"Matteo, ano ba?!" sigaw ko rito habang nagpupumiglas. Talaga nga yatang gagawin nito ang nais. Diyos ko! Ano bang utak mayroon ang lalaking ito. Pero nakangisi lamang ito sa akin at pinagpatuloy ang paghalik sa aking leeg. Gumapang ang halik nito sa aking mukha at ramdam ko ang mainit na dila nito. Hanggang sa pamunta na nga sa gilid ng labi ko. At tuluyang sinakop ang lips ko. "Hanapin ninyo, alam kong nandiyan lamang si Matteo Lane!" Bigla naman napatigil si Matteo sa ginagawang panggagahasa sa aking lips. Mas nagulat ako nang mahigpit akong hinawakan at nagpagulong-gulong kami sa nagtataasaang mga talahib. "Si-Sino ba ang mga kalaban mo?" tanong ko sa lalaki. "Si Pello Sy. Ang taong mortal kong kaaway at gusto akong pabagsakin. Hindi lang siya ang naghahangad na maging isang M

