Lasing man ngunit ramdam na ramdam niya ang kakaibang init na dumaloy sa kanyang pagkatao.
It was just a touch of a kiss, but why did she feel different? An inexplicable feeling seemed to awaken in her drunken body.
Pumikit na lamang si Antheia at ninamnam ang matamis nitong halik at ang labi nitong kay lambot at tila kay sarap hagkan ng paulit-ulit.
"Mga kabataan nga naman ngayon' padalos-dalos na ng desisyon. Masyadong mapupusok!" Napapailing na saad ng pari saka pinirmahan na lamang ang kapiraso ng papel na iyon.
"Hey! Hey! Stop it! Let go of my woman!" nanggagalaiti na saad ni Blake sa lalake sabay hawak nito ng mahigpit sa kanyang balikat.
Pagkatapos ng damping halik na iyon kay Antheia' marahan niyang hinawakan sa mukha ang dalaga at matapang na hinarap si Blake.
"You have no right to touch me man!" Sabay tapik nito ng malakas sa kamay ni Blake na nakapatong sa kanyang balikat.
"She's not your woman anymore' she's now mine!" Saad nito saka kinuha ang kapiraso ng papel na nasa kanilang harapan at harapang ipinakita iyon kay Blake.
"She's now my wife, heheh.." kasabay ng bahagya nitong pagtawa.
"No! That is absurd! Walang bisa 'yan! Hindi mo siya asawa," napapapikit na lumapit si Antheia kay Blake. Napapangiti ito bago muling nagwika.
"Na-now Blake, te-tell me who's the loser! Let's go baby," sabay lingkis ni Antheia sa estrangherong lalake na ito na ngayon ay asawa na niya.
"Ba-bye everyone!" Sarkastikang saad niya saka sila naglakad sa mahabang red carpet para lumabas ng simbahan.
"My gosh Antheia! Anong gagawin ko sa'yo babae ka! Lagot ako nito kina Tita at Tito. Arggg! Antheia, wait! Isusumpa yata ako ni demi-god Achilles nito' kapag nalaman niyang pinabayaan kita!" Halos matapilok at patakbo namang sumunod si Amber sa kanila.
Si Blake na noon ay tumakbo narin upang habulin ang dalawa ngunit kaagad na humarang ang mga security—ang mga tauhan ng kanyang Daddy.
"Let go of me! Dad, susundan ko si Antheia. She's the one I love' not Lorraine." Isang malakas na sampak sa panga ang nakuha niya mula sa Ama.
"Nakakahiya ka Blake! Hindi mo inisip ang kalalabasan ng mga kagaguhan mo! Ano nalang ang sasabihin ng mga Cervantes sa atin? You're a great failure!" Galit na wika ng kanyang Ama.
"Antheia!!! malakas na sigaw niya.
Wala na siyang nagawa pa kundi sundan na lamang ng tingin si Antheia, ang babaeng lubos na minahal niya ngunit ngayon ay pag-aari na ng iba.
"Ituloy ang kasal!" malakas na wika ng Ama ni Lorraine.
Napapailing at nakatulala na lamang si Blake.
"Antheia baby, I'm sorry!" saka tumulo ang kanyang mga luha.
* * * *
"I think we need to ce-le-brate. Let's go!" Wika ni Antheia ng sila ay tuluyan ng nakalabas ng simbahan.
Siya ay dinala ng lalakeng ito sa isang nakaparadang white Porsche 911 model na sports car. Sabay na bumukas ang drivers seat at ang passenger seat. Papasok na sana si Antheia sa drivers seat ng siya ay pigilan ng estrangherong lalake.
"Where do you want to celebrate' baby? I can drive you along," saad ng lalake na siyang ikinangiti ni Antheia.
"A-any-where you want bey-bi. Just get me out of here!" nasisinok-sinok na tugon ni Antheia. Hanggang sa___
"Wait! Saan mo dadalhin ang kaibigan ko? Hoy! Hindi ka namin kilala at lalong wala kang karapatan na basta na lamang dalhin kung saan ang bestfriend ko. Hindi mo ba siya nakikilala?" nakapameywang na saad ni Amber ng kanyang abutan ang dalawa.
Ngumiti ang lalake kay Amber habang si Antheia ay pinipilit ang kanyang sarili na tumayo ng tuwid habang todo kung makakapit sa braso ng lalake.
"We're going to celebrate. It's our wedding day," salubong ang kilay ni Amber ng sarkastikong tumugon ang lalake sa kanya.
"Hoy! What is your name again Mister?" Oh' wait, Hermit? Hindi ako papayag na dalhin mo kung saan na lang ang kaibigan ko. Antheia let's go!" kinuha niya ang kamay ni Antheia upang ito ay kanyang hilahin.
"N-no! A-amber ano ba?" pagrereklamo niya.
"Antheia lasing ka lang. Iuuwi na kita ngayon din!" muli niya itong hinila ngunit lalo itong lumingkis mula sa braso ng lalake.Ang lalakeng ito na tila nag-eenjoy pa habang pilit na isinisiksik ni Antheia ang kanyang katawan sa kanya.
"You can come with us woman if you want! She's my wife and she's my responsibility now." pagkakasabi nito ay tumawa pa ng pagak ang lalake.
Pinakatitigang maigi ito ni Amber' mula ulo hanggang paa. Naniningkit ang kanyang mga mata kasabay ng paglakad niya paikot sa balbas saradong lalake na ito na tinawag niyang ermitanyo.
"Hmm.. Hitsura mo palang hindi na mapagkakatiwalaan. Tingnan mo nga 'yang hitsura mo, mukha kang ermitanyo! Kung hindi lang dahil sa suot mong mamahalin na tuxedo na iyan, pagkakamalan kitang____
Tumaas ang isang kilay ng lalake saka ito ngumisi kay Amber.
"What?"
"Isang dugyot na lalake. An Hermit hidding in a fancy clothes, fancy perfume and fancy car. Hindi mo makukuha ang kaibigan ko, magkamatayan na tayo! Antheia ano ba, tara na!" muli niya itong hinila ngunit lalo pang humigpit ang pagkakahawak ni Antheia sa braso ng lalake.
"See? Ayaw niyang sumama sa'yo." napapailing at natatawa na lamang ang estrangherong lalake sa kanya.
"Hindi ako papayag! Sagutin ko siya oras na may mangyaring masama sa kaibigan ko!" muling protesta ni Amber.
"Hindi mo siya asawa kaya bitiwan mo na ang kaibigan ko! Inuutusan kita! Walang bisa ang kasal ninyo' wala sa katinuan ang kaibigan ko!" kahit anong mangyari hindi siya papayag na basta na lamang kunin ng estrangherong lalake na ito ang kaibigan niya.
"Antheia naririnig mo ba ako? Antheia lasing ka lang' makinig ka naman oh." pagmamakaawa niya sa kaibigan ngunit tila wala itong naririnig.
Hanggang sa walang anu-ano'y kinarga ng lalakeng ito si Antheia.
"Hey! Hahahah! Kiss me handsome, kiss me come on," nakanguso pa si Antheia sa lalake. At dito nakita ni Amber kung paano naglapat ang mga labi ng dalawa sa ikalawang pagkakataon. Natampal ni Amber ang sariling noo.
"Diyos ko naman Antheia, anong gagawin ko sa'yo? Masyado kang mapusok! At ang lalakeng ito' sinasamantala kana ano ba?!" tila isang batang nagpapapadyak at naiiling-iling na saad niya. Walang pasintabing ipinasok nga ng lalakeng ito sa loob ng kanyang sasakyan si Antheia.
"You woman, are you just going stand up there? Ikaw din' magmu- mukbang kami ng kaibigan mo. Hahah!" nanlaki ang mga mata ni Amber dahil sa kanyang narinig.
"Mukbang? Naku Amber, lagot na talaga! Baka nga kainin niya si Antheia." bigla siyang nahintakutan sa isiping iyon at siya ay nagmamadaling kumilos.
"Sa-sandali! Sa-sama na ako sa inyo!" wala ng nagawa si Amber kundi pumasok narin sa loob ng kotse.
"Sasama ka din naman pala, pinahaba mo pa ang usapan! Tsk. tsk!" naiiling- iling na lamang ang lalake na umupo sa drivers seat at kaagad na binuhay ang makina ng sasakyan.
Mula sa simbahan ng Saint James the Apostle Parish Church sa lungsod ng Santiago Isabela sila ay dinala ng lalake sa isang exclusive Filipino Restaurant sa mismong lungsod— ang Hidden Garden Restaurant.
Pagka- park pa lamang ng sasakyan' nauna nang lumabas si Amber. Bale two door lamang ang sasakyan kaya naman kailangan niyang dumaan sa kinauupuan ni Antheia upang siya ay makalabas.
"Ako na ang bahala sa asawa ko." saad ng lalake kay Amber.
"Don't touch her! Ako ang bahala sa kaibigan ko! Asawa? Duh! ang kapal mo!" muli niyang sininghalan ang lalake saka niya hinawakan si Antheia.
Mula sa sasakyan ay inalalayan ni Amber si Antheia na makababa. Saka siya lumingon ng masama sa lalake na noon ay todo kung makangiti sa kanya.
"Kaya mo paba Antheia? Ikaw naman kasi eh, padalos-dalos ka ng desisyon. Sana lang talaga—sana lang hindi makarating sa pamilya mo ang nagawa mo." nakapikit na si Antheia ng mga sandaling iyon ngunit ito ay ngumiti ng pilit sa kanya.
Hanggang sa makita niyang nangilid ang mga luha ng kaibigan.
"They betrayed me! A-ang sakit Amber!" saad niya hanggang sa tuluyan nang pumatak ang kanyang mga luha.
"Shhhh.. I know Antheia, I know. Tama na, hindi kawalan ang Blake na iyon. Hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal mo! Tama na," pang-aalo niya sa kaibigan habang ito ay umiiyak na. Ang lalake naman na kasama nila ay prenteng nakatayo lamang habang pinagmamasdan silang dalawa. Siya ay inalalayan muli ni Amber na maglakad papasok ng restaurant.
Ang balbas saradong lalake naman na ito na nakasunod lamang sa kanilang dalawa.
Pagkapasok nila ng restaurant' iniupo kaagad ni Amber ang kaibigan sa isang upuan kung saan sila dinala staff ng restaurant.
"Oopssah.." huminga pa siya ng malalim ng tuluyan na niyang maiupo ang kaibigan. Hanggang sa makaramdam siya ng tawag mula sa kalikasan.
"Naku' paano ito? Hindi kita pwedeng iwan Antheia." Hindi mapakaling saad niya.
"You seemed to have a problem woman!"
"Kaya ko pa! Hindi ko siya pwedeng iwan sayo! Malay ko pagtalikod ko' bigla mo nalang itakbo ang kaibigan ko!" Tinaasan niya ito ng kilay. Kaya niyang magpigil, pero ang pantog niya sasabog na talaga.
"Just go! Spill it out! Ako na ang bahala sa asawa ko." sabi muli ng lalake kasabay ng mga pilyo nitong mga ngiti.
"Hindi! Ayaw ko nga!" napahawak siya ng kanyang puson. Sasabog na talaga ang pantog niya. Nagkibit- balikat lamang ang lalake saka tabingi na ngumiti. Hanggang sa hindi na siya nakatiis pa at muling nagsalita.
"Ahm—nakakasiguro kaba na hindi mo itatakas ang kaibigan ko? I want an assurance Mister, what's your name again?" taas noong sambit ni Amber.
"Hermit." walang alinlangang sagot niya.
"What? Seryoso ka? Huh! Hermit talaga?"
"Ahuh?!" saka ito muling ngumiti.
"Okay Hermit' I'm just going to pee, tumupad ka sa usapan okay! Dahil sinasabi ko sa'yo, oras na itinakas mo ang kaibigan ko' magtago kana dahil mas gugustuhin mo na lang na mawala na sa mundong ito." matigas na turan ni Amber dito. Tumingin siya sa kaibigan na noon ay nakatagilid na ang ulo nito sa upuan at nakapikit.
"Hahaha! I am not as bad as you think woman!" saad pa niya kay Amber. Sino ba naman ang magtitiwala sa hitsura niya. Mahaba ang kanyang buhok at may katamtamang haba ng balbas na siyang bumalot sa gwapo niyang mukha. Kahit sino ay pagkakamalan talaga siyang isang ermitanyo.
"Good! You better be sure, it's hard to trust someone like you!" saka nagmamadali at halos patakbong tinungo ni Amber ang comfort room.
"Hmm.." nakangiti ang lalake habang nakatunghay kay Antheia na nakapilig ang ulo at nakapikit na.
Hanggang sa makarinig siya ng paghilik mula sa dalaga. Lumapit siya ng bahagya dito.
"She's snoring and drooling—hahah! What kind of woman is this? Maganda nga, nakanganga naman!" natatawang saad niya. Mula sa kanyang bulsa inilabas niya ang kanyang cellphone upang sagutin kung sino man ang tumatawag.
Sa sasakyan palang panay na sa pag- vibrate ang cellphone niya. Hindi lang niya magawang sagutin dahil bukod sa nagda-drive siya kanina ay may kasama pa siyang iba.
Thaddeus is calling...
"Yes bro?"
"Ang tagal mong sumagot bro! Nasaan kana ba? Nandito na ako sa simbahan, dala ko na ang kailangan mo." saad ng kaibigan niya mula sa kabilang linya.
"Teddy' listen. Wala na ako sa simbahan." As he instructed his friend to where they are now.
"I think I don't need that anymore, Teddy." nakangiting saad niya habang ang paningin niya ay na kay Antheia.
"Wa-what do you mean bro?"
"I think I've found the one,"
"The one? Ang labo mo bro, make it clear!"
"I've found someone I can lean on Teddy. Someone who can give me everything I need, hahah. I have found a sugar Mommy!" pilyong saad niya sa kaibigan na siyang ikinatawa naman nito mula sa kabilang linya.
"Oh man' the great Casanova, hahah!" tumatawang saad ng kaibigan mula sa kabilang linya.
Kasalukuyan niyang kausap ang kaibigan niya ng siya ay biglang napatigil sa pagsasalita. Napapakunot ang noo niya saka siya nagmamadaling kumilos.
"Oww, s**t! What the hell!" saad niya, hindi naman nakaligtas iyon sa pandinig ng kaibigan niya.
"Magnus? Hello! Magnus pare?" panay ang salita ng kaibigan niya pero hindi na siya sumagot pa.
Nilapitan niya si Antheia at muling hinalikan ito sa kanyang labi.
"You are now mine! There's no taking back. We'll meet again, my sweet-sweet sugar baby." Bulong niya kay Antheia bago tuluyang umalis. Kaagad na inilagay sa bulsa ang hawak na cellphone saka nagmamadaling naglakad. Umikot siya ng lakad at walang alinlangang siya ay lumabas ng restaurant na iyon.
Ilang saandali pa bumalik narin si Amber mula sa comfort room.
"He-hermit?" kunot-noong saad niya ng hindi na niya nadatnan ang estrangherong lalake na iyon sa kanilang table.
"Saan ba nagpunta iyon?" kasabay ng pagkibit-balikat niya.
"Antheia," muli ay baling niya sa kaibigan ng makita niyang tulog na tulog na ito at maririnig ang mumunti nitong paghilik.
"Tsk! Tsk! Hay naku Antheia," awang-awa siya para sa kaibigan. Alam niya kung gaano kabigat ang pinagdadaanan ngayon ng kaibigan niya.
"Nandito lang ako Antheia, hindi kita iiwan." saad niya sabay punas niya sa mumunting butil ng pawis nito sa noo.
"Nasaan naba ang ermitanyo na iyon? Mabuti na lang at wala siyang ginawa sayo bestie." muli ay wika niya sa natutulog na kaibigan habang inaayos nito ang ulo ni Antheia na nakatabingi na sa upuan.
Nakayuko siya habang inaayos sa upuan ang kaibigan—ng makarinig siya ng isang tinig ng lalake mula sa likuran nila.
"Amber?" hindi siya kaagad nakalingon dahil tila ba tumigil sa pagtibok ang puso niya. Nanlaki ang kanyang mga mata.
"Gosh! Amber, patay!" napapangiwing saad ng isipan niya. Hindi niya malaman ngayon ang gagawin.
"Amber!" tumaas ang tono ng boses na iyon. Halos mapatalon na siya sa gulat ng mga sandaling iyon.
"Ti-tito Kurt." saka siya dahan-dahan na tumayo at humarap dito.
"Antheia?!" bulalas niya ng tuluyan na niyang makita ang babaeng tulog na tulog na nakaupo sa upuan kasama ni Amber.
"Ah—eh, Ti-tito Kurt kasi ano eh, ahm." mautal-utal na si Amber at napapalunok na ng sariling laway.
"What is she doing here? Kailan pa kayo nakabalik from vacation?!" walang kaalam-alam ang pamilya ni Antheia na sila ay nakabalik na ng Pilipinas.
"Amber sagutin mo ako? Bakit ganyan ang hitsura ng anak ko? Ba-bakit siya nakasuot ng—ng ganyan? A black wedding dress? A-a-nong nangyari sa anak ko?!" sunod-sunod na katanungan nito kay Amber. Nine-nerbyos na siya at nanginginig na.
"Ti-tito I'm sorry! Nextweek pa sana kami uuwi, pe-pero nalaman ni Antheia ang pagpapakasal nina Blake at Lorraine." sa wakas ay naisatinig din niya.
"Ito na nga ba ang sinasabi ko! Kaya hindi na namin ipinaalam sa kanya ang totoo. Larry, James, pakialalayan ang anak ko at dalhin sa sasakyan!" utos pa niya sa kanyang mga kasamang bodyguards.
"Hindi niyo ba alam na delikado itong ginagawa ninyo? Paano kung natyempuhan kayo ng taong nagbabanta sa buhay namin ngayon? My goodness Antheia," Napapangiwi na lamang si Amber habang nakayuko ang ulo. Wala na siyang nagawa pa kundi sumunod na lamang sa mga ito.
Pagkarating nila sa labas ng restaurant wala na din doon ang sasakyang ginamit ng estrangherong lalake na iyon.
"Shocking! Mabuti na lamang at hindi siya naabutan ni Tito, thank you Lord." panay ang pasalamat na sambit ni Amber sa kanyang isipan. Napapailing na lamang siyang pumasok ng sasakyan at naupo sa likurang bahagi katabi ni Antheia.
Nang tuluyan ng makapasok si Kurt ng sasakyan saka siya tiim bagang na bumaling sa anak na natutulog.
"That useless man! That farud! I'll show him the big mistake he made. It's not someone like him who will make my daughter cry! It's not someone like him, Amber!" galit na tono ni Kurt. Hindi naman umiimik si Amber na makita kung gaano kagalit ngayon ang Daddy ni Antheia.
"I swear my princess' Daddy will do everything for that man to suffer!" tiim bagang na saad ni Kurt sa anak na natutulog.
"Attorney, tumawag na po ang client, nasa restaurant na daw po sila." saad ng isa sa mga kasama niyang tauhan.
"Some other time Wilson, pakisabi may emergency. Uunahin ko muna ang anak ko bago ang lahat." saad niya at sila nga ay nagpatuloy pauwi ng kanilang bahay.