CHAPTER 28 ALINA TESORO NASA LABAS pa lang ako ng bahay ay kitang-kita ko na ang mga ilaw na nakabukas sa loob ng bahay. Nang pumasok ako ay wala akong naririnig na ingay mula sa dalawang bata. At hindi na rin ako nagulat na makita si Mommy na naghihintay sa akin sa gitna ng sala. Nang makita niya ako ay walang sali-salita itong naglakad papunta sa akin at isang malakas na sampal ang lumapat sa pisngi ko. I know this would happen if the issue about us comes out. I would be the villain of my own story, which I never actually owned in the first place. “You still have the decency to come home and show me your face? Wala ka ba talagang kahihiyan?” Hinawakan ko ang pisngi kong bahagyang nag-init dahil sa sampal ni Mommy. Mabuti na lang din at wala ang mga bata dahil dadagdag na n

