CHAPTER 14 ALINA TESORO MABIGAT ANG ULO at halos, umiikot ang paningin ko ng magising ako. Nang subukan kong tumayo ay muntik pang bumigay ang tuhod ko dahil sa panghihina at kawalan ng lakas. Pati katawan ko ay napagod na at ngayon kusa na itong bumibigay dahil sa sobrang pang-aabuso ko. Pababa pa lang ako ng hagdan ay naririnig ko na ang boses ni Mommy na pinapagalitan si Eden. Alas otso pa lang ng umaga pero ang ingay na ng paligid at halos mabiyak na ang ulo ko dahil doon. “A-anong nangyayari, Eden?” tanong ko pagpasok ng kusina. “Ikaw! Hinahayaan mo ang mga anak mong maglaro sa labas. Tingnan mo ang nangyari kay Lana, nasugatan siya dahil sa kapabayaan mo!” sigaw ni Mommy ng iduro ako. Binalingan ko ang anak ko na nakaupo sa tabi niya. “What happened, Lana?” tanong ko

