MULA sa pagtitig sa spaghetti ay iniangat ni Cee ang paningin nang may naglapag ng cereal sa mesa. Nandito siya ngayon sa cafeteria at nagpapalipas ng oras. Umupo si Yohann sa bakanteng upuan sa may tapat niya. Seryoso ang lalaki habang nakatingin sa kanya. "Akin 'to? Thanks," nakangiting aniya. She doesn't know how to act around him. He was in love with her but she was in love with Rake. Rake who was still MIA until now. "What's the problem?" tanong nito. Iniwas niya lamang ang paningin kay Yohann. She could not tell him what was the thing bothering her. It would be her being insensitive. And she believed she wasn't like that. "Wala naman." "Is this about Avila?" Nanigas sa kinauupan niya si Cee. 'Ni hindi niya magawang makatingin kay Yohann. "Come with me," ani Yohann. Tumayo ito

