Lae
Christian:
Lae, nasaan ka?
Agad kong binasa ang text niya habang kumakain kami sa mesa. Kasalukuyan na kaming nagno-Noche Buena. Alam kong tapos na ang misa dahil marami nang sasakyan at mga taong naglalakad sa kalsada.
Patago akong nagtipa ng reply.
Ako:
Nasa dining, Chris. Kumakain kami.
“Lae…puro ka text. Kumain ka muna.” Saway sa akin ni Papa.
“Opo…” mahinang sagot ko bago ko itinago ang cellphone sa bulsa ko.
Kaso wala pang isang minuto, naramdaman ko ulit ang pag-vibrate ng cellphone ko. Sinulyapan ko si Papa. Kasalukuyan na siyang kumakain ng panghimagas. Habang ako, hindi pa nangangalahati sa ulam na kinuha ko.
Kakareply ko kasi kay Christian, eh!
Nang tumayo si Papa para kumuha ng tubig sa dispenser, mabilis pa sa alas kwatro ang naging kilos ko. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang cellphone ko para basahin ang text na natanggap. Dahil sa pagmamadali, hindi ako agad nakapag-isip ng ire-reply ng mabasa ko ang text niya.
Christian:
Sige, kakatok na lang ako para makapagmano rin ako sa Papa mo.
Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa iyon. Mabilis kong sinulyapan si Papa. Kasalukuyan sniyang iniinom ang tubig na sinalok niya sa dispenser. Saktong pagkaubos ng tubig na iniinom niya ay narinig ko ang boses ni Christian sa may gate!
“Tao po…” sabay ng pagtunog ng gate namin na yari sa bakal.
Marahas akong napalingon sa direksyon kung saan galing ang boses niya. I gulped nervously. Hindi ako nakakilos agad dahil sa matinding kaba na nararamdaman. Ang lakas ng t***k ng puso ko, na para akong nabibingi dahil iyon na lang ang naririnig ko.
Hindi pa ako kailanman kinabahan ng ganito sa tanang buhay ko!
Muli siyang tumawag, pero sa pagkakataon na iyon, sinambit niya na ang pangalan ko.
“Tao po! Lae!” Ulit niya.
“Sino ‘yon?” Takang tanong ni Papa.
Mabilis din akong lumingon kay Papa. Mabilis akong tumayo kahit na nanlalambot ang mga tuhod ko.
“T-T-Titignan ko p-po!” Nauutal na sagot ko sa kanya.
Tumaas ang kilay niya, tila natatawa sa paraan ng pagsagot ko.
“Sige ‘nak at baka mga kaibigan mo ‘yan.” Pagpayag niya.
Halos takbuhin ko ang pintuan palabas para marating ko kaagad ang gate. Pagbukas ko sa screen door, agad kong nakita si Christian. Nakaputing polo shirt at maong na pantalon. Tinernuhan niya iyon ng itim na chuck norris sneakers, his typical attire.
May kasama siyang babae. Mas matangkad sa kanya iyon. Matangkad na si Christian pero mas matangkad sa kanya ang babae. Ito na siguro yung tinutukoy niyang ate niya.
“Lae!” Tawag niya sa akin habang maluwang na nakangiti. Nagawa pa niyang kumaway gamit ang kanang kamay niya habang sa kaliwa ay mag bitbit siyang maliit na paper bag na gawa sa gift wrap.
Gumanti ako ng ngiti sa kanya. Parang nalusaw ang kabang nararamdaman ko kanina sa loob at napalitan ng kakaibang pakiramdam.
Napalitan iyon ng sobrang tuwa! Ng sobrang kagalakan!
Patakbo kong tinungo ang gate para pagbuksan sila roon. Sinulyapan ko rin ang ate niyang maluwang din ang ngiti sa akin.
“Magandang gabi, Lae…” magalang na bati sa akin ng babae.
Malugod akong ngumiti at saka tumango. “Good evening din po.”
“Lae, si Ate Lyn. Nakakatandang kapatid ko.” Pakilala ni Christian sa kanya.
Naibukas ko na ang gate. Hindi ako sigurado kung yayayain ko silang papasukin dahil ang usapan lang naman namin ni Christian ay ibibigay niya lang ang regalo niya. Pero nakakahiya naman kung hindi ko sila alukin na pumasok roon. Marami naman kami naihanda, pwede ko silang yayain para saluhan kami.
O baka may sarili rin silang handa sa kanila?
Hindi ako sanay mamisita kaya ganito na lang ako mag-isip.
“Lae?” Tawag sa akin ni Papa mula sa likuran ko.
In a snap of a finger, muling dinagan ng matinding kaba ang dibdib ko. Dumoble iyon dahil kung kanina, boses lang ni Christian ang narinig niya, ngayon ay makakaharap niya na ulit ito.
Binalingan ko siya. “P-Papa…” sagot ko.
His brows shot up. Sinilip niya kung sino ang mga kausap ko. Nang hindi niya mamukhaan kung sino sila, unti-unti siyang lumapit sa amin.
Malamig ang panahon pero butil-butil ang pawis ko. Humigpit ang kapit ko sa bakal na gate. I gulped. Ibinalik ko ang tingin sa mga bisita ko’t nadatnan kong nakatingin sila pareho kay Papa. Ate Lyn has a ghost of smile on her face while Christian is looking at him with so much respect.
“Good evening po, Sir.” Naunang bumati si Christian, sinegundahan siya ni Ate Lyn at bahagyang tumango kay Papa.
My father, being so friendly and hospitable, kahit hindi niya kakilala, ay malugod na gumanti ng ngiti at tumango sa kanilang dalawa.
“Good evening! Good evening! Pasok kayo!” Pagyaya ni Papa sa kanila at saka ako binalingan. “Lae, yayain mo ang mga bisita mo sa loob!”
Sa ikinilos niyang iyon, nabawasan ang kabang nararamdaman ko. Nabaling ang atensyon ko sa pagaasikaso sa kanilang dalawa. Niyaya ko rin silang pumasok pero magalang na tumanggi si Ate Lyn.
“Naku, Sir. Hindi na po.” She waved her hand. “Sinamahan ko lang ang kapatid ko para tingnan si Lae.”
Papa pursed his lips to hide a ghost of smile in his face but he failed…and looked at me teasingly.
“Ah! Hindi! Pasok kayo. Naghanda kami ng kaunti. Saluhan niyo kami.” He insisted. Si Christian ngayon ang binalingan niya. “Hindi ba’t ikaw ‘yong katext ng anak ko? Yayain mo ang ate mo! Matutuwa nang husto itong anak ko.” Sabay akbay ni Papa sa akin.
Gusto kong lumubog sa hiya! Lalo na nang marinig ko ang mahinang tawa ni Ate Lyn at ang nakakalokong ngiti ni Christian. Gusto kong kurutin si Papa para sawayin siya pero kung gagawin ko ‘yon, lalo nilang iisipin na guilty ako sa sinabi niya.
“Kilig na kilig nga ito kaninang habang nirereply-an ka eh!”
Hindi ko na kinaya! I glared at him and called his attention.
“Papa.”
He chuckled and toussled my hair. Wala akong nagawa kundi magsimangot na lang habang inaayos ang buhok ko. Maingat ko tong sinuklay kanina, eh!
Tuluyan nang pumasok ang mga bisita ko sa muling pagyaya ni Papa sa kanila. Iginiya namin sila sa dining table at agad ko silang inasikaso. Kumuha ako ng bagong plato at kubyertos para sa kanilang dalawa. Si Papa naman, nag-refill ng kanin.
I can feel Christian’s intense stares at me. Medyo naiilang ako sa mga kilos ko dahil sa akin lang siya nakatingin. I tried my best to hide my nervousness by smiling at them, kahit na nanginginig din ang mga labi ko.
I felt giddy and nervous at the same time. My insides are losing already.
Masaya ako, masayang masaya! I can’t remember how happy I am like this before.
Medyo nanginig ang kamay ko nang ilapag ang plato at kubyertos sa harap ni Christian. He smiled at me and thanked me. Tumikhim lang ako at nangiti sa kanya. Ganoon din ang ginawa ko kay Ate Lyn. She smiled and uttered her thanks.
Kaso nang mabalik ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko, he smiled and whispered my name.
“Lae.”
“Hm?”
He mouthed something…that took my breath away for seconds.
“Ang ganda mo.” Then he smiled.
Hindi iyon nakatakas sa pandinig ko. He whispered it to me. Kahit sa katabi niyang si Ate Lyn, namamanghang nilingon ang kapatid. Binalingan ko na rin siya at mahinang siniko ang kapatid.
“Umayos ka Ton, marinig ka ng Papa niya.” Pinandilatan siya nito. When she looked at me, she sniled at me apologetically.
“Hindi ko lang napigilan.” Sagot nito sa kanya.
Iniwan ko sila roon saglit para magtimpla ulit ng juice. Nagsimula na silang kumain. Si Papa naman, nagtimpla ng kape niya at muling bumalik sa kinauupuan kanina. Kumuha siya ng platito at kumuha ng bibingka.
“Hindi sinabi ni Lae na pupunta kayo rito. Kung alam ko lang, nagdagdag pa ako ng ihahain. Hindi madalas tumanggap ng bisita itong anak ko eh.” He chuckled.
Inilapag ko ang pitcher na may lamang juice sa mesa. Kumuha ako ng dalawang baso at nagsalin ng juice roon bago ko inilapag malapit sa mga plato nila.
Sinaluhan ko rin sila roon. Umupo ako sa tapat ni Christian. Sandaling nagtama ang mga mata namin at nagpalitan ng ngiti.
My heart is literally booming from the inside. Kabang-kaba ako sa mga nangyayari. Ito ‘yong klase ng kaba na may halong kasiyahan. Imagine, kasalo namin siya ngayon sa Noche Buena!
Ang plano lang namin, sandaling pagkikita lang para iabot ang regalo namin sa isa’t-isa at saka aalis na agad pero umabot kami sa ganito.
My heart and mind are in cloud nine. This is our first Christmas, together as…
Hmm. Ano ba kami?
Hindi bale, saka ko na lang iisipin iyon.
“Hindi po, Sir. Galing po kami sa simbahan. Dadaan lang po sana ako rito para iabot ang regalo ko kay Lae bago umuwi at…” he gulped and looked at me. “Susulyap na rin po sana sa kanya…” Walang prenong sagot ni Christian.
Naubo si Ate Lyn pagkatapos sabihin iyon ni Christian. Nag-alala kami’t dinaluhan siya. Agad niyang ininom ang juice na inihain ko kanina at sunud-sunod na lagok ang ginawa ng ate niya.
I leered at her brother. A ghost of smile is hiding on his face. Pasimple ko siyang pinandilatan para sawayin but he only winked at me.
Eto na naman! Humahampas na naman ang puso kong kabado.
I settled on my seat again after seeing Ate Lyn that she’s fine now.
“Okay lang po ako. Okay lang po.” She assured us before clearing her throat again. She glanced at his brother, the same way I did to him but he just ignored her.
Malakas na humalakhak si Papa sa tinuran niya. His laugh roared around the house. Habang ako, nakatungo lang habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. Hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko pero naghahari ang hiya sa buong sistema ko.
“Ano nga ulit ang pangalan mo?” Tanong ni Papa sa kanya.
“Christian Anthony Ponferrada po. Siya po ang Ate Lyn ko.” Pakilala nito sa kanyang ate.
Tumango siya. Ang bakas ng malakas na pagtawa niya ay nanatili sa kanyang mukha. Naiiling siya habang nangingiti. His stares never leave at the guy in front of me.
“Nanliligaw ka ba sa anak ko?”
“Hindi po, Sir.” Maagap na sagot niya. “Hindi po pumayag si Lae na manligaw ako.”
He’s so brave answering my father like that! Hindi ko alam kung saan humuhugot ng lakas ng loob ang lalaking ito pero…walangya, kinikilig ako!
“Hindi ko muna talaga pinapaligawan ito!” At saka ngumisi. Inabot niya ako at saka marahang pinisil ang matabang pisngi ko.
“Papa…” I called at him and pouted.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Sandali kaming nagkwentuhan. Napagalaman kong lady guard pala sa isang department store sa kalapit na siyudad si Ate Lyn. Ang mga magulang nila ay maagang namayapa dahil sa isang aksidente. Simula noon, si Ate Lyn ang tumustos sa lahat. Ang maliit na farm na naiwan ng kanilang mga magulang ay pinagtutulungan nilang asikasuhin.
Kaya naman pala hindi madalas pumayag si Christian sa mga school works ‘pag weekends dahil abala siya sa farm nila. Dahil na rin siguro sa moreno ang kutis niya, hindi tulad sa kanyang ate na medyo may kaputian.
Matapos naming kumain, nagtungo kami sa sala para makapagpahinga. We offered them coffee but they politely refused. Nagpaalam si Papa sa amin nang may tumawag sa kanya sa cellphone. Ganoon din si Ate Lyn, lumabas sandali sa bahay dahil tumawag ang kanyang boyfriend.
Naiwan kaming dalawa ni Christian sa sala. Magkatapat lang kami pero halos hindi kami nag-iimikan. Kapag titingna ko siya, iniiwas niya ang kanyang tingin at kapag siya naman ang titingin sa akin, ako naman ang iiwas.
Oh? Ano’ng nangyari sa tapang niya? Ba’t umiiwas siya ngayon?
“Kung anu-anong sinasabi mo kanina sa hapag.” Panimula ko. Hindi naman ako galit. Hinahamon ko lang ulit siya dahil hindi siya umiimik ngayon.
Tuluyan niyang hinuli ang mga tingin ko. He smiled at me. Inabot niya ang regalo niya para sa akin.
“Merry Christmas, Lae.”
Nalipat ang tingin ko sa paper bag na gawa sa gift wrap. Dahan-dahan kong inabot iyon. Medyo mabigat at…parang maliit na kahon ang laman.
“Hindi mamahalin pero pinag-ipunan ko. I hoe you like it.” Dagdag niya.
Maingat pero excited kong binuksan iyon. Tama ang hula ko. Isang parihabang box na kulay brown ang laman no’n.
Nang buksan ko iyon, napaawang ang mga labi ko. Marahan ko iyong tinanggal sa box nito at itinaas sa ere, enough to look at it intently.
It’s a silver bracelet with letters on it saying ‘Calm’.