"Argggg! Traitors!" Muli ay sigaw ni Atticus. Sunod-sunod ang pagpapakawala niya ng putok hanggang sa ang hawak niyang baril ay naubusan na ng bala. Napuno ng tensyon ang buong paligid. Sumisigaw si Atticus dahil sa sobrang galit niya. "How could you all gang up on me?!" Mga mata nitong punong-puno ng galit, ang leeg nitong nagsilabasan na ang malalaking ugat dahil sa tindi ng galit niya. Hindi niya matanggap na ang mga taong kanyang pinagkatiwalaan ng lubos ay magagawa siyang pagtaksilan. "Mga taksil!" Muli ay sigaw niya ng tuluyan ng maubos ang bala ng baril niya. Unti-unti siyang napaluhod sa lupa, tila nanghihina na siya' at dito pumatak ang kanyang mga luha. "Bakit ka tumigil? Bakit sa itaas mo ipinutok ang baril—bakit hindi sa amin?!" Matapang na saad ni Lyndon ng tuluyan na

