Nagising ako sa ingay sa buong paligid, kaya iminulat ko ang aking mga mata. Biglang kumunot ang noo ko nang makita kong nasa loob ako ng ring boxing at nakaupo sa isang upuan. Pero sa gitna na nito ay may naglalaban na dalawang babae. Napanganga ako nang maalala ko noong naroroon ako sa squatter ay mayroon din mga naglalaban doon mga babae. Hindi kaya iisa lamang ang taong may pakana ng lahat ng ito? "Mabuti naman at gising ka na. Maghanda ka na dahil ikaw na ang susunod na lalaban. Ano kaya ang sasabihin ni Matteo Lane? Oras na malaman niyang isasabak ka namin sa laban," nakangising wika ng lalaking pangit. "Simpre matutuwa iyon. Ano ka ba? Baka nga magdiwang pa iyon," mapang-asar kong wika rito kahit medyo mahilo-hilo pa ako. "Huwag kang pilosopo, babae!" singhal nito sa akin. "Nag

