MAGNUS's POV:
I smiled as I looked through all the contents of that card holder one by one in my hand.
"What is that man?" Tanong ni Teddy ng makita niya ang ginagawa kong pagsuri sa bawat card na iyon.
"Ahm—these, a treasure, man." Sabay taas ko sa card holder. Napapangiti na lamang ako na ibinalik ito sa aking bulsa.
Mula NAIA ay kaagad naman kaming dumeretso sa bahay ng aking mga Lolo at Lola. They used live in Santa Mesa when I was young—but when Daddy died, they chose to move to Makati.
Gustong ibenta ni Papsy noon ang lumang bahay na iyon sa Santa Mesa—pero pilit ko iyong tinutulan, dahil para sa akin nandoon ang lahat ng magagandang alaala na naiwan ni Daddy sa akin.
Sa bahay na iyon nagkamalay at lumaki si Daddy. At sa bahay na iyon' naranasan kong magkaroon ng masaya at buong pamilya.
"Ayos ka lang ba bro?" pukaw ni Teddy sa gitna ng malalim kong pag-iisip.
Napapabuga ako sa hangin bago ako nagsalita kasabay ng pagkibit-balikat ko.
"Whoaww! I don't know pare," saka ko muling itinuon ang aking paningin sa labas ng bintana.
"Alam mo naman kung bakit ayaw na ayaw kong umuwi ng Manila diba? If it weren't for business and Mamita and Papsy, I would prefer to stay in the province." Napabuntong-hininga na saad ko.
"Hanggang kailan ka magkakaganyan pare?" Tanong niya sa akin dahil hindi lingid sa kaalaman nila ang pinagdadaanan ko.
Inayos ko ang sarili ko sa upuan, himas ang aking baba.
"I'll probably be happy when I see the suffering of the people who are responsible for why I am like this now." Saad ko na siyang ikinabuntong hininga ng kaibigan ko.
"Man, move on. Talagang hindi ka magiging masaya kung puno ng galit ang puso mo. Naipaliwanag na sa'yo ng Mamita at Papsy mo ang totoo hindi ba? Magnus pare, hindi mo kailangang ikulong ang sarili mo mula sa nakaraan." Umiling-iling ako kasabay ng pagtiim ng aking mga bagang.
Bumabalik lamang ang lahat ng sakit. Lalo na kapag naaalala ko kung paano nila binawi ang buhay ng Daddy ko sa mismong harapan ko—at ang pagkawala ni Mommy sa mismong harapan ko din. Dalawang tao na pinaka- importante sa buhay ko ang nawala ng araw na iyon.
That traumatic experience that I will never forget as long as I live. The most painful event in my life that left a deep wound in my heart and in my mind—na hindi ko alam kung kailan ito gagaling.
"They took a life, I will take a life in return!" Madiing wika ko, hindi na lamang sumagot si Teddy bagkus ay ipinagpatuloy nito ang kanyang pagmamaneho.
Mabuti na lamang at walang gaanong traffic kaya naman pagkalipas ng twenty five minutes ay narating namin kaagad ang western Makati.
Tiningnan ko aking cellphone kung anong oras na. Maghahating-gabi narin pala kaya siguradong tulog narin sina Papsy at Mamita.
Masaya kaming pinagbuksan ng guard ng makita niya ang pagdating ng aking sasakyan.
"Sir Magnus?" Yumuko ito sa amin ni Teddy ng tuluyan na kaming makababa ng sasakyan.
"Sina Mamita at Papsy ba tulog na?" Tanong ko, hanggang sa may nagsalita mula sa malapit namin.
"Magnus? Ikaw ba iyan? Naku' mabuti naman at naisipan mo pang umuwi bata ka," napangiti ako ng marinig ko ang magiliw na boses ni Yaya Melba.
"Shhhh.. Yaya, huwag kang magulo' iso-sorpresa ko sina Mamita." Saad ko ng tuluyan na itong nakalapit sa akin.
"Tulog na sina Madamé at Sir, naku matutuwa talaga sila kapag nakita ka. Ano, kumain naba kayo? Pasok, pasok, at ipaghahanda ko kayo ng makakain." Masayang-masaya si Yaya Melba sa aking pagdating.
Naglakad kami ni Teddy papuntang dinning room. Tamang-tama lamang dahil ramdam ko na din ang pagkagutom ko.
"Magnus anak' hindi ba pwedeng manatili ka nalang dito? Matanda na ang Mamita at Papsy mo, kailangan ka nila anak." Sabay wika ni Yaya a habang siya ay nagse- serve ng pagkain namin.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Teddy, imposible ang gusto nilang mangyari.
"Yaya, alam mo naman hindi ba?" Saad ko at makahulugang tiningnan ko ito.
"Hmm.. Ano pa nga ba ang magagawa ko' naku kung hindi lang kita mahal' Magnus matagal na kitang iniwan dahil sa tigas ng ulo mo." Nakatawang tugon nito sa akin.
Bahagya akong napatawa dahil sa sinabi sa akin ni Yaya. Ito ang palagi niyang panakot sa akin kahit noong ako ay maliit pa.
"Kaya mo ba akong iwan Yaya?" Saka ako tumingin kay Yaya at kumindat-kindat pa.
"Loko kang bata ka, siyempre hindi ko gagawin 'yon. Mahal kita Magnus, alam mo 'yan." Ngumiti sa akin si Yaya, hindi siya nawala sa tabi ko lalo noong mga panahong lugmok na lugmok ako.
Lumaki akong kasa-kasama ko si Yaya, pati noong ako ay ipinagamot nina Mamita at Papsy sa ibang bansa, kasa-kasama ko na siya. Dahil yata sa akin kaya hindi na nagawang mag-asawa pa ni Yaya Melba. Para daw sa kanya, ako lang daw ay sapat na.
Napaka-swerte kong nilalang dahil hindi ako nawalan ng mga taong nagmamahal sa akin kahit pa wala na ang aking mga magulang.
"And I love you too Yaya' you must know that." Saad ko na siyang ikinayapos niya sa akin.
"Namiss ko talaga ang alaga ko, payakap nga ako anak." Saad niya at hinayaan kong yakapin niya ako. Wala ng mas sasaya pa sana kung mabigyan ko na ng hustisya ang aking mga magulang.
Pagkatapos naming kumain ng gabing iyon' niyaya ko pa si Teddy na makitulog na sa amin ngunit hindi ito pumayag dahil naghihintay ang girlfriend niya ng mga sandaling iyon.
Pumasok na ako ng aking kwarto. Pagkalapag ni Yaya ng lahat ng gagamitin ko sa aking kama— sinabihan ko na din itong magpahinga na dahil hatinggabi na.
Pumasok ako ng aking banyo at napatingin ako sa salamin na nasa dingding.
"You've got the looks Magnus," saad ko saka pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.
Ano ba ang ayaw nila sa balbas ko? Sa buhok kong mahaba—bakit asiwang-asiwa sila? Mabango naman ako kahit ganito lamang ang hitsura ko, an Hermit in their eyes' masasabi kong nasa akin ang kagandahang lalake na gugustuhin ng kahit na sinong babae.
Dito naalala ko si Gretta. One of my f*****g buddies, especially when I am in the US. She's a liberated woman and like me, she doesn't want commitments. We only get together when we need to release the heat of our bodies.
At dito siya nag-eenjoy sa mahabang balbas ko at bigote. She really enjoys it, especially when I bless her womanhood with my lips—she even says she feels a strange pleasure when she feels my mustache and beard.
Natatawa na lamang ako kapag naiisip kong dito nababaliw sa akin ang mga kababaihan.
Naligo na ako at pagkatapos ay lumabas na din ako ng aking banyo. Diretso ako ng aking kama kung saan nakahanda na ang aking damit pantulog.
Nang makapagbihis na ako at napatuyo ko na ang aking buhok' muli akong naglakad upang kunin ang card holder na nasa bulsa ng aking jacket. Humiga ako ng aking kama at binuklat ko muli iyon.
"Hmm.. Antheia Cervantes? Sounds familiar," Himas ko ang aking baba. Sino kaya si Antheia Cervantes? Napapaisip ako.
Hanggang sa maalala ko ang mga hinihingi kong impormasyon kay Teddy.
"How are you related to Cervantes family?" Hindi mawala-wala sa isipan ko ang pangalang iyon. Hanggang sa ako ay nakatulog dahil sa pag-iisip na iyon.
* * * *
Kinabukasan—alas siyete pa lamang ng umaga gising na ako. Alam kong mga ganitong oras ang almusal nina Papsy at Mamita.
Nagmamadali akong bumangon ng aking kama, pumasok ako ng banyo para sa aking morning routine. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at kumuha ng panali upang hindi ako magmukhang sabog sa paningin ng aking Lola at Lolo. Pagkatapos kong masiguro na nasa maayos na ang hitsura ko ay kaagad na akong lumabas ng aking kwarto at nagdire-diretso sa may hagdanan.
Naging maingat ako sa aking mga kilos, si Yaya Melba naman ay napagsabihan kong 'wag muna niyang sasabihin kina Mamita na nakauwi na ako.
Nagtuloy-tuloy ako hanggang sa marating ko ang dinning area namin. Napangiti ako dahil tama lamang ang pagdating ko, nasa hapag na sina Mamita at Papsy at masaya silang nag- uusap-usap habang naririnig kong panay ang request ni Mamita na magpaluto ng aking mga paboritong pagkain.
"Melba, siguraduhin mong malinis ang kwarto ng alaga mo okay? Baka mamaya lang darating na iyon," mula sa kinatataguan kong malaking vase, dinig na dinig ko ang usapan nila.
"Naihanda mo naba ang pagkaing paborito ng alaga mo? Aba Melba, minsan lang umuwi ang batang iyon." Dinig ko namang wika ni Papsy.
"Opo Madamé, opo Sir, no problemo." Nakatawang tugon naman ni Yaya.
Mula sa kinatataguan ko' dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanila. Si Yaya ang unang nakapansin sa akin kaya naman sumenyas ako dito na huwag siyang mag-iingay. Pati ang dalawang kasambahay na kasama niya ay napatakip na lamang ng kanilang mga bibig.
"Luto na po ang lahat ng paborito ng alaga ko Madamé, ang alaga ko na lang ang kulang." Saad muli ni Yaya,
"Hindi pa tumatawag ang batang iyon, nasaan naba siya?" Muling saad ni Mamita.
"I am already here!" I said with my lively voice. Napalingon kaagad sa akin sina Mamita at Papsy.
"Magnus, apo!" Naluluhang sambit ni Mamita ng makita ako.
"Magnus, ijo!" Saad naman ni Papsy.
Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mukha ng aking Lolo at Lola na makitang muli ang nag-iisa nilang apo.
Nagbigay galang muna ako sa kanila bago ko sila niyakap ng mahigpit.
"Mamita, Papsy."
"Finally you're home ijo,"
"Akala ko talaga, kaya mo kaming tiisin ng ganun-gano'n na lamang apo. Namiss ko ang aking apo," panay sambit ni Mamita sa akin.
"You're crying again Mamita?"
"At sino'ng hindi iiyak' gayong ilang buwan kang hindi umuuwi dito? Apo, baka naman this time pwede mo kaming pagbigyan, kahit isang buwan lang Magnus —makasama ka namin apo." Huminga ako ng malalim, hindi ako kaagad nakasagot.
Ang hirap ng sitwasyon ko. Kung pwede lang na isama ko sina Mamita at Papsy sa probinsya, gagawin ko' pero masyado na silang matanda at alam kong hindi na nila kakayanin ang palipat-lipat ng tirahan.
"Mamita' hindi pwede, kailangan ako ng negosyo."
"Puro negosyo na lang ba ang mahalaga sayo Magnus? Paano naman kami ng Papsy mo? Please apo, pagbigyan mo na kami. Sana, lumagay kana din sa tahimik' sabik na kaming magkaapo sa'yo." Napakamot na lamang ako ng aking ulo, ito ang palagi nilang sinasabi sa akin ang bigyan ko na daw sila ng apo.
Imposible ang gusto nilang mangyari dahil hindi ko pa nahahanap ang babaeng gusto kong magdala ng aking apelyido. Ang babaeng mamahalin ko habang-buhay. Ngunit sa isang mailap na puso na katulad ng isang Magnus Roberts—sa tingin ko hindi na iyon mangyayari pa.
Wala pa ang babaeng bibihag sa aking puso, o sa madaling salita hindi pa isinisilang ang babaeng aangkin sa aking puso.
"Let's eat Mamita, mamaya na lang natin pag-usapan 'yan," pag-iiba ko sa aming usapan.
Humarap kami ng hapagkainan na masaya at puno ng tawanan. Pero mas masaya sana kung nandito pa nakakasalo namin sina Mommy at Daddy.
"Siyanga pala sweetheart' iyong wedding invitation kailan ulit iyon?" Narinig kong tanong ni Mamita kay Papsy habang kami ay kumakain.
"God' bukas na iyon sweetheart. Paano kaya ito, ang layo pa naman ng Isabela' kakayanin mo kayang bumyahe?" Tanong pa ni Papsy.
"Hindi tayo pwedeng mawala doon, nakakahiya sa pamilya Romualdez." Tugon pa ni Mamita,
"Who's the Romualdez Mamita?" Tanong ko.
"Kaibigan ng Daddy mo apo since highschool. Ikakasal na ang panganay niya' mabuti na lamang at kahit wala na ang Daddy mo, hindi parin nakakalimot ang batang iyon sa amin. Mabuti pa siya, magkakaapo na sila." Napatigil ako sa aking pagsubo.
"If you want Mamita, I can make it for you. Ako na lang ang mag-aattend sa kasal' how was that?" Napangiti naman sina Mamita at Papsy na napatingin sa akin.
"Really apo? Oh, salamat apo. Sige Magnus, tatawagan ko na lang ang mga Romualdez at sasabihing ikaw na lamang ang a-attend sa kasal, tiyak magiging masaya si Richard kapag nalaman niyang ang anak ng bestfriend niya ang dadalo. Salamat Magnus apo," ganoon na lamang ang pasasalamat sa akin nina Mamita at Papsy.
Pagkatapos naming mag- breakfast ng umagang iyon' napagpasyahan naming lumabas na tatlo.
Mula sa aming bahay sa western Makati' nagpunta kami ng greenbelt shopping mall. Dito bumili si Mamita ng aking susuotin sa kasal at pati ang regalong dadalhin ko ay dito narin namin pinamili lahat.
A black two piece tuxedo suit' made in Italy ang kinuha ni Mamita.
"Whoaww! I think this is too much Mamita, hundred twenty thousand for this suit? No! Pwede namang rag jeans na lang ang suotin ko. Alam mo bang madaming bata na ang mapapakain natin sa halagang iyan?" halos malula ako sa presyo ng makita ko ang price tag ng damit na iyon.
"Rag jeans? No, hindi ako papayag' sige na Miss, we'll take this one. At kung iniisip mo ang charity natin' may fund para doon apo." Hindi na lamang ako kumontra dahil kahit ano pang pagpipigil ko kay Mamita, sila pa din ang masusunod sa bandang huli.
Umalis kami ng greenbelt shopping mall bandang alas dos na ng hapon. Pagkauwi namin ng bahay ay naghanda na din ako para sa aking pag-alis papuntang Santiago City sa probinsya ng Isabela.
At exactly ten in the morning ang nakatakdang oras ng kasal, kaya naman minabuti kong kumuha na lamang ng private flight papuntang Isabela para mas mabilis. Tinawagan ko na din si Thaddeus na siya ay sumunod na lamang sa akin gamit ang aking white Porsche 911 model na sports car.
After one hour and twenty minutes, narating ko ang lungsod ng Cauayan' ito ang nag-iisang paliparan dito sa probinsya ng Isabela.
Hindi ito ang unang beses na nakapunta ako ng Isabela. May mga property si Daddy na naiwan dito na hanggang ngayon ay binibisita ko padin. At isa na dito ang kamakailan ay napagpasyahan nina Mamita at Papsy na ibenta na lamang para daw wala na akong balik-balikan pa dito sa Isabela.
Kahit masakit, pikit mata kong ibinenta ang property na iyon' dahil narin sa pakiusap nina Mamita at Papsy. Masyadong masakit para sa kanila ang alaala ng lugar na iyon' dahil doon nagtago si Daddy noong ito ay umalis ng Maynila bago siya naakusahan sa isang krimen na hindi naman niya ginawa.
"Isabela, I'm back!" saad ko sa aking isipan ng napapapikit.
* * * *
At exactly nine in the morning nasa Saint James Parish Church na ako sa lungsod ng Santiago Isabela. Dumating ako doon na parang wala lang. Hindi na din ako nag-abalang lumapit pa sa mga Romualdez upang magpakilala.
Nag-umpisa ang misa—at nag-umpisa narin ang seremonya ng kasal, ng walang anu-ano'y may isang babaeng nakaitim ang dumating. Pumapalakpak sa gitna ng red carpet habang pasuray-suray itong naglalakad patungo ng altar at mula sa likuran niya ay may babaeng nakasunod na umaalalay sa kanya.
"Whoaw! A bride in black?" Napapangiting saad ko. Mula sa aking kinauupuan' tumayo ako ng tuwid ng makita kong nagkakagulo na ang lahat ng mga tao sa loob ng simbahan.
A woman wearing a black wedding dress. A black veil, black lipstick and even her fingernails are black too. Even though all I see in that woman is black, her beauty is undeniable and captivating.
That's how I describe the appearance of that woman—who is now my wife. I smiled as I held that piece of paper in my hand.
In every detail of that woman's face, I could clearly see my future. The success I had longed for—was about to come true.