CHAPTER 29 ALINA TESORO MALAMIG NA SIMOY ng hangin at magandang tanawin ang bumati sa akin pag gising ko. Alas sais pa lang ng umaga pero gising na ako. Hindi ko alam kung dahil excited na akong makita ang nasa paligid ko o namamahay lang ako. Pero alinman sa dalawa lang rason ay masaya akong mabuhay at makita ang lugar na ito. Masaya akong pinaparanas pa rin sa akin ng Diyos na maging masaya sa kabila ng mga nangyayari sa akin. Ang problema ko ay simple lang sa ibang halos wala ng makain o walang matirhan o baka mas malala pa. Kaya dapat hindi ako nagpapakalunod sa lungkot sa mga bagay na nawala sa akin. Kung sana ganun lang din kadaling makalimot hindi siguro ako parang tanga ngayon na kailangan pang lumayo para lang huminahon. “Yna, wag ka ng magdrama diyan magkape na tayo,

