CHAPTER 15 ALINA TESORO LATE NA KAMI natapos ni Eden dahil sa mga kailangan naming dalhin. At ang dalawang bata na sobrang excited, ay parang gusto ng dalhin ang buong kwarto nila sa dami ng pinack kaya kailangan pang ulitin ni Eden. Ngayon naman ay maaga kaming nagising para magluto ng kakainin namin sa byahe at pagdating sa resort. Mahilig kumain ang mga kasama ko kaya mas maganda ng meron akong dala. Isasama namin sila Mama at siguradong kapag nalaman ito ni Mommy ay magwawala na naman ito. “Wala na ba kayong nakalimutan?” tanong ko sa dalawang bata. “Wala na po,” Levi answered as he checked her sister’s car seat. “Okay, let’s go to the beach!” At pagkasabi ni Landon noon ay sabay na sumigaw ang dalawa. Matagal na rin ng huling beses kaming nag-outing kaya sobrang excite

