THE RING 40

1275 Words

MASAMA ang loob na naupo ako sa sofa, hindi ko matanggap na naloko ako ni Matteo Lane. Akala ko'y mauuto ko na siya. Pero bumaliktad ang sitwasyon namin at ako ang nalinlang nito. Pero hindi naman ako papayag na basta magpatalo rito. Kaya gagawa ako ng paraan upang makaganti sa lalaki. Bigla ko ring natapik ang aking noo nang maalala ko ang marriage contract na aking pinirmaham, kaya nagmamada akong tumayo upang hanapin ni Matteo. Gusto kong itanong kung para saan iyon. Agad akong lumabas ng kwarto. Muli ko na namang nakita ang babaeng nagngangalang Henna. Ngumiti ako sa babae. Tumaas ang kilay ko nang yumuko ito pero hindi nakaligtas sa aking matalas na mga mata ang itsura ng mukha nitong parang papatay ng tao. Mukhang ang pagiging mahinhin nitong ipinakikita ay pabalat bunga lamang.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD