Lae
Pagkatapos ng gabing nadalaw sila Christian rito, pakiramdam ko, mas naging kumportable ako sa kanya. I can easily tell all my thoughts to him na hindi ko kailangang mangamba kung ayos lang ba iyon o hindi. Para akong nakahanap ng bestfriend sa katauhan niya and at the same time…uhm…paano ko ba sasabihin?
Idagdag pa na kilala na siya ni Papa at maayos naman silang nag-usap pagkatapos ng Pasko. Bakasyon pa rin namin. Nadalaw siya ulit dito dahil niyaya siya ni Papa. Aalis na kasi siya bago magbagong taon dahil Christmas break ang leave niya.
“Ikaw ang madalas magtrabaho sa farm niyo?” Tanong ni Papa habang nasa hapag kami, kumakain ng tanghalian.
Kaninang umaga pa siya nandito sa bahay. Maaga siyang inimbitahan ni Papa. Wala akong ideya kung ano’ng gagawin nila pero pagdating niya, puro lang sila kwentuhan.
I pouted and looked at him carefully. Magkaharap kami ngayon sa mesa. Si Papa ang nasa kabisera. Kanina, tumulong din siya sa pagluluto ng ulam. Siya ang nagsaing at…tumulong din siya sa paghihiwa ng mga karne at gulay.
“Opo, Uncle. Ako ang nagpapakain, naglilinis ng koral, at nagpapaligo sa mga alaga namin.”
Magalang niyang sagot.
I pursed my lips to suppress my smile. Uncle na rin ang tawag niya sa kanya dahil iyon na ang gusto ni Papa.
“Eh ‘di paano ‘yan ngayon? Sino’ng nag-aasikaso sa mga alaga mo? ‘Yong ate mo?”
Umiling siya. “Si Ate Lyn po sa may gulayan. Siya ang nag-aasikaso sa mga tanim. May…pinsan po akong pinagbilinan ngayon sa mga alaga ko.”
Itinuon ko ang sarili sa pagkain pero nagpatuloy ako sa pakikinig sa usapan nila. Nakakabilib. At an early age, he already knows the importance of hardwork. Marunong siya sa lahat ng gawaing bahay kahit lalaki siya. Maliban do’n, nagta-trabaho pa siya sa farm nila.
Base sa mga kwento niya, hindi siya nababakante ng oras sa kanila.
Kaya pala kapag niyayaya namin siya noon na gumawa ng school work tuwing weekends, tumatanggi siya. Minsan lang siyang sumama sa amin noong kila Paul. At kapag hindi maiwasan na kailangang magkita ng weekends, tinatapos na niya agad ang parte niya sa school at ibinibigay na lang sa amin.
He’s matured. Ang ibang mga kaedaran niyang lalaki, ang tanging naiisip lang na gawin ay maglaro sa computer shop maghapon o kaya ay puro girlfriend ang inaatupag.
I bit my lip. Nangingiti ako sa mga naiisip ko.
“Lae?” Tawag sa akin ni Papa.
Natauhan ako sa tawag niyang ‘yon sa akin. Umayos ako ng upo at tumikhim.
“Bakit po?” Bumaling ako sa kanilang dalawa.
“Ngumingiti-ngiti ka mag-isa? Namatanda ka ba?” Si Papa.
Ngumuso ako. I heard Christian’s light chuckles. Kahit ang mga halakhak niya, hindi ko kayang hindi pansinin. Ang sarap pakinggan.
“Birthday pala ni tisoy sa 28, hindi mo sinabi sa akin.”
“Opo. Pero… hindi ko alam kung pupunta ako eh?”
Bumaling siya kay Christian bago mabilis na inilipat ang tingin sa akin. “Hindi ka pupunta? Eh ipinagpapaalam ka na nga?” Sabay nguso niya sa kaharap ko.
Tumingin ako sa kanya, only to find out that he’s smirking at me now. Oh well…
“Papayag ka po?” Balik tanong ko sa ama kong naghihintay ng sasabihin ko.
Tumango siya pagkatapos lunukin ang ngininguya. “Oo, dadalaw din ako kay Isko, sa 29 ang luwas ko pabalik ng kampo, ‘nak.”
I nodded. Nag-kwentuhan pa sila ni Papa. Nang matapos kumain, nagpaalam siya para manigarilyo muna sa labas. Inihabilin na sa amin ang pag-aayos ng hapag. Sigurado akong maglalagi lang siya sa garahe para tingnan ang makina ng owner jeep.
Si Christian ang nagpresintang maghugas ng pinggan habang ako, inayos at nilinis ang mesa.
“Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Inimbitahan siya ni Papa rito pero hindi ko maintindihan kung bakit niya ito pinagtatrabaho sa bahay! Alam kong wala si Manang Lusing dito dahil nakabakasyon pero dapat kami, o ako ang nag-aasikaso sa kanya dahil bisita pa rin namin siya rito.
Nilingon niya ako habang nagbabanlaw ng pinggan sa gripo. Nakangiti siya sa akin at saka tumango.
“Oo naman! Welcome na welcome nga ako eh.”
“Sorry, ako na dapat diyan.” Ani ko.
Umiling siya. “It’s alright. Masaya akong nagagawa ko ang mga ganitong bagay sa inyo. I really feel at home.” At saka siya nangiti.
Ngumiwi ako. Dahil double bowl naman ang stainless na kitchen sink, lumapit ako sa lababo para labhan ang basahang ginamit ko sa paglinis ng mesa.
Iyon nga lang, hindi ko naiwasang magkabungguan ang braso namin ni Christian.
Napalingon ako sa kanya ng magkiskisan ang balat namin. He smiled and made a space between us. Patapos na siya sa ginagawa. Ako naman, kinukusot ang basahan para matanggal ang duming kumapit do’n.
Ininguso niya ang kamay ko. “Masusugatan ang mga daliri mo sa paraan ng pagkusot mo.” Aniya.
Tumaas ang kilay ko. “Hmm?” At saka ko inilipat ang mga mata sa kamay ko.
Nagpatuloy ako sa pagkusot. Napansin ko ang pagmamadali ni Christian sa naiwang kaldero na hinugasan niya. Matapos niyang ilagay ‘yon sa palangganita ay hinawakan niya ang magkabilang kamay kong may hawak na basahan.
Kumabog ng husto ang puso ko. It was actually our newest close interaction after what happened in the botanical garden. Nagyakapan na kami noon at nagkahawakan ng kamay pero iba ngayon! Nandito kami sa bahay. At ang kaisipang nasa garahe lang si Papa at baka biglang pumasok dito sa loob ang nagpakaba sa akin.
I blushed profusely. Hindi agad ako nakagalaw sa ginagawa ni Christian. He’s guiding me how to wash the cloth properly. Pero ang mga kamay ko, hindi ko maikilos ng maayos.
“You don’t do the laundry?” Tanong niya sa akin.
Nakaramdam ako ng hiya dahil doon. Babae ako. I am expected to know some basic household chores. Well, kaya ko naman siguro kung ako talaga ang gagawa. Pero dahil nandyan na si Manang Lusing, siya na ang gumagawa ng mga bagay na iyon dito sa bahay.
I realized at that moment, hindi pala talaga ako nagtatrabaho sa mga gawaing bahay.
“I do, but…I only wash my undergarments.” I reasoned out. It’s true. Iyon ang itinuro sa akin ni Manang Lusing. Na sa tuwing matatapos ako sa pagligo, labhan ko raw agad ang ginamit kong salawal.
Tumango siya at saka ngumiti. Siya na ang nagbanlaw sa basahan. Wala na akong ibang ginawa ro’n kundi ang tumayo na lang habang pinagmamasdan ko siya sa ginagawa. Kahit ang mga ganitong simpleng bagay, maayos niyang nagagawa. Mas nahiya ako sa sarili dahil mas maalam siya sa mga ganitong bagay.
Maybe I should start learning these things, too? Hindi ‘yong puro aral lang ang gagawin ko?
Pagkasampay niya sa basahan malapit sa lababo, nagulat ako nang isunod niyang hawakan ang mga kamay ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang pinapanood siya sa ginagawa. He pumped some handwash gel and washed my hands. Inisa-isa niyang nilinis ang mga daliri ko. Ang mga palad niyang kumiskis sa mga palad ko’y nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Parang hinahalukay ang tiyan ko! At ang tamang ritmo ng paghinga ko, napalitan ng malalim na paghugot ng hangin.
“Mauna ka na sa sala, pupunasan ko lang ang nagkalat na tubig sa lababo.” Aniya.
Siya na na rin ang nagbanlaw sa kamay ko. Wala na akong ibang gagawin kundi ang punasan na lang iyon at…hintayin na lang siya sa sala.
Pero imbes na iwan siya ro’n, naupo ako sa kalapit na dining chair. Saglit niya akong nilingon at saka nangiti.
“Ano’ng gagawin natin mamaya?” Wala sa loob kong tanong sa kanya.
“Ano ba’ng ginagawa mo kapag ganitong oras?” Balik-tanong niya sa akin habang nagpupunas ng kamay niya sa kitchen tissue.
“Madalas akong magbasa ng mga libro o kaya manood ng TV.” Sagot ko. “How about you?”
Tiningnan niya ang wall clock na nakasabit sa dining area. “Kapag ganitong oras? Pumupunta ako sa ilog malapit sa amin para ililim ang mga alaga ko.”
“Doon mo sila dinadala?” I asked curiously.
Tumango siya bago ako nilapitan.
“Maybe we’ll read later? Or watch movies?”
Nag-isip ako saglit. “May Scrabble ako. Let’s play?” Yaya ko sa kanya.
“Sige. Hihintayin kita sa sala.” Sagot niya.
I excitedly went upstairs. Medyo nataranta pa ako dahil hindi ko na alam kung saan ko naitago ang Scrabble ko. Ang tagal na kasi noong huling ginamit ko iyon. Dinadala ko iyon noon sa school dahil nilalaro namin nila Paul at Aby tuwing vacant period namin.
Nang maalala kong naitago ko iyon sa pinakamataas na bahagi ng aparador ko, agad ko iyong kinuha. Medyo maalikabok na ang board kaya pinunasan ko ng wipes. Ang mga tiles naman ay nakalagay lang sa isang pouch.
I was all smiles when I went down to join him in the sala. Pero hindi pa ako nakakababa, nangunot ang noo ko nang makita kong…hindi na nag-iisa si Christian doon.
Paul Luis was there, sitting lazilly in the single couch while using his phone. Christian was seated in the long couch, intently looking at him.
Ano’ng ginagawa niya rito?
“Oh, Paul?” Tawag ko sa kanya. Hindi nila napansin ang presensya ko.
Umayos sa pagkakaupo si Paul Luis. Nang balingan ko si Christian, tipid lang siyang nangiti sa akin.
“Uy!” Aniya at saka nangiti ng maluwag.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” Takang tanong ko sa kanya.
“Ano, iimbitahan kita para bukas. Birthday ko! Punta kayo ni Uncle Henry!” Tiningnan din niya si Christian. “Pumunta ka rin ‘tol ah! Sama mo si Monica.” Tinapik niya ang balikat nito at bahagyang itinulak, inaasar sa babaeng ilang linggo ring hindi dumaan sa isip ko.
Oo nga pala, ang alam nila’y si Monica talaga ang nililigawan niya. Ang talagang gusto niya.
Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib. Ang tagal ko ring nakalimutan ang tungkol doon. I was only preoccupied by Christian. Masyado akong masaya nitong mga nakaraan dahil sa kanya. Pakiramdam ko nga, sa mga nagdaang araw, sa kanya lang talaga umikot ang buong atensyon ko.
Christian smirked at him without humor at saka umiling. Tiningnan niya ang reaksyon ko. He looked worried. Pero ako, hindi ko alam ang ire-react do’n.
Kaso nang muling magsalita si Paul, mas nanlamig ako. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko kaya nang tanungin niya si Chris, hindi ako agad nakasagot.
“Eh ikaw Christian? Ano’ng ginagawa mo rito?” Takang tanong ni Paul Luis.
Nagtama ang tingin naming dalawa ni Christian. I gulped hard and I’m out of words.