CHAPTER 41

2640 Words

   CHAPTER 41   ALINA TESORO  MAAGA PA LANG ay gising na kami para mag-ayos ng mga gamit namin. Papunta kami ng Vigan ngayon ni Via dahil sisilipin ko ang pinapaayos kong bahay na lilipatan namin. Ayos na ‘yon kaso may mga kaunting parte lang ako na hindi nagustuhan kaya pinaretouch ko ulit. At ang nakakatawa ay sasama na daw si Mama at ang dalawang anak ko. Mabuti na lang at wala ng pasok ang mga bata kaya hindi na rin masama kung gusto nilang sumama.  Napakamot na lang ako sa ulo habang nakatingin sa van na sasakyan namin. Kotse lang dapat ito at maluwag pero ngayon ay hindi ko na alam kung saan kami uupo dahil sa dami ng mga dala-dala ng kasama ko.  “Hindi naman tayo pinalayas ‘di ba? Bakit ganito karami ang dala niyong gamit?” baling ko kay Mama na kakamot-kamot lang sa ulo niya. 

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD