsahan na ‘yon! Sumabay na rin siya sa pagtawa! Ang lalaking ito, nananadya yata! Ilang beses ko siyang nahampas sa braso niya pero hindi niya iyon inindad.
“Sandali!” Hinawakan niya ako sa braso para maiharap ako sa kanya.
“Ano!” Natatawang sabi ko.
Humalakhak siya at bago pa ako nakabawi sa pagtawa, sumeryoso siya at sinabing…
“Ang ganda mo.” Aniya. “Ang ganda-ganda mo, Lae. Hindi lang sa panlabas, pati na rin sa panloob.”
I pouted so hard to hold the giddiness I feel all throughout my system! Umakyat lahat ang init ng katawan ko sa mukha and I’m sure, mukha akong kamatis sa sobrang pula ng mukha ko.
Natawa ulit siya sa itsura ko. Pinisil pisil niya ang mga pisngi ko. I let him, though. Gusto ko rin naman ang ginagawa niya.
This is one of my best days with him. Hindi ko ito makakalimutan. We were able to enjoy the whole day. Kumain, kwentuhan, at naglaro lang kami pero it was pure fun!
Nagpaalam na rin siya nang sumapit ang alas tres ng hapon. Kailangan niya na raw umuwi para asikasuhin ang mga baka at mga kambing nila. Magalang siyang nagpaalam kay Papa pero hindi ko inasahan ang ginawa niya sa bisita ko!
“Christian, pahingi ng number mo.” Ngumisi si Papa bago ako tiningnan ng nakakaloko!
“Papa!” Saway ko sa kanya.
“Sige po, Uncle.” Sagot ni Chris.
Hindi ako makapaniwala! They really exchanged numbers! Papa even called Christian’s number to make sure that it is really his.
I sighed and shook my head, feeling a bit ashame. Pero kalaunan, natawa na rin ako.
“Oh, textmate tayo ah? ‘pag nag-text o tumawag ako, sagutin mo agad ah?”
“Opo, Uncle.” Nakangiting sagot niya.
Looking at them, nakakataba ng puso. Hindi pa ako kailanman naging malapit ng ganito sa kahit kaninong lalaki. These are all new to me, and knowing that Papa is so protective towards me, malaking bagay para sa kanya na mayroong lalaking bumibisita rito sa bahay namin.
Hindi naman ako manhid pero alam kong alam niya na may pagtingin kami ni Christian sa isa’t-isa. Dinadaan niya lang sa biro ang ilang pahaging niya pero alam ko, this is his way to tell me that no matter what, we still have to take things slow.
Kinabukasan, sabay na kami ni Papa na pumunta sa bahay ng mga Vergara. Nagdala kami ng cake para kay Paul at alak naman para kay Uncle Isko.
“Happy birthday, Tisoy!” Inakbayan niya si Paul Luis at inabutan ng dalawang libo. Kitang-kita ko ang pamimilog ng mga mata niya dahil sa natanggap.
I smirked. May pang chiks na naman ang loko!
“Thank you, Uncle Henry! Galante talaga ng ninong kong ubod ng gwapo!”
Marahan niyang piningot si Paul sa tainga. He winced in pain but I know he just overreacted. Natatawa na ako sa itsura nilang dalawa. Ang kulit!
“Binola mo pa ako! ‘Yan lang ang ibibigay ko sa’yo bata ka!”
He grinned. “Kaya kita idol eh!” Natatawang sagot niya.
Iniwan na kami ni Papa ro’n. Tinungo niya ang mesa kung saan naroon sila Uncle Isko. Naroon ang ibang mga barkada nila. I smiled. Sulit na sulit ang huling araw ng bakasyon niya dahil bukas, luluwas na ulit siya pa-Mindanao.
“Oh! Cake mo! Happy birthday!” Bati ko sa kanya.
“Thanks, Lae!” Umamba siya ng yakap sa akin. I let him. Kinakapatid ko siya and it’s his birthday today.
“Tara! Samahan kitang kumuha ng pagkain mo. Doon ka na pumwesto sa table natin, nandoon na ang barkada.”
Alam kong nandito na si Christian. He texted me earlier. Dumiretso na siya rito dahil hindi rin siya magtatagal.
“Kumpleto tayo?” Paniniguro ko.
Inabutan niya ako ng kubyertos at pinggan at iginiya niya ako sa mesang punung-puno ng pagkain.
“Oo! Pati ibang classmate natin, nandoon din.” Then he crouched to reach my ear. Mukhang may ibubulong. “Pati si Eunice.”
“Bagong girlfriend mo?” I smirk.
Sumenyas siya na manahimik ako. Lalong lumapad ang ngisi ko dahil alam ko na ang ibig sabihin no’n. Humalakhak kami pareho bago kami nagtungo sa mesang tinutukoy niya.
Malayo pa lang, kitang-kita ko na ang nga kaibigan ko. Kumpleto nga kami roon. Ang ibang classmates namin, nasa kabilang mesa naman. Pati ang mga teammates ni Paul sa basketball, nasa kabilang mesa rin.
I even saw the volleyball team of our campus. Ang lawak talaga ng circle of friends ni Paul! Karamihan kasi ro’n, mga senior na namin eh.
Nang makalapit ako sa table nila, naghiyawan sila dahil naroon si Trun, ‘yong sinasabi nilang may crush sa’kin.
“Trun! Kaya pala pumayag ka kaagad sa imbitasyon ni Paul, eh!” Pang-aasar ng isang senior sa kanya. It was Keith, ang libero sa grupo nila.
Nahihiya na ako pero si Paul Luis, ang lakas ng tawa sa tabi ko. Nang-aasar ang mga halakhak niya. Kung wala lang akong hawak na plato na may lamang pagkain, baka nakatikim ulit sa akin ‘to ng sapak.
“Tumigil na kayo! Baka maasar si Lae.” Saway ni Trun sa kanila pero mas lumakas ang kantyaw at hiyaw sa aming dalawa.
Hindi ako mapakali habang binabagtas namin nag direksyon papunta sa table namin. Dinig na dinig ko pa rin kasi ang hiyawan nila tungkol sa aming dalawa.
“Hindi ko alam na close pala kayo no’n, inimbitahan mo pa rito.” I glared at him.
“Pinsan ni Eunice, eh. Papagood shot lang siyempre.”
“Tsk. Parang seryoso ka naman.” Panlilibak ko.
He smirked. “Tumigil ka nga. Kilala mo naman ako.” Saka kumindat sa akin.
Inismiran ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. Bumati rin ako sa mga kakilala namin doon. Nang marating namin ang table namin na pabilog, si Paul na ang humila sa upuan ko.
I uttered my thanks and settled in my seat immediately. Ang lapit lang ng nilakad namin pero para akong napagod. Dala siguro ng tensyon kanina sa table nila Trun. At sa pagbati namin ni Paul sa mga kakilala naroon.
Tinabihan ako ni Paul, sa kabila niya ay si Eunice. Pareho kaming 3rd year high school na pero sa kabilang section naman siya. And the rest, hindi ko pa masyadong naanigan.
Pero nang mag-angat ako para sana isa-isa silang batiin, parang kinurot ang dibdib ko sa nakita.
Sitting in front of me is Christian. On his right is Monica and on his left is Joshua. Si Aby naman ang nasa left ko.
Christian is looking at me with his dark stares. Ganito niya ako tingnan noon bago kami nagkaroon ng espesyal na ugnayan. Okay lang sana ‘yon pero habang pinapanood kong dinadaldalan siya ni Monica, I was taken a back.
Sa huli, I remained jolly and showed to them that I’m fine.