CHAPTER 24

1831 Words
Lae Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He’s looking at me intently. Tila inoobserbahan ang magiging reaksyon ko sa kanyang regalo. “Bakit ‘calm’?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. Sinagot niya ako nang hindi napuputol ang tingin niya sa akin. “Christian. Anthony. Lae. Margarette.” Tanging sagot niya. Agad kong nakuha ang ibiga niyang sabihin. Our initials. Nakabuo ng isang salitang tingin ko’y espesyal sa kanya. “Bakit? Ako ba ang nagpapakalma sa’yo?” Tudyo ko. He smirked bowed down his head for a while. I chuckled and saw him looked up at me again. Lumitaw ang mga biloy niya sa kanyang pisngi nang ngumiti siya sa akin. “You’ll know soon.” Sagot niya at inabot sa akin ang bracelet na hawak ko. Marahan niyang hinila ang kaliwang kamay ko. Hindi siya nangahas na tumayo para tumabi sa akin. Sa pagitan ng distansya naming dalawa ay may isang maliit na lamesita. Kaya nang hindi niya ako maabot ng husto, tumayo siya roon at saka mabilis na isinuot sa akin ang bracelet. Itinaas ko ang bisig ko para tingnan iyon. It fit perfectly on my hand. Isang simpleng silver chain bracelet na may nakakabit na letra sa gitna nito. Naalala ko ang keychain na nakita ko sa bulsa ng sweater niya noon. ‘Calm’ din ang salitang naka-customized doon. Ganoon din ba ang ibig sabihin no’n? Pumasok si Ate Lyn sa loob ng bahay. Nadatnan niya kaming ganoon ang ayos. Ngumiti siya sa akin bago inilipat ang mga tingin sa kapatid. “Ton, kailangan na nating umuwi. Papunta na sa bahay si Ronald. Sa atin daw siya magpapasko.” Tuluyan na akong napatayo dahil anumang oras ay aalis na sila. Tumuwid din sa pagkakatayo si Christian at tumango lang sa ate niya. “Salamat pala sa paganyaya niyo sa amin ah?” Ani Ate Lyn. Ngumiti ako at saka tumango. “Salamat din po sa pagpunta, Ate Lyn.” Mahina siyang humalakhak. “Madalas kang ikwento ng kapatid ko kaya—-“ “Ate!” Saway ni Christian sa kanya. I looked at him with so much amusement. Kanian, sobrang tapang niya nang sagutin niya si Papa ng ganoon. Sa edad namin, pakiramdam ko, walang lalaking maglalakas ng loob na sumagot ng ganoon sa magulang ng nagugustuhan nila. Ang iba pa nga’y patago pang nakikipagrelasyon. Pero siya, hindi ko naman pinayagang manligaw pero malakas pa rin ang loob na humarap kay Papa. But looking at him now, nahihiya siyang ibuking ng ate niya! Nagpatuloy si Ate Lyn. “Alam mo ba Lae, nag-aral ng husto ito para mapantayan ka’t mapansin—-“ Pinutol ulit siya ni Christian. “Ate naman…baka ‘di na niya ako kausapin.” Ate Lyn smirked and shook her head once. Hindi na nga niya tinapos pa ang sasabihin at sa huling pagkakataon, magalang siyang nagpaalam sa akin. “Ay sandali! May ibibigay din ako sa’yo!” Pigil ko sa kanila nang maalala ang regalong binili ko para sa kanya. Mabilis akong pumanhik paakyat sa kwarto ko. Narinig ko ang pahabol na bilin ni Christian na mag-ingat sa hagdanan pero hindi ko na iyon pinansin pa. I know that Papa’s talking to someone sa may balkonahe. Hindi ko lang kilala kung sino. Dahil sa pagmamadali, pabalya kong binuksan ang pintuan ko para kunin ang regalo. Paglabas ko, hindi ko man sinasadya, dahil sa medyo napalakas ang boses ni Papa, ay narinig ko ang sinabi niya sa kanyang kausap sa kabilang linya. “Maawa ka naman, Marga! Bumalik ka na sa amin. Kahit hindi na para sa akin, para man lang sa anak mo! Lumalaki siyang walang kinikilalang ina!” Mariin at galit na pagkakasabi ni Papa sa kausap sa cellphone. Sandali ako natuod sa kinatatayuan. Nakaharap si Papa sa barandilya kaya hindi niya ako nakikita mula rito. Nagkakausap sila ni Mama? Wala siyang nababanggit sa akin. Simula nang magkaisip ako, hindi ko kailanman nakita ni ang anino niya. Si Aling Lusing na nga ang kinalakihan kong parang ‘ina’ ko eh. Kaya…ang marinig na kausap siya ngayon ni Papa at nagmamakaawang bumalik na sa amin ay nakakapag-init ng ulo. Hindi ko naman siya hinahanap ah? Mas gusto kong si Papa na lang ang kasama ko. Kahit nasa malayo siya palagi, alam kong hindi niya ako iiwan. Tawag lang ng trabaho kaya napipilitan siyang mawalay sa akin. Eh si Mama? Sumama sa iba. I shook my head. Paskong-pasko ay ganito ang naiisip ko. Kailangan kong iwaksi ito sa isip ko. Ayokong magkaroon ng sama ng loob. I should be happy now. Kasama ko ngayon ang mga taong nagpapasaya sa akin. Nilapitan ko si Papa at nagkunwaring hindi ko narinig ang sinabi. Patay malisya ko siyang tinawag mula sa kinatatayuan ko. “Papa!” Natigil siya sa pakikipag-usap at nilingon ako habang ang cellphone na hawak niya’y nanatili sa tenga niya. “Bakit ‘nak?” Tumaas ang isang kilay niya. “Uhm…aalis na po sila Christian.” “Oh sige sige, sabay na tayong bumaba.” Mabilis siyang nagpaalam sa kausap bago pinatay ang linya ng tawag sa cellphone niya. Isinuksok niya iyon sa kanyang pantalon at nakangiting lumapit sa akin. “Naku naman ang anak ko, may paregalo pa! Ako yata ang nagbayad diyan eh!” Biro niya sa akin habang pababa kami sa hagdan. Hindi ko na iyon naitago sa kanya. Humalakhak na lang ako at inipit ang takas na buhok sa likod ng tenga ko. “Hindi kaya! Galing po ‘to sa allowance ko…” tanggi ko. “Na ako ang nagbigay?” Tudyo niya. Ngumuso ako dahil hindi ko mapigilan ang pagtawa. Aminado naman ako ro’n. Ang ipinambili ko rito ay ang mga naitabi kong sobra sa mga ibinibigay niya na baon ko. Kalaunan, sabay na kaming humalakhak dahil sa biro niyang iyon. Nang makarating kami sa sala, kumawala ako sa akbay ni Papa para lapitan si Christian. Inabot ko sa kanya ang regalo ko. Agad niya iyong tinanggap. “Merry Christmas!” Bati ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at saka muling tiningnan ang regalo ko. Hindi niya na iyon binuksan pa dahil paalis na sila. Bahagya niya iyong inangat sa ere at ngumisi. “Thank you! Sa bahay ko na bubuksan.” Aniya. Tumango ako. Nagpaalam sila at nagpasalamat sa amin. Hinatid namin sila sa gate. May lalaking naghihintay sa kanila. Naka-tricycle. Tinawag ni Ate Lyn ang driver na ‘Ronald’. Mukhang siya ang kausap nito sa cellphone kanina. Nagsimula na rin kaming nagligpit ni Papa. Ako ang naghugas ng mga nagamit na plato at kubyertos habang si Papa ang nag-ayos ng mga tirang pagkain sa mesa. Siya na rin ang naglinis do’n. Halos sabay kaming natapos sa pag-aayos. Pero nang akala kong matutulog na rin siya, hindi pa pala. Kumuha siya ng dalawang bote ng beer sa loob ng ref at inilapag iyon sa mesa. “Magpahinga ka na, Lae. Magpapaantok lang ako anak.” Aniya at binuksan ang isang bote gamit ang cap opener. Ngumuso ako. “Sabi mo, pagod ka na.” Maraha niyang natawa sa sinabi ko kaya inabot niya ang ilong ko para pisilin iyon. I cringed my nose because he’s always doing that to me. “Huwag ka na mag-alala, susunod na ako sa taas.” Tumango ako. “Okay.” Lumapit ako sa kanya para yumakap. “Merry Christmas, Papa.” Mahinang bati ko sa kanya. Niyakap niya ako’t hiangod ang aking likod. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking sentido. Gusto kong maiyak! We became sentimental again, na hindi naman namin madalas gawin. “Merry Christmas din anak. Mahal na mahal ka ni Papa.” Bulong niya sa akin. May tumulong ilang patak ng luha sa magkabilang pisngi ko. Hindi ko iyon pinunasan. Pero naramdaman niya ang bahagyang pagsinghot ko kaya bahagya niya akong inilayo sa kanya at kalaunan at bumitaw na sa pagkakayakap niya sa akin. “Huwag ka na ngang umiyak ‘nak. Baka mahawa ako.” Medyo garalgal ang boses niya. Tumawa akonat sinikap na hindi na maiyak ng tuluyan. I saw that he’s teary eyed already. Mukhang nadala sa emosyong pinagsaluhan naming dalawa. “Akyat ka na!” Pagtataboy niya. Pinatikod niya ako at hinawakan sa magkabila kong braso. Naglalakad kaming pareho habang tulak niya ako’t nakarating kami sa hagdan. “Matulog ka na! Tama na ‘yang text text! Mag-good night ka na sa lalaking ‘yon! Sabihin mo bukas na lang ulit!” I chuckled. Pumanhik ako ng dalawang hakbang bago ko siya muling nilingon. “‘Pa, okay lang ba sa’yo ‘yon?” Nakakalokong ngiti na sabi ko. Nagsalubong ang kanyang dalawang kilay. “Ang alin?” “Yung…pagpunta niya rito.” He smirked. “Pabalikin mo rito’t hindi ko nakilatis ng husto ang lalaking ‘yon! May dalang magandang back-up eh!” Ako naman ngayon ang nagsungit sa kanya. “Papa ah!” Hindi ko naman siya pinagbabawalan na magkaroon ng ibang karelasyon. Ang dami ko ngang nahuhuli sa cellphone niya. Puro mga chiks niya! Pero siyempre, hindi ko hahayaan na pati si Ate Lyn, popormahan niya! “Huwag kang mag-alala, hindi ko liligawan ‘yon. Magiging manugang ko ang kapatid niya eh.” Ngumisi siya. Namula nang husto ang magkabilang pisngi ko na lalo niyang ikinatawa. Masyado siyang advance mag-isip! Hindi ko pa naman boyfriend si Christian pero kung makapagsalita siya, parang siguradong-sigurado siyang siya na ang mapapangasawa ko. Lumabi ako sa kanya bago siya iwan doon. Dinig ko pa rin ang halakhak niya mula sa lugar kung saan ko siya iniwan. Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ko, agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko para tawagan si Christian. Ilang ring lang at agad siyang sumagot. “Hinihintay ko ang tawag mo eh.” Aniya. Naupo ako sa gilid ng kama. Nangingiti dahil narinig ko na naman ang boses niya. “Nag-ayos pa kasi kami ni Papa.” “It’s alright. Alam kong gagawin mo ‘yon dahil wala si Manang Lusing.” I chuckled. Sinulyapan ko ang bracelet na bigay niya sa akin. Hindi ko iyon hinubad kahit na naghugas ako ng pinggan. Hindi naman iyon masisira eh. “Thank you for this wonderful gift, Chris. I will take care of it.” I whispered. Sandali siyang natahimik. Dinig ko sa kabilang linya ang rahan ng kanyang paghinga. “I’ll take care of you, too.” Sandali akong natawa dahil hindi ko alam ang ire-react. Masyado akong kinikilig sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung ko iyon ilulugar. “Seryoso ako.” Aniya. Yeah, I can feel his seriousness in his voice. Tumigil ako sa pagtawa at tumikhim. Walang namutawi na mga salita sa bibig ko kaya muli siyang nagsalita. “Will you take care of me, too?” He said in his raspy voice. Nadadala ako sa rahan at lalim ng boses niya. Para akong nilalambing sa paraan mg pagbigkas ng bawat salitang binibitawan niya. “Of course. I’ll take care of you, too.” Walang pagdududang sagot ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD