Lae
Halos hindi ko masundan ang paghinga ko dahil sa kabang nararamdaman. Pupuntahan niya ako rito! Alam kong hindi na rin magandang ideya iyon dahil pagabi na’t tanging bike lang ang gamit niya papunta rito sa amin. May kalayuan pa naman ang sa kanila. Kung pupunta pa siya rito, at mag-uusap pa kami mamaya, siguradong madilim na kapag uuwi na siya!
Habag iniisip ko ‘yon, hindi ko maiwasan ang mag-alala para sa kanya. Babagtasin niya ang national highway. Marami siyang makakasalubong at makakasabay na malalaking sasakyan. Baka mamaya, hindi siya makita ng mga ito at…baka…mahagip siya.
Parang gusto ko na siyang pigilan sa gusto niyang gawin! May pagkakataon pa naman siguro. Pwede namang ipagpabukas.
Kung bakit kasi nasabi ko pang nami-miss ko siya. Ayan tuloy.
Sinubukan kong tawagan ulit siya para pigilan ang binabalak niya kahit alam kong nasa daan na iyon at papunta na siya rito. Naka-dalawang dial na ako pero hindi niya iyon nasagot.
In the way na nga talaga siya.
Nag-ayos ako ng aking sarili. Tiningnan ko pa ang kabuuan ko kung maayos ba ang itsura ko. Naglagay ako ng kaunting pulbos at nagwisik din ng baby cologne sa katawan. Bigla akong na-conscious sa sarili ko. Magkikita kami ngayon eh. Dapat presentable akong tingnan.
Okay na siguro itong simpleng tshirt na puti at maong shorts na hanggang tuhod. Sandali kong ulit sinulyapan ang itsura ko sa salamin at nang ma-satisfy ako sa nakikita ko, nag-ready na ako palabas ng kwarto.
I was already at the door jamb when I heard my phone rang. Bumilis ang pagtahip ng puso ko ng mabasa ko sa screen ang pangalan ng tumatawag.
I cleared my throat before answering the phone pero hindi iyon naging sapat. Pakiramdam ko, mauutal pa rin ako sa kaba. Pero dahil alam kong nakarating na siya, kailangan ko na ring magmadali para magkita kami kahit sandali lang.
“Hello…” Ani ko habang pinipilit na pakalmahin ang aking sarili.
“Nandito na ako.” Aniya.
“Uh…” nagmadali akong lumabas sa bahay. Kahit sa pagbaba, nagmamadali na rin ako. “Nasaan ka? Lalabas ako—-“
“Huwag na. Gabi na. Nandito lang ako sa kabilang kalsada. Sa harap ng bahay niyo.”
Natigil ako sa pagbaba. I was already in the middle of the staircase. Paano ‘yon? Akala ko ba magkikita kami? Paano niya ako makikita kung hindi ako lalabas?
“Lae?” Agaw niya sa atensyon ko dahil hindi ako agad nakasagot.
“Paano tayo…magkikita?” Tanong ko sa mababang boses.
He chuckled a bit. Napapikit ako dahil sa mabilis na mga ideyang pumapasok sa isip ko. I miss him and knowing that he’s just there outside our house and he’s not letting me go to see him there makes me frustrated.
“Labas ka na lang sa balkonahe niyo. Makikita rin naman natin ang isa’t-isa.”
I pouted. Yumuko ako saglit para tingnan ang aking sarili. Naghanda pa naman ako sa pagkikita namin. Nag-ayos pa ako’t nagpulbo! Hindi ko naman pala siya malalapitan.
“Oh sige.” I sounded so defeated. Pumanhik ulit ako sa itaas para pumunta sa balkonahe. When I opened the woodened door, lumapit ako sa railings. Naglikot ang mga paningin ko para hanapin siya.
Hindi ko ibinaba ang tawag sa cellphone ko. Hindi rin naman niya pinutol. My gazes locked on the first guy I saw. Naka puting tshirt, maong na pantalon at leather slippers. Nakasakay nga lang talaga siya sa kanyang bike habang nakatukod ang dalawa siko sa manubela nito. Ang isang braso ay nakahawak sa kanyang cellphone at nakamuwestra sa tenga niya.
“Ayun. Nakita na kita.” Ani ko.
Umayos siya sa kanyang pagkakaupo at dumiretso ang tingin sa balkonahe. Agad na nagtama ang mga mata namin. Halos mapugto ang hininga ko sa kaba dahil kahit malayo at tanging sa street lights lang nanggagaling ang liwanag malapit sa kanya, kitang-kita ko ang pagngiti niya sa akin.
Silence consumed us for a moment. Nakatingin lang kami sa isa’t-isa, without our smiles fading on each other’s lips. Para kaming may sariling mundo ng mga oras na ‘yon. Parang…sa amin lang iyon umiinog. Sa aming…dalawa lang.
“Pasok ka na.” Mahina niyang sabi sa akin.
“H-Huh?”
“Pasok ka na. Madilim na. Baka papakin ka ng lamok diyan. Umimpis pa ‘yong pisngi mo.” Then he followed it with a chuckle.
Lumabi ako sa joke niyang ‘yon. I’ve got chubby cheeks but…bagay naman sa akin ah!
“Aalis ka na?” Hindi ko naitago sa boses ko ang pagtatampo. Hindi ko alam kung bakit! I just… I can’t explain it!
“Oo. Sumulyap lang ako.” Sagot niya.
Hindi ulit ako nakasagot. Ayokong sumagot. Kasi…kapag nagsalita ako, ang kasunod no’n, aalis na siya.
Para akong nababaliw!
“Nagpaalam ako kay Ate pero hindi ako pwedeng magtagal. I just came here to see you.” Dagdag niya.
“Gusto mo, puntahan kita diyan?” I said with my voice full of hopes.
Pumayag ka na please? Gusto kitang lapitan.
Nakita ko ang pag-iling niya mula sa malayo. “Kung lalapit ka sa akin, baka magtagal ako. Ayokong iwan kita agad.” Sagot niya.
I can sense that he wants my idea but only he control himself. Gustung-gusto ko talaga siyang lapitan. Iniisip ko tuloy, sana malapit na ang pasukan para araw-araw ko na siyang nakikita.
Sa huli, tinanggap ko na lang na kailangan niya nang umuwi.
“Sige…mag-iingat ka, ah?” I said in defeat.
Kumaway siya sa akin nang hindi pa ako sinasagot. Mabilis ang naging kilos ko’t kumaway din ako sa kanya.
“Pumasok ka na para makaalis na ako.” Aniya.
“Ayoko. Gusto kitang tanawing umalis.” Saad ko.
Ito naman ngayon ang ipipilit ko. Nandito lang naman ako sa bahay. Hindi na nga kami nagkita ng malapitan, hindi ko pa siya makikita hanggang sa pag-alis niya.
“Lae…pasok na.”
“Ayaw!” Pilit ko.
“Tsk. Tigas talaga ng ulo.”
I chuckled. “Ako naman ngayon ang pagbigyan mo. Nandito lang ako sa bahay. Ikaw ang aalis. Gusto kong nakikita kitang umalis hanggang sa malayo.”
“Sige na. Ihatid mo na ako ng mga tingin mo.”
Humagikhik ako. “Bye! Ibababa ko na ‘to.”
“Okay. Aalis na rin ako.” Sagot niya.
Ako na ang unang nagbaba ng tawag. Muli siyang kumaway sa akin bago inayos ang sarili. Sinimulan niya ang pagpadyak sa pedal ng kanyang bike. Kung hindi lang niya kailangang mag-focus sa dinadaanan, hindi niya pa puputulin ang mga sulyap niya sa akin.
I gave my last wave at him with a sweet smile before he turned his gazes around and focus on the road. Kahit hindi na siya nakatingin sa akin, he bid his farewell with a waving hand.
Pumasok na ako sa loob ng bahay ng hindi ko na siya matanaw. Ito kasi ang sinabi ko sa kanya. I wanted to be true to my words to him. Kahit hindi niya iyon nakikita, gusto kong sundin ang sinabi niya.
I pouted. I know that I like him. Hindi ko alam na ganito pala kasaya. Hindi ko pa ito nararamdaman. Ngayon lang.
Hindi naman kami eh. Gusto niyang manligaw pero hindi ako pumayag. Okay naman siguro ito ano?
I smiled. This feels so right! Pakiramdam ko, walang lungkot ngayon na tatalo sa saya ko ngayong gabi!
Binaon ko ang alaalang iyon sa ilang araw na hindi kami nagkikita. Madalas pa rin kaming magtext at magtawagan kapag hindi na kami busy. Minsan nga, nahuhuli pa ako ni Manang Lusing na may katawanan sa cellphone pero hinahayaan niya lang ako.
I just wanted to spend time with him everyday.
Dumating si Papa sa bisperas ng Pasko. Lalong nadagdagan ang saya ko dahil makakasama ko siya sa araw ng Christmas! Kaya nang umaga na iyon, nakauwi rin si Manang Lusing sa pamilya niya. I told Christian about my father’s arrival and he told me to spend more time with him.
Hindi na nagpahinga si Papa. Pagkatapos naming kumain ng agahan at makapaligo, agad kaming gumayak para pumunta sa siyudad. Inilabas niya ang kanyang owner-type jeep na madalas niyang gamitin kapag nakakauwi siya rito. Regular ang paglilinis ni Manang Lusing doon kaya kahit matagal nang nakagarahe, hindi iyon maalikabok.
“Paiinitin ko lang ang makina, anak.” Aniya at saka pinaandar ang sasakyan.
“Opo, ‘Pa.” Sagot ko.
Umupo ako sa passenger’s seat. Si Papa naman sa upuan ng driver. Napapansin ko ang pasulyap-sulyap niya sa akin habang tine-text ko si Christian na paalis na kami.
Nang sinulyapan ko rin siya, nagtama ang mga mata namin. Nakita ko ang nakakalokong ngisi niya sa akin bago ininguso ang cellphone ko.
“Sino ‘yan?” Mapang-asar niyang tanong sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko in-expect ang tanong niyang ‘yon! Bigla akong namula. Medyo nataranta dahil hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Ngumuso ako para itago ang hiyang nararamdaman ko pero nang marinig ko ang halakhak ni Papa, nangiti na rin ako at saka sinabayan na siya sa pagtawa.
“Papa kasi!” Tanging sagot ko.
Hinawakan niya ako sa aking baba para maiharap niya sa kanya. Hindi pa rin humuhupa ang init ng mga pisngi ko. Siguradong pulang-pula pa rin ‘yon!
“Namumula ka ‘nak! Nagtatanong lang naman ako kung sino’ng ka-text mo eh.” At saka niya pinisil ng bahagya ang kaliwang pisngi ko.
I groaned in pain, kahit kaunti lang naman ang naramdaman ko. Medyo nag-overreact lang ako para pagtakpan ang hiyang nararamdaman ko. Papa continued teasing me kahit na kasalukuyan na siyang nagda-drive.
“Napansin ko ngang…” sinulyapan niya ako mula ulo haggang paa. “Gumaganda ka ‘nak!” At saka muling ibinalik ang tingin sa daan.
I rolled my eyes and shifted on my seat. “Dati naman po akong maganda!” Sagot ko at saka muling sinulyapan ang cellphone ko.
Baka kasi nagreply pa rin siya kahit sinabi niyang hindi muna siya magte-text para hindi siya makaistorbo sa lakad namin ngayon ni Papa.
“Oo pero…iba ngayon eh! Parang…mukha kang nababaliw?”
“Po?!” I looked at him ridiculously.
Ngumisi siya pero hindi na ako sinulyapan ulit. Diretso lang ang tingin niya sa kalsada. I can sense that he has an idea pero ayaw lang siguro akong pangunahan.
“Nginingitian mo ‘yang cellphone mo, eh.”
Kinamot ko ang likod ng tenga ko. Napansin niya rin pala ‘yon! Kanina lang siya nakauwi pero he’s been observing me already.
“Ipakilala mo sa akin ‘yan ah?” Dagdag niya.
“P-Po?” Nauutal na sabi ko.
Medyo kinabahan ako. Hindi naman siya tunog galit. Hindi ko pa siya nakitang nagalit sa akin. Hindi ko maalalang pinagbuhatan na niya ako ng kamay simula nang maliit pa ako kaya…ang kaisipang baka kagalitan niya ako ngayon ay nagbigay ng kaba sa dibdib ko ngayon.
Ayokong magsinungaling sa kanya kung tanungin man niya kung may nagugustuhan ako. Pero sinunod ko ang bilin niya. Walang ligaw, walang boyfriend!
“Iyang ka-text mo, Lae. Ipakilala mo sa’kin ‘yan.”
“Classmate ko po ‘yon.” Nahihiyang sagot ko sa kanya.
“Sino? Si tisoy o ‘yong moreno?”
Napalunok ako. “Yung…moreno po.” Mahinang sagot ko.
Narinig ko ang malakas na pagtawa niya. Bahagya pang hinampas ang manibela. Nagulat nga lang ako dahil sa parteng busina nag-landing ang palad niya kaya lumikha iyon ng ingay.
“Sinasabi ko na nga ba eh…” saka siya umiling. “Ipakilala mo sa akin ‘yan ah?” Nanunudyo pa rin siya.
I only pouted and nodded slowly.