MABILIS ang t***k ng puso na kumatok sa pinto ng DC office si Cee. Sinalat niya ang bracelet na suot at saka napahugot ng hangin. "Come in," tinig iyon ni Spike na nanggaling sa loob. Pagkabukas ng pinto ay kaagad na lumipad ang paningin niya sa puwesto ni Rake. Napakunot ang noo ni Cee nang makitang wala roon ni anino ni Rake. "Oh, Cee. Ikaw pala 'yan. Looking for Rake?" tanong ni Patch. Present ang limang Spiral. Si Rake lamang ang wala. Tumango siya. "Nasaan siya?" Nagpalitan ng tingin ang mga lalaki hanggang sa sumagot si Iggy. "Hindi na naman siya pumasok. Tinatawagan namin siya pati sa condo niya pero hindi siya sumasagot sa tawag namin." Kinabahan si Cee. Baka kung ano na ang nangyari kay Rake. Tatlong araw na itong hindi nagpaparamdam. "Baka may sakit siya." Nagkibit ng ba

