CHAPTER 20

1639 Words
Lae Naglagi pa kami ng ilang minuto roon ni Christian sa botanical garden matapos naming magkaaminan. Nakaupo na kami ngayon sa bench na madalas naming inuupuan kapag nandito kami. We maintained a distance with each other. Pareho kaming nasa magkabilang dulo ngayon. Naglilingunan…pero kapag nahahagip ang tingin ng isa’t-isa, mabilis pa sa alas kwatro kung bawiin ko ang ipinupukol kong sulyap sa kanya. Ano, Lae? Nasaan ang tapang mo ngayon?   Kanina lang, ang lakas ng loob kong umamin sa nararamdaman ko. May paiyak-iyak pa at payakap-yakap pa akong nalalaman. Masyadon akong nagpadala sa emosyong nararamdaman kaya hindi ko na pinag-iisipan pa ang mga gagawin ko. I was a slave of my overflowing emotion. All I wanted to do is what my wild heart truly desires. Dahil kung hindi ko gagawin at sasabihin sa kanya iyon, lalo lang gustong kumawala iyon sa puso ko. I’m young but I know what I feel. He’s important to me, too, and I don’t want to slip him away from me. Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan ang paglapit niya sa akin. I startled when his right arm touched my elbow. “Ano’ng iniisip mo?” masuyo niyang tanong sa akin. Marami, Christian. Kung sasabihin ko sa’yo lahat, wala kang maintindihan. Pero hindi ko na iyon isinatinig pa. Umiling lang ako at bahagyang ngumiti sa kanya. Naramdaman niyang ayokong magsalita kaya tumango na lamang siya sa akin. Hindi naman ako nangangamba eh. Kung tutuusin nga, masaya ako. Masaya ako dahil akala ko, ako lang ang ganito sa aming dalawa. Na ako lang ang nakakaramdam ng ganito. Na hindi lang pala ako ang nagkakagusto sa aming dalawa. Dahil siya, gusto niya rin ako. Bumuntong hininga siya. Bumaba ang pagkakahawak niya sa akin. Mula sa aking siko ay ginagap niya ang kaliwang palad ko na siyang ikinamulat ng mga mata ko nang husto. Sinundan ko lamang iyon ng tingin at…habang pinagmamasdan ko kung paano niya iyon hawakan ng buong pag-iingat, lalo lang bumubundol ang puso ko sa matinding kaba. “Manliligaw ako sa’yo.” Aniya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya dahil sa matinding gulat. My lips parted in so much astonishment! Hindi ako…makapaniwalang sasabihin niya iyon sa akin. Kanina ay ginugulantang niya ang buong sistema ko nang umamin siya tungkol sa pagkakagusto niya sa akin. Ngayon naman, niyayanig niya na ako sa gusto niyang mangyari. “H-Huh?” tanging nasabi ko. “B-Bakit?” “Kasi gusto kita.” Diretsahan niyang sagot. “P-Pero…” alanganin kong sagot sa kanya. Ganoon ba talaga ‘yon? Kapag gusto mo ang isang tao, kailangan bang ligawan siya agad? Pero mga bata pa kami. We’re only fifteen! Alam kong may mga kaedaran kaming pumapasok na sa ganoong klaseng relasyon pero…hindi ko alam kung kaya kong panindigan ang magkaroon ng gano’n. Isa pa, nangako ako kay Papa! Gusto kong tuparin iyon. Gusto kong…unahin muna ang pag-aaral gaya ng gusto kong mangyari. Pero tatanggi ako kay Christian, aayawan niya na ba ako? That thought hunted me! Ayoko. Gusto ko, sa akin lang siya magkakagusto. “Kung hindi ka pa naman handa, kaya kong maghintay.” Saad niya nang mapansin ang sandaling pananahimik ko. Parang sinalba ako ng mga salita niya dahil sa mga naiisip ko. Maghihintay siya hanggang sa maging handa ako? Gusto ko ang ideyang iyon! Hindi ko na kailangang mangamba pa na aayawan niya ako dahil kaya niyang maghintay. Pero…kailan nga ba ako magiging handa? “Kaya mo ‘yon? I mean...” I bit my lip and exhaled to release the tension caused by the loud thumping of my heart. “Hindi ko alam kung kailan ako magiging ready.” He gave me an inverted smile and shrugged his shoulders. “I liked you for too, long. Besides, I won’t insist what I want if you don’t like it but…I hope you let me.” he said in a hopeful voice. Umiling ako. Hindi ko alam kung para saan iyon. Kung dahil ba sa ayokong manligaw muna siya sa akin o dahil…ayoko siyang tanggihan sa gusto niya. “Nangako kasi ako kay…Papa. Hindi muna ako…magbo-boyfriend.” Mahinang usal ko. Sandali niya akong pinagmasdan. In a split second, I saw a pinch of disappointment on his face. Hindi ko man direktang sinabi ang pagtanggi ko sa gusto niyang mangyari ngunit alam kong alam niyang hindi niya magagawa iyon. Sa huli, tumango siya at ngumiti sa akin. “Naiintindihan ko. Maghihintay ako.” Tanging sagot niya. “Kaya mo? Hindi ako sigurado kung kailan---” “Lae, ang sabi ko, maghihintay ako.” Putol niya sa akin. Ipininid ko ang aking mga labi. Gusto kong itanong ang kanina pang naiisip pero hindi ko magawa. Paano kung mapagod siya sa paghihintay? Aayawan niya na ako? Maghahanap na lang siya ng ibang babaeng magbibigay atensyon sa kanya? Iniisip ko pa lang na mangyayari ‘yon, parang…pinipiga ang puso ko sa sakit. Simula nang magkaaminan kami, hindi na kami mapaghiwalay. Sinulit namin ang nalalabing dalawang araw na magkasama kami dahil Christmas break na sa susunod na mga araw. Next year na kami magkikita. Well, pwede naman kaming magkita kung gugustuhin namin pero ayokong sa akin manggaling ang pagyaya. Nahihiya akong gumawa ng unang hakbang. Iyong pag-amin ko ang una at huling hakbang na ginawa ko sa pangunguna ko sa kanya. Wala akong pinagsabihan sa nangyayari sa amin ni Christian. Iyon ang naging sikretong malupit ko. Kahit kay Paul, o kay Aby, hindi ko nasabi. Pero hindi ko alam kay Christian. May kutob akong nai-kwento niya iyon kila Gil at Edmund dahil sa tuwing dumadaan ako sa harapan nila ay binibigyan nila ako ng makahulugang tingin. Kapag hindi nila ako nadadala sa mga tingin nila’y ngingisi sila ng nakakaloko. “Sinabi mo ba kila Gil ang tungkol sa atin?” tanong ko sa kanya. Magkatawagan kami ngayon at narito ako sa kwarto ko. “Oo. Ayos lang ba iyon?” “Baka kumalat, Chris.” Nag-aalalang sagot ko sa kanya. I gave him a nickname. Medyo nahahabaan kasi ako sa pangalan niya. Everyone is calling him ‘Christian’ in school. I wanted to call him differently. Iyong…ako lang ang tatawag sa kanya ng ganoon. I know it sounds cheesy but…I don’t care. He chuckled. Pati ang pagtawa niya, nakakakilig pakinggan. “Hindi ‘yan. Sinabihan ko sila. Marunong silang magtago ng sikreto.” He assured me. Umaayos ako sa pagkakahiga ko habang yakap ang plush octopus na bigay niya sa akin. My name was embroidered on it. Ito lang ang hawak ko kapag kinakausap ko siya o kung minsan ay…kapag nami-miss ko siya. “Okay. Hmm… Ano’ng plano mo ngayong bakasyon?” I changed the topic. “Dito lang sa bahay. Tutulong ako sa farm.” “Hindi kayo magbabakasyon sa ibang lugar?” “Hindi.” He paused. “Kailan ang uwi ni Tito Henry?” tanong niya sa akin. I smirked. “Tito na ang tawag mo sa Papa ko ngayon? Dati, Sir, ah?” tudyo ko. “I can call him ‘Papa’ if you like.” Hindi man niya ako nakikita, uminit ng husto ang pisngi ko sa narinig. Hindi lang pisngi kundi buong mukha. Ramdam na ramdam ko ang init no’n na mukhang gumapang pa pababa sa leeg at mga kalamnan ko! Walangya! I can literally feel a flutter of butterflies flying around my stomach! It’s making me feel giddy! “Stop it, Chris…” saway ko sa kanya pero gustung-gusto ko ang sinabi niya. “My Lae is blushing, eh?” hula niya. I bit my lip. Gusto kong malaman niyang naiinis ako pero at the same time, ayokong tigilan niya ang panunudyo sa akin. “Nai-imagine kong namumula ang mga mabibilog mong pisngi.” Dagdag niya. I pouted and inhaled deeply. Hindi sinasadyang sumugat ang ngiti sa aking mga labi. Dahan-dahan kong pinakawalan ang hangin sa mga baga ko para kalmahin ang puso kong nagwawala. Iniisip niya pa talaga iyon? Well, sa tuwing kausap ko siya, iniisip ko rin na nasa harap ko lang siya. Na hindi ko alintana ang distansya kahit nasa iisang bayan lang kami, malayo nga lang ang kanila. “Ang cute mo.” Aniya. “Tss.” Tanging sagot ko. He chuckled again. Nakakahawa ang mga mahihina niyang halakhak. Nakanguso pa rin ako pero hindi ko na rin napigilan ang sarili ko’t nakisabay na rin sa kanya. When our chuckles faded, and a second of silence passed by, I began to speak again. “I miss you.” I said nonchalantly. Natahimik ang kabilang linya. Natahimik rin ako. Huli nan ang matanto ko ang huling mga sinabi ko. Bigla akong tinubuan ng kaba dahil hindi siya sumasagot. Sandali ko pang sinulyapan ang screen ng cellphone ko dahil baka naputol ang tawag pero hindi, he’s still on the line. “He---” “Pupunta ako diyan.” Seryosong sabi niya sa akin. What? Sinulyapan ko ang bintana kong hindi gaanong natakpan ng kurtina. Pa-gabi na. Ano’ng gagawin niya rito? “B-Bakit?” “Nami-miss mo ako, eh.” Narinig ko ang mga paggalaw niya sa background ng tawag. Ang mga nagmamadali niyang yabag palabas sa bahay nila at ang tunog ng kung ano na hindi ko maisip kung ano iyon. He was in his room, too, when he called me. “Nasabi ko lang ‘yon…” pag-amin ko dahil…iyon naman talaga ang nararamdaman ko. I didn’t ask him to come over here! “Ibaba ko na ang tawag, Lae. I’ll call you later.” “P-pero---” “I call you later, ‘kay?” mas mahina niyang sabi. It’s like he’s…convincing me. His voice is low but raspy. Wala na akong magawa. Kahit pigilan ko siya, mukhang desidido siya sa gusto niyang gawin. Hindi na siya mapipigilan pa. “Alright…be careful, Chris. Please?” hindi nakatakas ang pag-aalala sa boses ko. I heard him sigh. “I will.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD