By: SRRedilla Nagising akong puro puti ang nakikita ko sa buong paligid. Mas lalo akong nagtaka nang mapansin ko ang kaliwang paa ko ay nakabitin at mayroon itong nakabalot na puting tela. "Diyo ko po! Wala na ba akong paa?" tanong ko sa aking sarili. Bumukas ang pinto at pumasok si Matteo. Kaya umataki na naman ang bibig na tila laging full charge sa kadaldalan. "Ano ginawa mo sa paa ko? Pinaputol mo ba? Dahil naghihiganti ka sa akin, huwag mong hintayin na makakuha ako ng kutsilyo at puputulin ko ang alaga mo!" sigaw ko kay Matteo. "Sttkks! Ang ingay mo," asar na wika nito. Ngunit hindi ko ito pinansin. At muling nagpatuloy uli sa aking pagsasalita. "Bakit mo pinaputol ang mga paa ko!" atungal ko kay Matteo. Umiiling na lumapit ito sa akin. "Huwag kang mag-alala hindi pa putol

