Sakay ng kanyang paboritong sasakyan ang kanyang Porsche 911 sports car—mag-isang bumyahe papunta ng Tuguegarao si Atticus. Halos paliparin na niya ang kanyang sasakyan—mapuntahan lamang kaagad si Antheia. Mula sa dashboard, dinampot niya ang kanyang cellphone. Sa Isla pa lang ay hindi na niya ma-locate si Antheia, nagbabakasakali siyang ngayon at nakalabas na siya ng Isla ay malalaman na niya ang lokasyon ng dalaga. Napangiti siya dahil sa wakas ay na-locate din niya ang kinaroroonan ni Antheia. Unang pagkakataon na tatapak siya ng Tuguegarao at aminado siyang mangangapa siya sa kahahanap kay Antheia ngunit dahil sa makabagong pamamaraan ngayon—alam na alam na niya kung saan niya pupuntahan ang dalaga. "San Gabriel Village' Cervantes Residences." Sabay binasa pa niya ang nakalagay

