_THE FLASHED MARRIAGE
NOTE: This story is purely a fictional and if there's any resemblance to real life it is not intentional and just a coincidence. Some scenes in this story are not suitable for very young readers. It may contain of s*x, drug's and violence.
INTRO:
All women dream of having a fairytale love story. And Antheia Cervantes is one of those women. You could say she has it all—she has intelligence—goddess-like beauty, and she is known to come from a family that is highly regarded in society. The Cervantes family that known as one of the wealthiest families in the country.
She has all the luxuries of life—but there is one thing she is struggling to get right now.
Naging mailap para sa kanya ang pag-ibig. Wala siyang ibang hinangad sa buhay kundi ang makilala ang lalakeng iibigin niya at makakasama na niya habang-buhay.
Katulad ng kanyang Mommy' pinangarap ni Antheia na magkaroon ng mala- fairytale na love story.
Hindi lingid sa kaalaman ni Antheia ang kwento ng pagmamahalan ng kanyang mga magulang. Mga bata pa lamang ang Daddy at Mommy niya noong sila ay nagkakilala sa isang Isla habang sila ay nagbabakasyon.
Puppy love kung ituring ang naramdaman noon ng kanyang Ama para sa Ina. Ito ang dahilan kaya sumumpa Daddy niya na paglaki nito ay hahanapin niya batang babae na nakilala niya noon sa Isla.
Pagkalipas ng maraming taon ay nagtagpo ang landas ng dalawa. Ang Daddy niya na noon ay abogado na at ang Mommy niya na noon ay nagmamay-ari na ng isang sikat na bakasyonan sa isang Isla sa Isabela—ang Achilles Paradise.
Namamangha siya sa tuwing inaalala niya ang magandang love story ng kanyang mga magulang.
Ang kanyang Mommy Gabriella ang kauna-unahang babae sa buhay ng Daddy Kurt niya—at ganoon din ang kanyang Ina na tanging ang Daddy lamang nito ang una't huling lalakeng kanyang minahal.
Masaya siya dahil masasabi niyang natagpuan na niya ang kanyang prince charming sa katauhan ni Blake Romualdez—ngunit hindi pala ganoon kadali ang lahat pagdating sa pag-ibig. Ang pinangarap niyang mala- fairytale na love story ngayon ay naglaho na.
Who would have thought that one day she would find herself in tears and crying because of a man?
Nanginginig ang kanyang katawan. Punong-puno ng galit ang kanyang dibdib at hindi malaman ang gagawin. Siya ay lasing at umiiyak habang nakatayo sa harapan ng isang simbahan, suot-suot ang isang itim na damit pangkasal. A bride in black kung siya ngayon ay titingnan.
"Bestie' just calm down! I know how brave you are Antheia and I know you will do what is right." Pilit siyang pinapakalma ng kaibigan niyang si Amber. Naparami din siya sa nainom na alak kaya pakiramdam niya tumapang ang loob niya kahit papaano.
Sa buong buhay niya ngayon lamang siya nakaranas ng ganitong klase ng sakit. Sakit na kahit na sino ay hindi gugustuhing maranasan. Sakit ng pagkabigo. Pagkabigo sa kanyang unang pag-ibig.
Kahit anong pigil sa kanya ni Amber—mas nangingibabaw ngayon ang malakas na impluwensya ng alak sa kanyang katawan.
"Ha-how could Blake do this to me? He managed to trade me over Lorraine? They're shameless Amber! They'll see who they fooled. I'll show them who Antheia Cervantes is!" Matigas na tono niya habang panay ang kanyang panginginig na nakatunghay sa harapan ng simbahan.
"Lasing ka lang Antheia' huwag mong ibaba ang pagkatao mo sa mga taong walang kwenta. Ipakita mo kay Blake kung sino ang sinayang niya. At ang Lorraine na iyon, she's worthless! She's nothing compared to you." Patuloy lamang ang paglandas ng kanyang mga luha at halos matumba na siya dahil sa labis na kalasingan.
Si Blake na inakala niyang makakasama na niya habang-buhay ngunit sa isang iglap lang ay bigla itong nawala sa kanya at napunta pa sa mismong kaibigan nila.
Si Lorraine na simula pagkabata ay kaibigan na niya. Nakakalaro niya ito palagi sa paraiso dahil isinasama siya nito ng kanyang Ina na impleyado dati ng Achilles Paradise.
Ito ang araw ng kasal nina Blake at Lorraine. Hindi niya inakala na sa kanyang pgbabalik mula ibang bansa ay ganito ang matutunghayan niya.
"Do you really have to do this, Antheia? Remember, you're not just any woman. You might be forgetting that you're a Cervantes, this is a big mess for your family." Muli ay paalala sa kanya ng kaibigan.
"Yeah' you're right Amber." Sabay punas niya sa kanyang tumulong mga luha.
"I am a Cervantes and I will just show them all how to be a Cervantes!" Pilit at mariing turan niya sa kaibigan.
Walang kaalam-alam ang kanyang pamilya sa kanyang pagbabalik mula ibang bansa. Isang linggo bago ang nakatakdang araw ng pag-uwi niya ng Pilipinas —siya ay nakatanggap ng isang masamang balita.
Ang kanyang boyfriend na si Blake na ikakasal na daw' ngunit ang ipinagtataka ng lahat hindi sa kanya ito ikakasal kundi sa kaibigan nilang si Lorraine.
Wala siyang natanggap ni kahit na anong balita mula sa kanyang pamilya ukol sa kasalang ito. Marahil pinili na lamang nilang huwag nang ipinaalam ito sa kanya dahil ayaw nila itong masaktan.
Mula sa pintuan ng simbahan siya ay pasuray-suray na naglakad papasok habang maririnig ang boses ng pari.
"Is there anyone who objects to this marriage? Can you speak up now or will you remain silent for the rest of your life?" Tanong ng pari habang siya ay pasuray-suray na naglalakad sa mahabang red carpet na iyon.
Mula sa kinaroroonan nilang dalawa ni Amber—lahat ng tao ay napalingon ng marinig nila itong malakas na pumapalakpak kasabay ng kanyang pagtawa na may kahalong pag-iyak.
"Well, well, well—congratulations!" Garalgal ang boses na saad niya, siya ay napapikit ng mariin dahil' kahit gaano pa siya katapang ngayon hinang-hina na ang kanyang dalawang tuhod.
"A-Antheia?!" Nanlaki ang mga mata nina Blake at Lorraine ng makita nila ito sa gitna ng red carpet. Pati ang mga tao sa paligid nila ay nag-uumpisa nang mag-ingay dahil sa kanyang nagawang pag-entrada.
"Be-best wishes for the two of you' my dearest Blake and my ever dearest best friend Lorraine." napapapikit na saad niya. Lasing man ay pilit parin niyang pinapatigas ang kanyang boses.
"Ikaw ba ay tutol sa kasalanang ito ija?" Naguguluhang tanong ng pari pagkakita sa kanya. Hindi siya sumagot bagkus siya ay ngumiti ng tabingi at naglakad palapit sa dalawang ikakasal.
"Antheia please, let me explain baby' please.. " panay ang pakiusap ni Blake ng siya ay nakalapit na ng tuluyan sa kanilang dalawa. Hindi niya inaasahan ang pagdating ni Antheia—dahil sa buong akala niya ay nasa Europe pa ito.
"Su-surprise! Here I am Blake, the best wedding gift ever from Europe is now in front of you!" Sarkastikang saad niya kahit pa hirap na hirap na ang kalooban niya.
Mula sa kanyang kanang kamay, isang malakas na sampal ang kanyang pinakawalan na siyang dumapo naman sa kaliwang bahagi ng pisngi ni Blake.
"Double-dealing!" Kalmado ngunit matigas na saad niya kahit sa loob-loob niya' gusto na niyang pumatay ng tao ng mga oras na iyon.
Gusto niyang umiyak. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang magwala ngunit kung gagawin niya iyon' siya lamang ang magmumukhang katawa-tawa sa harapan ng lahat ng tao.
"Baby please, I'll explain everything to you. Just give me a chance please Antheia. Patawarin mo ako baby," Halos lumuhod na si Blake sa harapan niya sa paghingi ng tawad. Nag-uumpisa nang magkagulo ang lahat. Panay ang pahid niya sa kanyang mga nag-uunahang mga luha.
"Wa-what for? You screwed me Blake! Wala ka nang dapat ipaliwanag pa' dahil kitang-kita ko ang ginawa ninyong pan-lo-lo-ko!" Nagngingitngit at napapasinok niyang saad sa binata. Tinitigan niya ito ng masakit, mata sa mata. Kung nakakamatay lamang ang mga titig niya ngayon' siguradong kanina pa nakahandusay sa sahig si Blake at ang bestfriend nito.
"No! Just hear me out baby, " Hindi siya sumagot bagkus ay ngumiti lamang siya. Pati ang pamilya ni Blake na noon ay lumapit narin sa kanila.
"Now you know the madness you have committed, Blake!" Matigas na tono ng kanyang Ama.
"I know Daddy, Mom' it's a good thing that Antheia is here, hindi ko na itutuloy ang kasalang ito. Siya ang mahal ko at hindi si Lorraine ." Sagot naman ni Blake na siyang nakakuha sa atensyon ng mga magulang ni Lorraine.
"No! At sa tingin niyo ba papayag kami na madehado ang anak namin?! Ituloy ang kasal! Binuntis mo ang anak namin, panagutan mo!" Salungat naman ng mga magulang ni Lorraine.
"Blake, sweetie' you can't do this to me! Magkakaanak na tayo. Nasaan ba ang mga security? Call the security. She's harassing our wedding. Security!" Panay naman sigaw ni Lorraine ng mga sandaling iyon. Lumapit siya sa kaibigan at pinakatitigan niya itong mabuti.
Mula ulo hanggang paa—pinakatitigan niyang maigi si Lorraine.
"You're pregnant?" kunot-noong tanong niya. Dito muling tumulo ang kanyang mga luha. Ang sakit. Sobrang sakit ng nararamdaman niya na makitang ikakasal sa iba ang lalakeng una niyang minahal—at ang hindi niya matanggap ay sa mismong kaibigan pa niya na halos kapatid na kung ituring niya.
"Yes, as you can see' I'm pregnant! Huh! Something you couldn't give Blake so I did it for you my dear Antheia. And now look at me. You're not blind Antheia, I'm pregnant! Magkakaanak na kami ng boyfriend mo!" Taas noo nitong sabi kasabay ng nakakainsultong mga tawa nito sa kanya.
Umangat ang kanyang kanang kamay sa ere. Nagngingitngit siya. Hindi niya matanggap na dahil lamang hindi niya kayang maibigay ang kanyang katawan niya kay Blake ay naghanap na ito ng iba.
"Antheia please, don't do this! Baka makarating ito sa pamilya mo." Bago pa tuluyang lumapat ang kanyang palad sa mukha ni Lorraine, nasalo na ito ni Amber.
"You shouldn't lower your being for this cheap woman! Let them be together, they're both cheaters. You don't deserve to be hurt like this, Antheia. Let's go!" Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Amber kina Lorraine at Blake.
Pilit niyang hinihila si Antheia palayo sa kanilang lahat—ngunit sa kagustuhan niyang makaganti hindi siya aalis ng simbahan ng wala siyang ginagawa.
"Wa-wait a minute. I-I am not leaving here without doing anything. Duh! Watch Amber— because I'm going to show all of you what Antheia Cervantes can do." Napapangiti ng pilit na saad niya sa kanyang kaibigan. Kahit nanlalabo na ang kanyang mga mata dahil sa sobrang pag-iyak niya at dala ng kalasingan niya' pilit niyang iginala ang kanyang paningin sa mga taong nakapaligid.
Until a man standing to one side caught her attention. A tall, muscular man wearing a black tuxedo—had a long tied-up hair and had a medium-length beard.
"Hmm.. Gwapo," saad niya sa kanyang sarili kahit nagdo- double vision na siya dahil sa sobrang kalasingan niya hindi maitatangging gwapo ang balbas saradong lalake na ito.
Pasuray-suray siyang naglakad palapit sa lalakeng iyon—si Amber naman na nakasunod lamang sa kanya at todo makasuporta sa likuran niya.
"Oopss.. Bestie, dahan-dahan. Saan kaba kasi pupunta?" Sabay salo ni Amber sa kanya ng akmang matutumba na siya.
Lasing man siya, nanlalabo man ang paningin niya' alam niyang sa likod ng mahabang buhok at balbas ng lalakeng ito ay may nakatago itong mala- Adonis na kagwapuhan.
"I got you my man," mahinang sambit niya saka ngumiti ng nakakaloka.
Hinila niya sa kamay ang lalake at ganoon na lamang ang pagtataka ng lalake sa kanya.
"Come with me baby," saad niya sa lalake ng may pilyang mga ngiti sa kanyang mga labi.
Tila isang bata namang nagsunod-sunuran ang lalake ng siya ay hilahin ni Antheia papunta sa harapan ng altar.
Lahat ng tao ay nagtataka na sa kanyang ginawa. Si Lorraine na noon ay nakataas ang kilay nitong nakatunghay sa kanya. Samantalang si Blake na lalapit-lapit sa kanya ngunit hinaharangan naman siya ni Amber.
"Fa-father—I didn't come here to stop the wedding. All I want to happen now is for us to get married," saad niya na siyang ikinabigla ng lahat ng tao lalo na si Blake. Ngumiti lamang siya a muling binalingan ang kahawak-kamay niyang lalake.
"No! Antheia stop it!" Sigaw ni Blake sa kanya.
"Antheia are you insane?!" Sunod namang wika ni Amber sa kanya.
"I'm not insane! Hahahah! La-lasing lang ako' pe- pero nasa ka-tinuan parin ako. Fa-father, just give us your blessing." Pilit niyang sabi sa pari. Napapailing na lamang ang pari dahil sa gusto niyang mangyari.
"D-do you want to marry me? Come on, just marry me right away handsome." Ngumiti lamang ang lalake sa kanya at tumayo ng tuwid saka hinigpitan ang pagkakahawak ni Antheia sa kanyang palad.
"As you wished baby," saad niya ng nakangiti kay Antheia na siyang ikinagulat na naman nilang lahat.
"Wa-what?! No! Antheia baby, galit ka lang. Hi-hin-di mo ito magagawa sa akin." Napapailing at buong pagtutol ni Blake sa kagustuhan niya.
"Who's that guy?" Mga katanungang tanging maririnig mo sa mga taong nagkakagulo sa paligid.
Dahil hindi umiimik ang pari, napako ang paningin ni Antheia sa kapiraso ng papel na nasa ibabaw ng maliit na lamesa sa kanilang harapan.
Kinuha niya ang ballpen, hirap man siyang makita ang mga nakasulat sa kapirasong papel na iyon—alam niyang marriage certificate iyon.
"Antheia Wilson Cervantes?" Ganoon na lamang napakunot ang noo ng lalake ng makita nito ang buong pangalan na isinulat ni Antheia sa kapirasong papel na iyon.
Lihim siyang napapangiti. pagkatapos ni Antheia ay kinuha naman niya ang ballpen at isinulat ang kanyang buong pangalan.
"Done' we're now married! Whoaww! Now, can I kiss you, baby?" she asked the man happily and with her voice full of seduction.
"No! Antheia no!" Kahit anong pagpipigil ang gawin ni Blake sa kanya ' tila naging sarado na ang pandinig niya.
Walang anumang salita—kahit hirap na hirap na siyang imulat ang kanyang mga mata' pilit parin niyang inaaninag ang gwapong mukha ng lalakeng ito na ngayon ay asawa na niya.
"Kiss me baby' I'm all yours now. Kiss me," Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa balbas saradong lalake na ito. Hanggang sa tuluyan nang naglapat ang kanilang mga labi.
A LITTLE INFO:
This is the continuation of my CERVANTES SERIES: Antheia Cervantes is the only daughter of Attorney Kurt Cervantes and his wife Gabriella Wilson Cervantes.