MAGNUS's POV:
I was in Cebu to visit some branches of our businesses. I even came from India to personally oversee the oil importation of our company.
Our company is known as one of the leading oil companies in the Philippines. MagnumFuel is known for having various branches all throughout the Philippines and Cebu is one of the places where our business has the most branches.
Nasa Pasay City ang main office ng MagnumFuel Company. Pero para sa akin' mas gusto kong mamalagi sa opisina ko sa Cebu kaysa sa manatili sa opisina ko sa Metro Manila. Bukod sa tahimik sa probinsya' malayo ako sa gulo at sa mga taong nagpapakulo ng dugo ko araw-araw.
"Sir, Magnus, pinapasabi po pala ni Sir Thaddeus na dumating na daw po ng Maynila ang mga inangkat nating mga langis galing po ng India." Lumapit ang aking secretary habang ako ay abala sa harapan ng aking laptop.
"Good' dito sa Cebu at sa Davao dumating naba?" Tanong ko sa aking secretary habang ang aking paningin ay wala sa kanya kundi nasa aking computer.
Hindi ito kaagad nakasagot sa akin kaya naman' nag-angat na ako ng aking mukha. Naniningkit ang aking mga mata ng mapansin kong titig na titig ito sa akin. Todo sa pagkakangiti nito sa akin sabay napapakagat pa ito ng kanyang ibabang labi.
Alam na alam ko na ang mga ganitong galawan ng isang babae. Ilang secretary naba ang ipinadala sa akin ni Mamita? Hindi ko na mabilang. Wala akong panahon para pagtuunan ng pansin ang pagpapakita nila sa akin ng motibo.
"Paula!" Salubong ang kilay na saad ko. Hindi parin ito sumasagot sa akin bagkus ay panay kagat parin nito sa ibabang labi niya—hanggang sa hindi na lamang ibabang labi ang kagat-kagat niya kundi pati na din ang hintuturo niya. Lalo akong nakaramdam ng inis. Tama ba ang nakikita ko—may gusto sa akin ang secretary ko?
"Naririnig mo ba ako Miss Lubricant?!" Tanong ko sa mataas na tono.
"Ay! Si-sir Magnus, ma-may sinasabi po ba kayo?" Halos mapatalon ito dahil sa gulat niya.
"Paula' ano'ng dahilan bakit nandito ka?" Kunot-noong tanong ko.
"Po?" Tila wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi ko.
"Just answer me Paula' why are you here?!" Sabay hampas ko ng aking kamay sa aking mesa.
"Pa-pa-ra ma-magtrabaho po Sir," nauutal na sagot niya sa akin.
"Alam mo naman pala' so ano'ng ginagawa mo sa akin? Are you trying to seduce me?!" I get really annoyed and easily get angry with women who pay attention to me and show a lot of interest in me.
"Po? Ahm—Sir," nakayukong saad nito sa akin.
"I can't count on my fingers how many secretaries I've had. Kaya kung gusto mong tumagal sa trabaho mo' umayos ka Paula, 'cause I don't need a lubricant in my life. I don't need women in my life, is that clear?!" Napapahilamos ako ng aking mukha gamit ang aking palad. Ang aga-aga pa pero pinapainit na ng sekretarya ko ang ulo ko.
"I- I'm sorry Sir," hiyang-hiya ito sa akin at nakayukong naglakad palabas ng aking opisina.
Napapailing na lamang ako na nasundan ito ng tingin. Hindi na ako magtataka kung ilang babae naba ang nagpapakita ng interest sa akin.
I have all the qualities that any woman would want. Tall, well-shaped—handsome and most of all, capable in life. Many people say that I look like my Mom, but Mamita always says that I look like Daddy.
Isang Filipino American ang aking Ina' si Daddy na noong kabataan niya ay taglay na niya kagandahang lalake kaya naman hindi maitatangging galing ako sa magagandang lahi.
Ilang saglit pa binalikan kong muli ang aking computer.
"Kaunting tiis na lang Daddy, Mommy." saad ko habang nakatunghay ako sa larawan namin nina Mommy at Daddy na nasa aking monitor. Kuha ang larawan naming tatlo noong ako ay limang taong gulang pa lamang.
Hindi kasal ang aking mga magulang ngunit hindi iyon naging hadlang upang maramdaman kong may kulang sa pagkatao ko. Si Daddy na noon ay palaging bumibisita sa amin ni Mommy sa US at ako, kapag gusto kong makita si Daddy, Mamita at Papsy ay umuuwi din kami ni Mommy noon ng Pilipinas. Masaya ang buhay ko noong kasa-kasama ko pa sila—ngunit sa isang iglap lang naglaho ang lahat.
Nasa ganoong estado ako ng pag-iisip ng mapukaw ang pansin ko dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Saktong nasa tabi ng computer ko ang aking cellphone kaya kaagad kong tiningnan kung sino ang tumatawag.
Mamita is calling....
"Yes, Mamita?"
"Magnus, wala ka bang planong magpakita sa amin ng Papsy mo? Namimiss na kita apo," bungad kaagad sa akin ni Mamita mula sa kabilang linya.
"Ahm, Mamita' I'm sorry—I've been busy here in the province." Sagot ko. A big responsibility fell on me—I couldn't let Papsy down for the business that Daddy had taken such good care of.
"Yes that's it Magnus, ganyan ka naman talaga eh, busy ka na lang palagi sa negosyo. Nakakalimutan mo na kami ng Papsy mo." Malungkot na wika ni Mamita sa akin.
"Magnus, apo' umuwi ka naman please." Muli ay pakiusap sa akin ni Mamita. Napabuntong-hininga ako, isang salita lang sa akin ni Mamita' hindi ako makatanggi. Ganito na siguro kapag sobrang mahal na mahal mo ang mga taong nakapaligid sa'yo.
"Okay Mamita, I'll be there tomorrow morning. Expect me to be there," saad ko.
"Really Magnus? Oh, thank you so much apo, thank you." Masayang-masaya na bulalas ni Mamita. I felt so much relieved when I heard my grandmother's lively voice.
It's been four months since my last visit in Manila. At tulad nga ng nasabi ko' umiiwas ako sa mga taong labis na nagbibigay ng toxic sa buhay ko.
I'm having a hard time moving on with my life dahil sa pagkawala ng aking mga magulang. I'm just a kid and I feel like I've caught all the bad luck in this world.
I am Magnus Roberts, thirty two years of age and the CEO of MagnumFuel Company. Nag-iisang apo at nag-iisang tagapagmana, ngunit kahit nasa akin na ang lahat ng karangyaan sa mundo hindi ko makuhang maging masaya.
Maraming kulang sa aking pagkatao. Maraming kulang sa buhay ko. Isa akong batang ninais na magkaroon ng Ina at Ama habang lumalaki ngunit naging malupit sa akin ang tadhana dahil bata pa lamang ako ng ako ay iwan ng aking mga magulang.
Dahil ito sa mga taong walang puso at mga taong halang ang kaluluwa. Lumaki akong salat sa pagmamahal ng isang magulang—ngunit kahit ganoon pa man hindi nagkulang sa akin ang aking Mamita at Papsy. Pati ang Lolo at Lola ko sa side ni Mommy hindi nila ako pinabayaan at ipinaramdam nila sa akin ang pagmamahal at pag-aaruga na hindi ko naranasan mula sa aking mga magulang habang ako'y lumalaki.
"Whoaww!" I let out a sighed. Ito na nga ang isa sa mga iniiwasan ko, ang pag-uwi ko ng Maynila.
Tumayo ako mula sa aking presidential chair. Lumabas ako ng aking opisina at saktong paglabas ko ay nakasalubong ko ang aking sekretarya kasama si Lyndon na isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tauhan dito sa Cebu.
Sa kanya ko ipinagkakatiwala ang pamamahala ng aming mga negosyo dito sa Cebu lalo na kapag nasa ibang bansa ako o nasa ibang lugar ako dito sa Pilipinas.
"Lyndon bro, mabuti naman at nandito kana," sabay fist bump ko dito bilang pagsalubong.
"Yow, man' may sasabihin kaba?"
"I am planning to go home,"
"Where, in US?"
"Nope, in Manila."
"Ow, I see. Kung ganoon pirmahan mo na ang mga ito bago ka umalis." Inakbayan ko siya papunta sa loob convenient store ng aming fuel station.
"I don't know how many days I'll be gone, or maybe a few more weeks, you know Mamita, bro." Sabay kuha ng bottled water sa may chiller.
"Yeah' kinukulit na din ako ng Lola mo ah. Bro take some time to spend with them, Matanda narin sila ng Papsy mo, they also need you—alalahanin mo nag-iisang apo ka lang nila." Napabuntong-hininga ako. Mahal ko ang Lolo at Lola ko—pero hangga't maaari ayaw na ayaw kong umuuwi ng Manila.
"You know the reason why Lyndon," as I told him.
"Hanggang ngayon ba, 'yan parin ang nasa isip mo? Can you just go on with your life, and let go of the hatred you feel?" Napahigpit ako sa pagkakahawak sa bote ng tubig na hawak ko.
"Bro alam ko ang mga pinagdadaanan mo, tama ang Mamita mo, hindi mo kailangang makulong mula sa sakit ng nakaraan." Napatiim bagang ako at walang anumang salita na nilamukos ko ang bote ng tubig sa aking palad.
"I can't be happy, I can't go on with my life until I see the person who did this to my family suffer." Saad ko. Iyon ang tanging pangarap ko, ang makitang maging miserable ang buhay ng mga taong nagkait sa akin na magkaroon ng masaya at buong pamilya.
"Magnus, bro, nandito lang kami. Hindi kami magsasawa na paalalahanan ka' baka dahil diyan sa poot na nararamdaman mo, mapahamak ka pa."
"At sa tingin mo ba may pakialam pa ako kahit mapahamak pa ako? Lyndon, I don't care anymore! All I want is justice. Magiging masaya lang ako kapag nakita kong nagdurusa ang mga taong iyon. Magiging masaya lang ako kapag naranasan din nila kung paano mawalan ng mahal sa buhay. Malapit na bro, malapit na!" Sabay ng paglangitngit ng aking mga ngipin at pagtiim ng aking mga bagang.
Napapailing na lamang sa akin ang kaibigan ko. Isa si Lyndon sa mga matatalik kong kaibigan simula pa pagkabata. Anak siya ng pinsan ni Mommy, at kagaya ni Thaddeus ay maaasahan si Lyndon sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa negosyo.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito saka tinapik ako sa balikat ko.
"Are you going to ride on private plane?"
"Nope! I want a passenger one,"
"Okay' ora mismo kukuha ako ng flight mo mamayang gabi." Saad pa ni Lyndon sa akin. Tumango lamang ako at seryosong ipinukol ang aking paningin sa labas ng aming Fuel station.
"Hmm.. Ganito ba kadami araw-araw ang mga nagpapa- car wash bro?" Tanong ko sa kaibigan ko ng mapansin ko ang pila ng mga sasakyan sa carwash area namin. Ngumiti si Lyndon sa akin habang siya ay nakapamulsa.
"Yeah' tayo lang naman ang may pinakamalaking car wash outlet dito sa Cebu, bro!" Saad pa nito sa akin.
Bukod kasi sa pagkakaroon namin ng mga fuel station' nagbibigay din ang kumpanya namin ng iba't-ibang serbisyo pagdating sa mga sasakyan.
Our company offers a wide range of lubricants, oils, and automotive parts. Our mobile gas delivery services that provides fuel delivery to remote locations or to our individual customers that far from civilization.
"Mukhang nasa maayos naman ang lahat bro, thanks for being there always. Maaasahan ka talaga! The best ka Lyndon,"
"Nagda- drama kaba bro? Hindi mo bagay, hahahah!" Napapasuntok pa ito sa aking balikat.
Napapangiti ako, dahil masasabi kong napaka-swerte ko pagdating sa mga taong nakapalibot sa akin.
"Oh, bro' wait! Tama ba ang nakikita ko sayo?" Nangunot ang noo ko na napatingin sa kaibigan ko.
"What?" Taas ang isang kilay ko habang nakangiti .
"I saw you smiling. Hahah.. That is the right thing to do bro. Alam mo sayang ang gandang lalake mo dahil nakatago lang diyan sa mahabang buhok mo at mahabang balbas mo." Ito na lang palagi ang napapansin nila sa akin. Bukod sa mga kaibigan ko na asiwang-asiwa na sa mahabang balbas ko pati sina Mamita at Papsy na noon pa man ay sinasabing linisin ko na daw ang mukha ko.
"Ito na naman ba tayo Lyndon? Don't you know how much women enjoy my beard and mustache? Especially when it comes to bed, it brings so much pleasure to women, bro. I swear. Hahahah!" As I told Lyndon mischievously.
Kahit naman ganito lang ang hitsura ko' mala- ermitanyo kung ituring ako ng iba—ngunit madaming babae ang baliw na baliw sa akin. Halos maghubad na sa harapan ko ang mga kababaihan mabigyan ko lamang sila ng pansin.
"Will you shut up bro?! Tigilan mo na 'yang paglalaro mo sa mga babae, sige ka ikaw din! Baka sa ginagawa mong iyan makahanap ka ng babaeng puputol ng sungay mo." Tumawa ako ng malakas dahil sa tinuran ng kaibigan ko.
"Hahahah! That won't happen Lyndon. Hindi pa ipinapanganak ang babaeng magpapatumba sa isang Magnus Roberts. Tandaan mo 'yan bro! Hahahah .." natatawang saad ko at napapailing na lamang ito sa akin.
* * * *
Sumapit ang gabi—eksaktong alas diyes ang nakuha ni Lyndon na flight ko pabalik ng Manila.
Pagkaraan pa ng ilang minuto narating ko ang Maynila. Tamang-tama lamang ang pagdating ko upang sorpresahin sina Mamita at Papsy na sa pagkakaalam nila ay bukas pa ang dating ko.
I was walking down the hallway out of the airport when a woman who seemed to be in a hurry bumped into me.
Hawak ko pa ang cellphone ko ng mga sandaling iyon kaya naman eksaktong pagkabangga niya sa akin tumilapon ang cellphone ko.
"What the f*****g_____," I couldn't help but curse because it seemed like, this woman didn't care that she bumped into me.
"Huh! Don't you know how to apologize?!" Pahabol ko pa dito ngunit tila wala na itong naririnig pa. Hanggang sa makita kong isang babae mula sa likuran ko ang humahangos na tumakbo palapit sa babaeng nakabangga sa akin.
"Antheia wait!" Sigaw nung babaeng humabol sa kanya.
Napapailing na lamang ako na nasundan ng tingin ang dalawang babae na iyon. Hindi ko nakita ang mukha ng babaeng nakabangga sa akin' pero isang bagay ang nakakuha ng aking atensyon, isang bagay na nahulog mula sa babaeng iyon.
Pinulot ko ang bagay na iyon. Isang black card holder. Walang alinlingang pinulot ko iyon kasabay ng pagpulot ko sa aking nahulog na cellphone.
"Okay lang po ba kayo Sir," saad ng guwardiya ng mapansin niyang nakayuko ako upang pulutin ang aking cellphone.
"Walang modo ang babaeng iyon guard! Tingnan mo nga ang ginawa nila sa akin—nahulog ang cellphone ko at ang card holder ko ng dahil sa babaeng iyon!" Sabay turo ko sa dalawang babae na nasa kalayuan na.
"Naku, mabuti naman po at hindi nabasag ang cellphone mo Sir. Gusto niyo ba habulin ko sila?" Napapaisip tuloy ako.
"Ah, 'wag na guard, ayos lang. Saka hindi naman napano ang cellphone ko, kaya 'wag ka ng mag-abala pa." Sagot ko saka ako nagpatuloy palabas ng paliparan.
Eksaktong pagkalabas ko' nandoon na ang taong susundo sa akin. Nakita ko itong nakatayo sa tabi mismo ng sasakyan ko.
"Yow, Magnus bro," lumapit ito sa akin at kinuha ang aking bag.
"Thaddeus pare," salubong namin sa isa't -isa. Minabuti kong kay Teddy magpasundo para masorpresa ko sina Mamita at Papsy.
"Hindi mo man lang ba magawang itali 'yang buhok mo bro? Ano iyan, bird's nest?" Ilang buwan din kaming hindi nagkita ni Teddy ngunit heto at ang hitsura ko kaagad ang una niyang napansin.
"Ishhh.. What's wrong with you? What's wrong with my hair?" Napapailing na lamang ito sa akin.
"If you didn't smell that good, I would think you were a jungle man. Hahah.. Ang sagwa pare, ayusin mo nga 'yang hitsura mo!" Saad pa nito sa akin.
Tumawa lamang ako at kaagad na pumasok ng aking sasakyan. Pagkaupo ko ng passengers seat, kinuha ko mula sa aking bulsa ang napulot kong card holder.
Upon opening' I saw a different types of cards. Secured credit cards, business credit cards, reward credit cards, and what intrigued me the most was the black card which can only be used in other country, particularly in Europe. It makes me wonder. That woman must be very rich, then?