ANTHEIA'S POV: "Antheia?!" Isang malakas na boses iyon ang nagpabalik sa aking lutang na diwa. "Gosh!" Nasambit ko kasabay ng panlalaki ng aking mga mata. Boses iyon ni Daddy, at ganoon na lamang ako makatulak kay Atticus ng mga sandaling iyon. "Da-daddy?" Mautal-utal na saad ko. Alam kong nakita ni Daddy ang lahat, alam kong nakita niyang nakayakap si Atticus sa likurang bahagi ko. "What is the meaning of this?" Kalmadong saad ni Daddy. I know Daddy very well, he speaks gently. This is the difference between him and his twin brother Tito Kent. Daddy is quiet and calm, while Tito Kent has a hot temper and is always shouting. "Mag-uusap tayo baby, follow me! And even you' bantay-salakay na lalake, mag-uusap tayo!" Madiin ngunit kalmadong saad ni Daddy. Nagkatinginan kaming dalawa ni

