Lae
"Kwentuhan mo nga ako tungkol do'n!" Sabi ni Papa habang kumakain kami sa isang buffet restaurant sa mall.
Kanina pa niya kinukulit tungkol kay Christian. Kapag wala na kaming ibang mapag-usapan, uulitin na naman niya ang mga tanong niya tungkol sa kanya. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa na sa daloy ng usapan namin. Baka mamaya, 'pag may nalaman siya, kagalitan niya ako.
"Bakit siya lagi ang tinatanong mo? Ako ang anak mo, 'Pa!" Pabiro kong sagot sa kanya.
"Nanliligaw ba sa'yo?"
"Hindi po." Kasi 'yon naman ang totoo.
"Hindi nanliligaw sa'yo pero boyfriend mo na?"
Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan siya at makailang ulit akong umiling! Saan niya nakuha ang ideyang 'yon?!
"Hindi ko po siya boyfriend, Papa!" Mariin kong sabi.
He sneered at me. Pinanindigan ko ang mga sagot ko dahil wala naman sa mga sinabi niya ang totoo.
Pagkatapos naming kumain, niyaya niya akong manood ng sine. Action movie ang gusto niya pero comedy naman ang gusto ko. Kung hindi lang malapit na mag-umpisa ang movie, hindi pa kami magde-desisyon kung ano talaga ang papanoorin namin.
"Ganito na lang po, 'Pa. Manood ka sa gusto mong movie, panonoorin ko ang gusto ko." I suggested.
Nangunot ang noo niya. "Maghihiwalay tayo?"
I nodded. "Opo! Para—-"
"Hindi na! Doon na tayo sa gusto mong pelikula! Baka tabihan ka pa ng m******s sa loob ng sinehan." At saka ako iniwan sa may posters para pumila.
I shook my head. Papa has always been protective to me. Hindi man niya ako pinagbabawalan sa mga bagay na gusto kong gawin, alam naman niya kung ano ang tingin niya'y makakabuti sa akin.
Hindi rin naman siya na-bored sa pinili kong pelikula dahil nag-enjoy kami sa panonood. Akala ko, tutulugan niya lang 'yong movie pero hindi ko alam na magugustuhan niya iyon.
After watching, niyaya pa niya ako sa department store para mamili raw ng mga bagong damit at kaunting gamit. Hindi naman ako tatanggi roon. Gusto ko rin ng mga bagong damit pero hindi ako bibili ng marami, dalawang pares, okay na siguro sa akin 'yon.
"Bili ka rin ng sapatos mo, 'nak!" Alok niya habang papalapit kami sa shoe section.
"Tss marami pa akong sapatos, Papa."
"Eh, 'di dagdagan mo." Lumapit siya sa isang brand ng sneakers at nagsimulang tumingin tingin doon.
Naupo ako sa upuang bakante kung saan nauupo 'yong mga nagsusukat ng sapatos. Naalala ko si Christian. Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ng bag ko at chineck kung mayroon siyang text.
I received three messages from him.
Christian:
Enjoy your day with your Papa.
I scrolled down to read more of his messages.
Christian:
Kakain na kami ng lunch. Diyan na rin ba kayo kakain?
Christian:
Text me when you get home. Okay? Huwag ka munang magreply kung kasama mo pa ang Papa mo. Enjoy your day with him.
I smiled. Binalik ko ang cellphone sa bag ko pagkatapos kong mabasa ang lahat ng text niya. Mamaya ko na siya rereply-an. Baka 'pag nagtext na ako ay hindi na kami magtigil sa pagreply sa isa't-isa.
Ang siste, dahil hindi na ako nagpabili ng sapatos, naglibot na lang kami sa men's section. Sinamahan ko siyang pumili ng mga gamit niya. Nasa underwear section na siya habang ako, sumusunod lang sa kanya.
Napadpad ako sa mga naka-display na panyo na panlalaki. Ang gaganda! I suddenly remembered Christian again? Bilhan ko kaya siya? Christmas gift?
I chuckled inwardly. May gift na ako sa kanyang plush octopus eh! Tapos, nagbabalak pa akong bilhan siya ng panyo.
Pero...gusto ko talaga siyang regaluhan ng panyo.
I checked the price. Ang presyo ng tatlong pirasong Armando Carruso na panyo ay pasok sa inipon kong allowance. The hankies have a variety of designs but the main color is blue. May stripes, at dalawang plain. Magkakaiba nga lang ng shades.
Kinuha ko iyon at inilagay sa cart na bitbit ko. Ipapabalot ko mamaya sa counter ng pang Christmas wrapper. I smiled at that thought.
Nag-grocery pa kami ni Papa saglit. Medyo nakakapagod dahil hapon na kami nang makauwi. Bibili na lang daw kami sa restaurant ng mga pang noche buena dahil gahol na sa oras kung magluluto pa.
“Papa, akyat lang po ako sa taas.” Paalam ko sa kanya nang makapasok na kami sa bahay.
Excited na akong mag-ayos ng mga gamit na napamili. Magsha-shower pa ako para makapamalit. At…kakausapin ko pa si Christian.
Halos hindi ko siya nakausap buong araw. Pakiramdam ko, hindi na buo ang araw ko kapag hindi ko siya nakakausap.
I took my phone and texted him.
Ako:
Nakauwi na kami. :)
Nakangiti pa ako na parang tanga habang tinitingnan kong nagse-send na ang text ko sa kanya. Hindi ko binitawan ‘yon kahit habang naghahalungkat na ako ng damit pambahay.
Mabilis lahat ang kilos ko dahil gusto kong makareply sa kanya agad. Ganoon ako ka-excited kausapin siya. Ganito ako…kahumaling sa atensyong binibigay niya sa akin.
Agad kong binuksan ang mensahe niya ilang segundo matapos tumunog ang cellphone ko.
Christian:
Mabuti kung ganon. Magpahinga ka na. Kumain ka na ba?
I bit my lower lip to suppress a wide smile but I failed. Hindi nakatakas ang maluwang na ngiti sa mga labi ko. My stomach is churning because of his thoughtfulness.
Ayoko nang matapos ang pakiramdam na ‘to!
Ako:
Tapos na kami ni Papa. Mamayang hatinggabi ulit para sa Noche Buena. Magsisimba ka ba mamaya?
Christian:
Oo. See you?
Nabuhayan ako sa nabasa ko! Pwede kaming magkita ngayon sa simbahan! Pwede ring…magkatabi sa upuan!
Excited akong nagtipa ng reply para sa kanya.
Ako:
Magsisimba rin ako. See you! :)
“Lae!” Sigaw ni Papa mula sa ibaba ng bahay.
“Po?!” Sagot ko.
Narinig ko ang yabag niya mula sa labas. Mukhang paakyat siya rito sa kwarto ko.
Kumatok siya ng dalawang beses bago siya pumasok sa kwarto ko.
“Lae, bibili lang ako ng beer sa convenient store.”
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Iinom ba siya? Pero magsisimba pa kami mamayang alas diyes eh.
“Iinom ka po ba ngayon, ‘Pa?”
“Siyempre!”
Ngumuso ako. Salubong na ang nga kilay ko sa sinabi niya. “Hindi ka po magsisimba mamaya?”
“Bukas na lang. May misa rin naman bukas.”
I groaned. Plano na namin ‘to eh! Ba’t bigla siyang nagbago ng isip?
“Ngayon na po tayo magsimba.” pangungumbinsi ko sa kanya.
Kinamot niya ang kanyang ulo. “Pagod na rin kasi ako anak eh. Wala pa akong pahinga.”
I sighed. Mukhang…hindi nga talaga kami makakapagsimba ngayong gabi. Gustuhin ko man, naaawa ako kay Papa. Wala pa siyang matinong pahinga. Kahit nag-eroplano siya pauwi rito sa amin, alam kong mula sa duty ay diretso na siyang gumayak para makabyahe na agad pauwi.
Ite-text ko na lang si Christian. Maiintindihan naman niya siguro ako.
“Bakit? May usapan ba kayo ng mga kaibigan mo?” Tanong niya sa akin.
Ngumuso ako at umiling din.
Tumango siya. “Magpahinga ka na din muna. Tatawagin na lang kita ‘pag nakahain na ako.” At saka niya isinara ang pintuan ko.
I sighed. Bigo man, wala naman akong magagawa. Ayoko namang pilitin si Papa sa gusto kong mangyari dahil sa estado niya. Hindi rin naman ako pwedeng lumabas ng ganoong oras ng mag-isa kahit na maraming tao sa bayan.
Lalo na ngayon, may ideya na siyang may nagugustuhan ako. It’s better to be an obedient daughter to her now. Ayokong masira ang tiwala niya sa akin.
I maybe liking someone but I will promisedntk myself not to be so much into it, na hindi dapat ako gumawa ng mga bagay na ikasisira ng tiwala ni Papa sa akin.
I grabbed my phone beside me and started texting Christian.
Ako:
Chris, hindi kami makaka-attend ng misa mamayang gabi. Pagod na si Papa. Bukas na lang daw kami magsisimba.
Malungkot kong binitawan ang cellphone at tinungo na ang banyo ko para makapag-shower. Ramdam ko na rin ang pagod sa maghapon na lakad namin ni Papa. I might need to take some nap before midnight, para sa Noche Buena at pagsalubong ng pasko.
Nang matapos na ako sa pag-aayos ng aking sarili, tiningnan ko ulit ang cellphone ko. May reply na siya. Naupo ako sa gilid ng kama ko habang binabasa ko iyon.
Christian:
Okay lang. Hayaan mo munang makapagpahinga ang Papa mo. At ikaw din, magpahinga ka muna.
Nagtipa ako ng reply.
Ako:
Hindi tayo makakapagkita :(
Christian:
Ba’t malungkot ka?
Nangunot ang noo ko? Ba’t pa siya nagtatanong? Hindi ba niya nararamdaman ang dahilan ko?
Ako:
Hindi mo alam kung bakit?
Mukhang binalewala niya ang nireply ko sa kanya dahil sa nabasa kong reply niya ngayon sa akin.
Christian:
Dadaan ako sa inyo pagkatapos ng misa. Iaabot ko sa’yo ang regalo ko. Pero hindi ako magtatagal. Kasama ko kasi si Ate.
Ngumuso ako. Hindi niya talaga papansinin ang tanong ko? Magtitipa na sana ako ng reply ko pero muli siyang nag-text.
Christian:
Magpahinga ka muna. Alam kong pagod ka rin ngayong araw. Magkikita pa rin tayo kahit sandali lang kaya huwag ka nang malungkot.
My heart felt warmed by his words. Alam niya. He noticed it. Hindi niya iyon inignora. Kaya ang namumuong tampo ko kanina, agad na naglahong parang bula!
Naalala ko ang biniling regalo para sa kanya. Inilabas ko iyon sa paper bag at pinagmasdan.
Ibibigay ko iyon sa kanya mamaya.
I smiled and sighed. I’ve never done these things before. Hindi pa ako kailanman nagpahalaga sa isang tao ng ganito, maliban kay Papa. Christian’s so special to me. I… I don’t know why but… he makes me happy everyday.