ANTHEIA'S POV: Bakit kailangan niyang gawin ito sa akin? Dahil lamang sa hindi ko naibigay ang gusto niya—naghanap na siya ng kaligayahan sa kandungan ng iba? At ang masakit, si Lorraine pa na tinuring ko ng kapatid ang mismong tutuklaw pala sa akin. "I'm arranging the annulment of our marriage, Antheia, wait for me because this time I'll keep my promise to marry you." muli saad niya. "Paano ang baby niyo? Sa tingin mo ba, makakaya kong tanggapin ka muli sa buhay ko—gayong alam kong may munting buhay nang umaasa sayo?" tanong ko. "Hindi ko tatalikuran ang responsibilities ko sa kanya Antheia, magiging Ama padin ako sa kanya. Hindi ko kaya na makasama ko si Lorraine habang buhay gayong ikaw ang mahal ko. I love you baby, please give me another chance." Muli ay pakiusap niya sa akin.

